Nabanggit ni Roland ang ilang mga problema na kailangan maayos. Ang kakulangan sa depensa sa himpapawid ay kasing laki ng problema sa transportasyon.
Ang kahalagahan ng kalamangan sa himapapawid ay tumatak sa isip niya. Natutunan niya ang aral na ito mula sa kasaysayan ng mga digmaan sa kanyang dating mundo. Ang mga hukbo na mayroong kalamangan sa himpapawid ay palaging nagkakaroon ng pagkakataon na umatake anumang oras, at bago magawa ang radar, walang anumang bagay ang nakakatuklas sa mga kalaban na mula sa himapapawid. Dahil sa pag-iisip na iyon, nagplano siya upang mapahusay ang kakayahan ng pag depensa sa himpapawid sa lalong madaling panahon. Kung hindi man, hindi siya maaaring magtayo ng isang posisyon ng artilerya malapit sa lugar ng Taquila ruins.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com