Nasiyahan sila sa sandaling iyonn, natuon ang pansin ni Ashes sa mga brilyante na parang gemstone sa harapan ni Tilly. Mausisang nagtanong si Ashes, "Ano ang mga ito?"
"Halika." Tinapik ni Tilly si Ashes. "May ipapakita ako sayong bagay na kawili-wili."
Umupo si Ashes sa tabi niya at nakita na sinusuot ni Tilly ang isang puting gwantes na may nakalagay na pulang gemstone.
"Ito ba… ay tracking stone?"
Hindi sumagot si Tilly, siya ay ngumiti at itinaas niya ang kanyang kamay patungo sa bakanteng lugar. Biglang lumitaw ang kidlat sa kanyang daliri, tumama sa sahig na may cracking na tunog. Sa pagkawala ng berdeng usok, nakita niya ang black spot na kasing laki ng palad sa tinamaang lugar.
Hindi makapaniwala si Ashes sa kanyang nakita. "Nakakuha ka ng bagong abilidad?"
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com