webnovel

Chaotic Battlefield Expert

Éditeur: LiberReverieGroup

Nasindak ang Thief noon nakitang niyang papalapit na sa sa kanya si Marvin. Winasiwas niya ang kanyang dagger at sinubukang gamiting ang Stealth para makapag-tago sa mga tao.

"Gumamit ng Stealth sa gitna ng laban..Bobo.."

Buong pwersang hiniwa ni Marving ang likod ng aninong napakabagal.

Isang malakas ang maririnig habang unti-unting bumabalik sa tunay na anyo ang thief. Nagpagewang-gewang pa ito bago tuluyang humandusay sa sahig.

Masyadong mababa ang ability ng mga gangster na 'to. Mukhang mga ordinaryong tao lang ang kaya nila.

Para ka na ring nagpakamatay kapag gumamit ka ng Stealth sa gitna ng laban, dahil kailangan ng mahabang paghahanda para gamitin ito. Hindi rin nito mata-tago ang bakas mo dahil hindi ito ganoon kalakas.

Sinipa palayo ni Marvin ang dagger ng Thief, at saka sinaksak ang leeg nito para tapusin.

Nawindang ang apat pang natira at gusto ng tumakas.

Masyadong mahusay ang ipinakita ni Marvin. Isang expertong super-Ranger lang ang may kakayanang magpamalas ng ganoong abilidad.

Nagkagulo ang mga tao. Hindi nila inakala na ganito kalakas ang nag-iisang dual-wielding na tao. Hindi kapani-paniwalang napatay niya agad sa isang iglap ang dalawa sa anim nitong kalaban. Tanging isang army elite lang ang kayang makagawa nito!

"Elite mercenary kaya siya?" ang sabi ng isa sa mga tao.

Walang magagawa ang apat, kailangan pa ring harapin si Marvin.

Nagtulong-tulong na ang apat para masiguro ang kaligtasan nila.Habang umatras pa lalo ang mga nanunuod dahil sa takot nilang madamay sila sa labanan

Tumalon si Marvin at gamit ang kanyang twin dagger ay dumikit siya sa pader at saka mabilis na may kinuha sa kanyang mga bulsa.

Boom!

Mayroon siyang ibinato pababa!

Buhangin!

"Mag-ingat kayo! May buhangin!" Tinakpan nila ang kanilang mga mata gamit ang mga sandata at kamay nila.

Mas na-bwisit sila dahil ginaya ni Marvin ang taktika nila. Hindi nila inaasahan na gagamitin laban sa kanila ang pamamaraan nila.

Habang di sila nakatingin dahil sa pag-iwas nila sa buhangin, may isang pang malaking bagay na hinulog si Marvin.

Tila umulan ng puting material.

Lime powder naman ngayon!

Nangatal ang mga tao.

Dahil nakakatakot na sila sa nangyayari.

Handa na sanang sumugod muli ng apat matapos iwasan ang buhangin pero hindi nila inasahang lime powder naman ang papasok sa mga mata nila.

"Ang mga mata ko!"

"Tulungan niyo ko!"

"Ang sakit!"

Nagkagulo sila, at iwinasiwas ng iwinasiwas ng isa sa kanila ang kanyang espada kaya hindi sinasadyang tinamaan ang Thief na katabi niya.

Natawa lang si Marvin at agad na tumalon mula sa pader. Kinuha niyang muli ang kanyang mga dagger at tahimik na lumapit. Shing! Shing! Shing! Hiniwa niya ang mga mga lalaki na para bang nagkakatay siya ng baboy.

Isa-isang humandusay ang mga bangkay ng apat na lalaki.

Wala na ang ikalimang elite team ng Acheron Gang.

Walang masabi at hindi makagalaw ang mga tao. Napatay niya mag-isa ang elite team. Nagtago sa sulok ang mga ordinaryong miyembro dahil sa takot.

Agad na tumakbo ang isa sa kanila para magsumbong.

"Anong ginagawa niya? Wag mong sabihing balak niyang patayin ang lahat ng miyembro ng mag-isa lang siya? Imposible 'yon!"

Habang gulat na gulat ang mga tao sa ginawa ni Marvin, nahanap niya kaagad ang sikretong daan patungo sa bodega sa tulong ni Isabelle.

Blag!

Sinipa muli ni Marvin ang pinto para bumukas at bumungad sa kanila ang isang hardin na walang kalaman-laman.

"Nagtatago sila sa bodega," sabi ni Isabelle. "Mayroon pang natitirang isang elite team, pati si Diapheis. Malakas siya!"

Halos purihin na ng mga manunuod si Marvn dahil sa ipinakita niyang angking galing.

Kahit siya lang mag-isa, nagawa niyang paatrasin ang mga miyembro ng Acheron Gang. Ang ganitong lakas ay matatapatan lang ng isang 2nd rank na adventurer.

"Pati si Diaphesis na 2nd rank adventurer, nagtago. Bakit siya natakot sa isang level 3 o 4 na Ranger?" Bulong ng isa.

Biglang bumukas ang isang trap door na nasa sahig.

At biglang lumabas, sa isang kabubukas lang na lagusan, ang isang fighter na may bitbit na malaking axe sa balikat niya. Nakasunod sa kanya ang anim na adventurer. Eto na ang ika-apat na elite team ng Acheron Gang.

"Sarado na kami, mga sir. Kung ako sa inyo ay aalis na ako."

Umalingawngaw ang malalim na boses ni Diapheis. Agad naman sumunod ang mga tao sa kanyang sinabi.

Nakakatuwa mang panuorin ang mga nagaganap pero mas mahalaga ang buhay nila. Kaya naman, di nagtagal, mga miyembro na lang ng Acheron Gang ang naiwan.

Bukod kay Marvin at Isabelle, may pitong tao pa ang nasa hardin na nasa likuran, kasama na doon si Diapheis at lahat sila'y mga class holders. Nagtago na rin pati ang mga ordinaryong manggagawa.

Ayaw nilang madamay sa ganitong klaseng high level na labanan. Dahil sa ipinakita ni Marvin ay natakot na silang lahat.

Kung makakalabas ng buhay si Marvin dito, paniguradong kakalat ang balita tungkol sa Masked Twin Blades sa buong River Shore City.

...

"Sinong nagpadala sa'yo rito?" Tanong ni Diapheis habang tinatantsa ang bigat ng kanyang axe.

Puno ng galit ang puso niya.

Matagal na rin mula noong nakaranas ang Acheron Gang ng ganito kalakas na dagok. Patay na ang una at ikalimang elite teams. Nadamay pati ang bodega at pasugalan. Isang taktikang nais palabasin sa lungga ang leon.

"May mga taong binabayaran ka para pumatay, kaya hindi malabong may magbayad sa akin para pumatay."

"Masyado mong minaliit ang kakayanan ng mga aristokrasya. Binayaran ako para hanapin kung sino ang nagpapatay sa noble na si Marvin ng White River Valley. At dito ako napadpad. Wag mo kong tingnan ng ganiyan. Mas marami pang mga mercenary na mas malakas sa akin ang gusto kang makaharap.Nagkataon lang na ako ang nauna at ang pinakamabilis sa kanila." Sabi ni Marvin.

Halos pumutok ang ugat sa sintido ni Diapheis, "Paano nangyari yun? Paano niya nagawang bayaran ang tulad niyo?"

"Hindi ko alam." Natawa na lang si Marvin at sinabing, "Gusto ko lang tapusin ang trabaho ko, sabihin mo lang kung sinong nag-utos sa inyo at aalis na ako."

"Aalis? Pagtapos mong patayin ang mga tauhan ko?" Galit na sinabi ni Diapheis na, "Sa tingin mo makaka-alis ka pa rito ng buhay?"

"Ano? Magsasalita ka rin naman." Tumawa si Marvin, "Gusto mo bang mas marami pang mga tauhan mo ang mamatay para sa wala?"

At tiningnan ni Marvin ng masama ang lahat ng Miyembro ng Gang.

Nanginginig na nagkatinginan ang anim na miyembro ng elite team.

Nakita nilang walang kahirap-hirap na pinatay ang grupo kanina.

Alam nilang kapag lumaban sila kay Marvin, may mamatay sa kanila.

Hindi naman sila mga sundalo para lumaban hanggang kamatayan. Ordinaryong tao lang ang kaya nila pero hindi nila kayang harapin ang mala-halimaw na si Marvin.

"Boss, mas mabuti pa ata kung sasabihin mo na sa kanya.."

Isang Thief ang naglakas-loob na mag-salita, pero bago niya matapos ang kanyang sasabihin, walang pagaalinlangan siyang, hinati sa dalawa ni Diapheis gamit ang kanyang malaking axe.

Kumalat ang dugo sa paligid!

Nandilat ang mga mata ng lima pang natira sa nakita.

"Mga duwag!" Galit na sinugod ni Diapheis si Marvin habang sumisigaw ng, "Kaya ko siyang patayin mag-isa!"

Muling nagkatinginan ang lima at minabuting manuod na lamang.

Napangiti si Marvin.

Tama ang hinala niya na ang mga gangster na nanlalamang sa mga mahihina ay hindi susubukan kumalaban ng mas malakas sa kanila.

Kapag nanalo si Diapheis, makakatanggap lang sila ng parusa. Dahil siguradong babagsak ang Acheron Gang kapag nabawasan pa sila sapagkat nawalan na siya ng dalawang elite team. Kung matalo man si Diapheis, kailangan lang nilang ibigay ang pangalan ng nag-utos sa kanila para mabuhay.

Hindi sila gagawa ng kahit anong makakasama sa kanilang mga sarili.

Malaking bagay to para kay Marvin.

Dahil wala siyang magagawa kundi umatras panandalian kung tinulungan ng mga ito si Diapheis para palibutan siya.

Pero kung silang dalawa lang ang maglalaban.

Hindi siya matatakot kay Diapheis!

Mahigpit na hinawakan ni Diapheis ang axe niya, hindi rin maalis ang tingin niya kay Marvin.

Isa siyang matangkad at matipunong lalaki na may tatoo na apoy sa leeg.

'Isang Barbarian?'

Palihim na gumamit ng Inspect si Marvin habang iwina-wasiwas ang kanyang twin daggers.

Sinuswerte talaga si Marvin dahil nang tingnan niya ang mga attributes nito, isa ngang Barbarian si Diapheis.

[Diapheis]: Lvl5 Commoner – Lvl6 Fighter – Lvl2 Barbarian – HP 179

Kailangan ibuhos ni Marvin ang lahat ng lakas niya sa laban nila ni Diapheis. Isang tunay na fighter ito dahil kung hindi, hindi niya mapapalawak ang impluwensya niya sa River Shore City sa loob lang ng anim na buwan. Siguro dating military ito dahil sa pag buo niya ng maliliit na grupo.

Malaki ang pinagkaiba ng isang tunay na soldier at isang town guard, Lalo na sa battlefield kung saan kalmado sila kahit sa gitna ng kaguluhan at matatag ang kanilang mga kalooban.

Malaking tulong ang mga katangiang ito sa pakikipaglaban.

Idagdag pa ang kaalaman nita sa paggamit ng military-use na martial skills. At sa talas ng kaniyang axe ay siguradong mamatay ang sino mang tamaan nito.

'Hindi bababa sa 19 ang strength niya, mas mataas 'yon kumapara sa akin kaya kailangan kong iwasan lahat ng atake niya at iwasan sanggain ang mga 'to gamit ang daggers ko'

Tahimik at kalmadong kumilos si Marvin.

Eto na ang pinakamalakas na makakalaban niya mula noong pagtawid niya sa mundong ito.

Habang wala pang nagaganap, biglang tiningnan ni Marvin ang kanyang battle log:

[Dahil sabay-sabay mong kinalaban ang anim na tao at nanalo sa isang chaotic battlefield, iyo na ang titolo ng pagiging isang Chaotic Battlefield Expert.]

[Chaotic Battlefield Expert]: tataas panandalian ang dexterity mo ng 1 puntos kapag marami ang iyong kalaban.]

'Maraming kalaban? Tulad ngayon?'

Masayang pinalitan ni marvin ang titolo niya mula [Newborn Ranger] ng [Chaotic Battlefield Expert].

Isang buong puntos na nadagdag sa kanyang dexterity!

At matapos nga niyang magpalit ng titolo naging 18(+1) na ang dexterity niya.

Lumalabas na kahit hindi uma-atake ang ikaapat na team, tinuturing pa rin silang kalaban dahil sa masamang balak nila.

19 na dexterity! Isang puntos na lang magiging super-nimble na ako.

Subalit, mahusay tyumempo si Diapheis, sinamantala niya ang segundong abala si Marvin at buong pwersang umatake.

2nd rank Barbarian skill, [Intimidating Presence]!

Agad na nanigas ang katawan niya at hindi makagalaw.

[You experienced Intimidating Presence!]

[Willpower check…]

[Willpower check finished! Your body will continue to be stiff for 0.5 seconds!]

"Pucha!" Napamura si Marvin. Tumawa lang si Diaphesis habang wina-wasiwas patungo sa kanya ang dambuhalang axe nito.

Chapitre suivant