Sa ilang sandali, naramdaman ni Nightingale na tila yumanig ang buong mundo.
Paglabas niya sa kanyang Mist, bumalik na ang dating kulay ng paligid. Nagsimula ng mawala ang dilim na nilikha ng magic stone, na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso. Hindi si Roland ang taong nakadapa sa sahig, ngunit isang guwardiya na kailanman ay hindi pa nakita ni Nightingale. Nakasuot siya ng uniporme ng Honeysuckle Family, at sa kanyang dibdib ay mayroong kulay pulang marka na tila sugat mula sa tama ng bala.
"Anong ginagawa mo dito?" Narinig niya ang isang pamilyar na sigaw sa gilid niya.
Lumingon siya at natanto na ang taong nagsasalita ay si Roland. Napapalibutan siya ng maraming guwardiya sa isang gilid ng bulwagan, kaya ito ang dahilan kung bakit hindi siya napansin ni Nightingale nang pumasok siya.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com