Kumatok si Scroll sa pintuan at agad na may sumagot, "Pasok ka."
Habang papasok siya sa silid, nakita niya si Anna na nakaupo sa isang lamesa sa tabi ng bintana kung saan siya nagbabasa ng isang makapal na libro. Tumagos ang sinag ng araw sa bintana, na nagpahaba ng kanyang anino. Napakaganda tignan ng kanyang malambot at maselang leeg sa sinag ng araw, at tila nagmukhang ginto ang kanyang ash-brown na buhok na hanggang balikat ang haba.
Pagkatapos makasama siya ng isang linggo, naintindihan na ni Scroll ang pag-uugali ni Anna, straight-forward, tapat, tahimik, at napaka-sipag… Sa madaling sabi, napakahirap maghanap ng isang sibilyan na katulad ni Anna na may puro at mapayapang kaluluwa tulad ni Anna.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com