Ito ang unang beses na makita ni Garcia kung ano ang kayang gawin ng isang Extraordinary.
Ang armas as kanyang kamay ay isa lamang ordinaryong espada, pero ang pwersa nito ay talagang mabigat at malakas. Matapos na tumanggap ng maraming pag-atake ng kanyang kalasag sa kamay, Hindi na magawang maangat ni Garcia ang kanyang braso. Sa sandaling ito, tinarak ni Zero ang kanyang espada mula sa lupa papunta sa himpapawid upang sirain ang kanyang baba.
Nang siya ang mabuhay muli, napagpasyahan niya na tigilan na ang pag depensa at naglabas ng ballista sa harap niya. Tinira niya ng mga garapon ng itim na tubig ng Styx River sa halip na mga sibat. Hinampas ni Zero ang mga garapon upang masira at siya ay nababad sa itim na tubig. Ang mga fire crystal na lumabas sa mga garapon ay bumalot sa kanyang buong katawan. Nagsimulang masunog ang mga ito sa sandaling ito ay mahanginan, ang pure witch ay tila naging isang pillar of fire.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com