Bumalik si Lily sa kwarto nang nakabalot ang basang buhok sa tuwalya.
Kahit na pinagbibintangan niya si prinsipe Roland na naghahanap ng kasiyahan, kailangan niyang aminin na ang mga bagay sa banyo ay… sobrang ganda. Naaliw siya sa malamig na tubig na mula sa balon na bumuhos sa katawan niya mula sa shower, na tumanggal sa stuffiness at stickiness ng nagbabagang init ng araw, na naging dahilan ng pag ginhawa ng kanyang katawan matapos ang abalang na araw.
Gayunpaman, naramdaman niyang may kasalanan siya matapos ang kumportableng pagligo at pag-iisip. [Dapat ba akong humingi ng tawad sa Kamahalan dahil sa pagiging overboard nang hindi kinokontrol ang sarili?]
"Traydor!"
"Ano?" Itinaas ni Lily ang buhok na naiwan sa kanyang noo.
"Halatang hindi ka naniniwala sa spherule theory pero ikaw ngayon ang unang nagkaroon ng bagong abilidad." Nakaluhod sa kama si Mystery Moon habang nakaturo ang kamay kay Lily. "Isa kang malaking sinungaling!"
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com