webnovel

Gathering of Legends!

Éditeur: LiberReverieGroup

Natulala na lang si Marvin sa mga taong naroon!

Ano bang mayroon sa araw na ito? Mayroong hindi bababa sa limang makapangyarihang Legend ang nagtipon-tipon sa maliit na bayan ng White River Valley.

Druid, Night Walker, Wizard, Monk, Shadow Thief!

Kapag isinama pa si Ivan kaya na nilang mapatay kahit isang god!

At hindi lang isang avatar ng god, kundi ang isang god mismo!

Pero syempre, isa lang sa mga mahihinang god.

Ang grupo ng mga Legend na ito ay nagpunta sa White River Valley. Manghang-mangha si Marvin sa nangyari.

Nagkakila-kilala rin silang lahat.

Dahil sa bigla lang dumating ang grupo ni Hathaway nang walang pasabi, hindi alam ng grupo ni Constatine kung ano ang kanilang mararamdaman.

"Nagtawag ka pa ng ibang tao?" lumapit si Constantine kay Marvin at nagtanong.

Hindi maipinta ang mukha nito habang tinitingnan si Marvin.

Kayang imbitahin ng isang Lord ng isang maliit na pobinsya ang tatlong makapangyarihang tao!

Sa tatlong Legend na ito, hindi gaanong pamilyar si Constantine kay Hathaway dahil kailan lang ito nakapag-advance. Pero si Inheim at ang Shadow Thief ay aktibo sa katimugan.

Kahit pa hindi nagkaharap-harap ang mga expert na ito, alam pa rin nila ang mga kwento patungkol sa isa't isa.

Para sa mga Legend, kaya nilang makilala kung sino ang mga tinutukoy sa mga kwento sa isang tingin lang.

"Ikaw siguro ang kapita-pitagang Inheim na walang tigil na humahabol sa avatar ng Shadow Prince, tama?"

"At ang taong ito ay ang [Owl] na kumalaban sa Ancient Red Dragon noong isang araw?"

"At ang babaeng 'yan ay si…"

Tiningnan ni Constatine si Hathaway pero wala siyang maisip na pangalan kung sino ito.

"Ako si Hathaway, ang Master ng Ashes Tower." Bahagyang tumingala si Hathaway. "Kakatapos ko lang mag-advance sa Legend Rank."

"Noong isang araw, para mas malinaw."

Makikita sa mukha ni Constantine na naiintindihan na niya ang nagaganap. "Ahhh. Noong kailan ka lang nag-advance, kaya pala wala pa akong nabalitaan tungkol sayo."

Noong mga oras na 'yon, si Inheim na tahimik lang ay biglang lumapit at kinausap si Constantine, "[Demon Hunter] Constatine. Marami akong narinig tungkol sayo."

"At ang makapangyarihang Druid na ito, [Endless Ocean], tama? Nabanggit ka ni [Eternal Tree]. Sabi niya'y ikaw raw ang may pinakamalaking potensyal para maging ang pinakamalakas na nilalang sa panahon natin."

Nagtipon-tipon ang lahat at nagkwentuhan sandali, habang naiwan sa isang tabi si Marvin.

Hindi alam ni Marvin kung ano ang gagawin at mararamdaman niya. Hindi naman siya pwedeng basta-basta na lang sumabat sa usapan ng mga Legend na ito.

Bawat Legend ay may kanya-kanyang kapurihan. Kapag nakakilala sila ng kapantay nila, sasagot sila ng angkol sa kanilang katayuan.

Panandalian silang nagkwentuhan bago napagtanto ang isang bagay.

Lahat sila'y napatingin kay Marvin.

Masasabing kasinungalingan kung sinabing hindi nakaramdam ng kahit kaunting kaba si Marvin nang tingnan siya ng limang Legend.

Naubo siya, "Mga kagalang-galang na Legend… Sa katunayan, hindi ko inasahang darating sa White River Valley ang ganito karaming malalakas at makapangyarihang tao sa White River Valley ngayong araw."

"Alam kong bawat isa sa inyo ay may gustong sabihin o itanong,"

"Pero maaari bang saka na natin pag-usapan ang mga ito."

Tumango si Constantine at naunang pumasok sa palasyo kasama si Endless Ocean.

Tiningnan naman ni Hathaway si Inheim at ang Shadow Thief na tinatawag na "Owl". Nang makita niyang tumango rin ang mga ito, sumunod na rin ito kay Marvin.

Nang makita 'ito ni Marvin, naisip niyang walang masyadon awtoridad si Hathaway sa grupong ito.

Kinailangan muna niyang komunsulta kina Inheim at Owl.

'Ano bang nangyari para biglang dumalaw si Hathaway?'

Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Marvin. Dinala niya ang limang bisita sa isang hindi ginagamit na sala.

Hanggang sa nagsimula na ang isang enggrandeng diskusyon.

...

"Kung gayon, ang Crimson Patriarch ang pakay niyo? Ang pinuno ng Twin Snakes Cult?"

Sa loob ng silid na 'yon, ipinaliwanag muna ni Marvin nag kaniyang plano bilang kinatawan ng grupo ni Constantine.

Matapos makinig, tumawa ang Shadow Thief Owl. "Nabalitaan kong nagtulungan na kayong dalawa pero nakatakas pa rin ang ahas na 'yon, tsk.."

Mapanuya ang tingin nito at tila ba nang-aasar.

Nanatili namang mahinahon si Constatine at Endless Ocean.

"Napakatuso ng Crimson Patriarch. Maraming tao na ang sumubok patayin siya at nabigo. Ayoko nang kahit anong sagabal sa planong 'to."

"Ang buhay ng pamilya ni Baron Marvin at ang kanyang buong teritoryo ang ginagawang pain ngayon. Kaya ayokong masira ang plano naming." Malumanay na dagdag ni Constantine.

Umismid si Owl, "Sa tingin mo ba pumunta kami sa kasumpa-sumpang lugar na 'to para makipaglaro sa inyo?"

"Ano ba talaga 'yang Crimson Patriarch …."

Nang biglang sumabat si Inhem at sinabing, "Mister Owl, hindi natin kalaban ang Demon Hunter at si Endless Ocean."

"Iisa lang ang kalaban nating lahat, ang Shadow Price. Maging malinaw tayo rito."

Nagkibit-balikat lang si Owl.

Makikitang ginagalang nito si Inheim, maaari ring masabing takot ito sa kanya!

Nagawang bugbugin ni Iheim ang avatar ng Shadow Prince nang walang kahirap-hirap noong suot nito ang Void Boots, paano pa kaya ang isang Legend Shadow Thief.

"Ang Shadow Prince?"

Nang marinig ito, nagkaroon ng pangitain si Marvin.

"Tama, ang Shadow Prince!"

Nakangiting tiningnan ni Hathaway si Marvin, "Nagulat ka ba?"

"Sa loob ng dalawang linggo, matatapos nang mabuo ang panibagong avatar ng Shadow Prince. Mangagagling ito sa God Realm at dadaan sa Universe Magic Pool para makarating sa Feinan."

"Ang kailangan lang natin gawin ay patayin ito pagkarating dito habang hindi pa ito bumabagay sa mga limitasyon ng Feinan!"

"Higit pa sa pagpatay," dagdag ni Inheim.

"Kung papatayin lang, kaya ko nang gawin mag-isa 'yon, pero kailangan natin ng higit pa dito."

'sandali!'

Agad na sagot ni Marvin, "Ibig mong sbaihin, darating ang avatar ng Shadow Prince sa loob ng…"

"White River Valley?"

Tiningnan niya ang tatlo at hindi makapaniwala.

Ganito na ba siya kamalas?

Tiningnan ng Shadow Thief na si Owl si Marvin na parang bang tanga ito, "Ano pa nga ba?"

"Sa tingin mob a kusang loob akong pupunta sa walang kwentang lugar na ito? Wala man lang magandang bahay aliwan dito."

...

Saglit na natahimik ang buong silid.

Humaba pa ng tatlong oras ang usapan.

Para bang hihimatayin na si Marvin sa pagod pagkatapos nito.

Ang impormasyon na dala ni Hathaway sa kanyang biglaang pagdating ay napakahahalaga.

Sa bandang huli, mas natuwa pa si Marvin kesa nagulat!

Ayon sa sinabing ng Great Druid na si [Eternal Tree], sa White River Valley bababa ang bagong avatar ng Shadow Prince!

At si Inheim na hindi tumitigil sa paghabol sa Shadow Prince ay napagod na sa paulit-paulit nitong ginagawa kaya naman nag-isip na ito ng panibagong plano.

Kaya naman hinanap niya si Hathaway at Owl para makipagtulungan.

Kaya naman, sa susunod na dalawang linggo, maninirahan silang tatlo sa palasyo bilang bisita sa palasyo.

Ibig-sabihin, mayroong hindi bababa sa limang Legend ang nagbabantay dito!

Limang Legend!

Ibang klaseng sitawasyon ito.

Maraming inihandang plano si Marvin para mapatay ang Crimson Patriarch, dahil natatakot siyang baka hindi kayanin ni Constantine at Endless Ocean ang ahas na 'yon.

Pero ngayon…

Bigla siyang naawa sa Crimson Patriarch!

Dahil nagkasundo na ang limang Legend.

Yamang din lang na magkakasama na sila, maaari na silang magtulong-tulong. Maging ang Crimson Patriarch man ito o ang Shadow Prince, basta't hindi sila makitang magkakasama, magagawa nilang magtulungan para dispatyahin ang mga ito.

Limang Legend!

Wala na atang mas lalakas pa sa mga ito sa buong East Coast!

Nakatayo si Marvin sa pinakamataas na balkonahe ng buong palasyo, at pinagmasdan ang White River.

Matapos ang pagpupulong, naglabas si Inheim ng apat na protective talisman at ibinigay ito sa iba pang mga Legend. Ang mga protective talisman na ito ay ginawa mismo ni Eternal Tree at sinasabing naitatago nito ang presensya ng isang tao.

Noong una, kung sa Crimson Patriarch lang, maitatago sana nila ang kanilang mga presensya gamit lang ang angking kapangyarihan nila.

Pero hindi madaling malinlang ang tusong Shadow Prince.

Naghanda ng mabuti si Hathaway at ang iba pa para sa planon ito.

Ang pagtatangkang pagpatay sa kanya ay nagdulot ng isang malaki lamat sa puso ni Hathaway.

Kung hindi dahil sa babala ni Marvin, marahil namatay na siya dahil sap ag-atake ng Shadow Prince.

Pero naabot na niya ang Legend rank dahil sa Book of Nalu kaya naman gusto na nitong makatulong na solusyunan ang problema.

"Nabalitaan kong nagnakaw ka raw ng labing-isang golden bull sa Hindden Granary ng Twin Snakes Cult, pero bakit isa lang ang nakita ko." Biglang sabi ng isang boses sa kanyang likuran.

"Ito ang kwarto ng Lord ng Castle na ito."

Hindi lumingon si Marvin at ipinagpatuloy ang sinasabi, "Tanging ang Overlord at kanyang kasinatahan ang maaaring pumasok."

"Talaga ba?" Lumapit si Hathaway at dumantay sa barandilyang katabi ni Marvin.

Sumulyap si Marvin… hindi mapigilang kumibot ng kanyang mga mata.

'

'Si Hathaway, ang babaeng ito… nag-anyong bata na naman siya!'

Nakasuot lang ito ng simpleng bestida na magandang tingan, pero hindi angkop ang boses nito para sa kanyang itsura.

"Hm? Ay, nalimutan kong palitan ang boses ko." Napansin na rin ito ni Hathaway.

Biglang sumakit ang ulo ni Marvin.

Talagang masasabing kakaiba ang Master ng Ashes Tower.

Hindi niya alam kung bakit ito nagpunta rito!

"Salamat," tahimik na sabi ni Hathaway.

Umiling si Marvin. "Malaki rin ang naitulong mo sa akin."

"Hindi, hindi naman ako makakapag-advance ng ganoon kabilis kung wala ang Book of Nalu."

Mahirap masabi kung ano ba talagang nararamdaman ni Hathaway. "Nakita mo ako noong takot na takot ako."

"Kung ordinaryong tao ang nakakita sa akin na ganoon, ginamitan ko na 'yon ng [Mind Wipe]."

Nanlamig si Marvin nang marinig ako.

Nang biglang tumingkayad ito at hinalikan si Marvin.

Natigilan si Marvin.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Hathaway.

Nakatulalang tumango si Marvin, na-blanko ang isip niya.

Tumalikod si Hathaway at umalis, umalingawngaw ang tawa nito na para bang mga kampana, "Hinalikan ka ng bata tapos nagustuhan mo, hindi ko naman alam na bata pala ang tipo mo!"

"Sa kasamaang palad, tatandaan mong ako ang humalik sayo, at hindi ikaw ang humalik sa akin"

"Kung gusto mo kong halikaw… Kailangan mo bilisan at maging Legend."

Hanggang sa nawala na ang maliit na anino ni Hathaway.

Wala pa rin reaksyon si Marvin. Tila ba isang ilusyon ang halik na 'yon.

Nanghihina naman niyang tiningnan ang kanyang Log, pero walang: [Unang beses kang nahalikan] na mensaheng lumabas.

"Unang beses mong mahalikan ng babae? Little Marvin?"

Isang boses ang nanggaling sa likuran niya.

Agad na lumingon si Marvin. Hindi niya alam kung gaano na katagal na nakasandal sa barandilya ang Shadow Thief na masayang tinatawanan siya.

"Hindi ba nakakapagod ligawan ang isang Seer?"

Chapitre suivant