webnovel

Ang Deklarasyon

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa araw na tumigil ang pag-ulan, naging maingay muli ang Border Town. Maraming mga taga-baryo ang nagtipon sa square, hinihintay ang speech ng Prinsepe Roland sa gitna ng matinding usapan.

Nilagay ni Roland ang opisyal na notice isang araw bago ang speech, na sinasabing ang sinuman na pumunta sa square para sa kanyang speech ay maaring makakuha ng isang mangkok ng oatmeal at kalahating piraso ng tinapay. Ito ay nagkakahalaga ng libreng tanghalian para sa mga taong-bayan. Kaya, ang mga taong nagpakita ay higit na marami kaysa sa mga nagnuod sa pagbitay.

Nang papalapait na ang tanghali, umakyat si Roland sa elevation stand.

Niloloko niya lang ang kanyang sarili kung sasabihin niya na hindi siya ninenerbyos habang nakaharap sa maraming tao. Karaniwan ay nakaharap lang siya dati sa isang computer monitor. Kahit sa mga pagpupulong, pinapalakpakan niya lang ang nagsasalita mula sa ilalim. Kaya ito ang unang beses na kinailangan niyang humarap sa napakaraming tao.

Ngunit upang magawang mapanatili ang taong-bayan sa Border Town, kailangan niyang gawin iyon. Kailangan magkaroon ng general mobilization.

Winagayway ni Roland ang kanyang mga kamay at agad tumahimik ang mga tao.

Ang scenario na ito ay maraming beses ng inulit ng palihim. Ngunit, ng dumating ang pormal na pagtatanghal, biglang natuyo ang kanyang mga labi, "Aking mga mamamayan, magandang hapon. Ako si Roland Wimbledon, ang ika-apat na prinsepe ng Kaharian ng Graycastle. Tinipon ko kayo dito sa oras na ito upang magpahayag ng isang importanteng mensahe."

"Ang sugo ng Longsong Stronghold ay nakarating dito apat na araw na ang nakakalipas para sa ore delivery. Isang malinaw na katotohanan na isang kakila-kilabot na aksidente ang pagbagsak ng minahan ng Northern Slope ang ating nadatnan. Hanggang ngayon, hindi pa tuluyang naibabalik ang produkyon nito at dahil sa aksidenteng ito kaya mayroon lang tayong nalikom na halagang dalawang buwang output netong huling quarter."

"Ipinaliwanag ko sa sugo ang kondisyong ito at umasang magbibigay siya ng sapat na pagkain para sa Border Town at babawi nalang tayo sa mga ores pagtapos ng taglamig. Ngunit tumanggi siya at hindi tumanggap ng anumang negsosasyon. Tumanggi isang magbigay ng mas maraming pagkain katulad ng dalawang taon na ang nakakaraan."

Ikinagulat ito ng mga tao, na nagpapakita na ang kakulangan sa pagkain dalawang taon na ang nakakalipas ay nagiwan sa kanila ng matinding impresyon.

"Mas malala ngayon. Sinabi sakin ng Astrologer ng Kaharian ng Graycastle na magiging mas matagal ang taglamig ngayong taon kaysa dati at ang Months of Demons ay sa malamang ay tatagal ng apat na buwan. Sa madaling sabi, maaring makaranas ang lahat ng dalawang buwan na kakulangan sa pagkain. Nawalan kayo ng mga kasama, kapatid o anak noong dalawang taon ang nakalipas. Ano pa ang nakahanda kayong mawala ngayon?"

"Hindi pwede! Kamahalan, iligtas niyo kami!" Malakas na sigaw ng isang tao at marami pang sigaw ang sumunod, "Kamahalan, nagmamakaawa kami na tulungan mo kami!"

Gumaan ang pakiramdam ni Roland na kumuha siya ng ilang mga extra para sa okasyong ito. Itinaas niya ang kanyang kamay para subukan na patahimik ang mga tao. "Siyempre hindi ko iiwan ang aking mga mamamayan, hindi kahit isa. Hindi niyo siguro alam na ang halaga ng trigo at tinapay na dinadala ng Stronghold ay hindi magkatumbas sa halaga ng ores na dinadala kanilang dinadala. Sa karaniwan, kailangan lang natin ng dalawang buwang halaga ng ores upang makakuha ng pangkalahating taong halaga ng pagkain. Nagbenta ako ng mga ores sa mga mangangalakal mula Willow Town at ang freighter na kanilang ipinadala ay malapit ng dumating dito sa Border Town. Maliban sa tinapay, mayroon din keso, mulled wine, at pinatuyong karbe. Ito ay sapat para sa lahat buong taglamig!"

Nagkaroon ng malakas na palapakpakan at paghiyaw sa square.

"Ngunit nangangahulugan ito ng katapusan ng ating relasyon sa Longsong Stronghold at hindi na sila tatanggap ng sinumang mamamayan natin. Kailangan nating manatili ng taglamig dito sa Border Town. Gaya ng nakita ng karamihan sa atin, mayrong isang malaking city wall ang itinatayo sa kanluran ng Border Town. Gusto ko sabihin sa inyo na hindi niyo kailangan mag-alala tungkol sa banta ng mga demonic beasts. Hindi sila mas malakas kaysa sa mga hayop sa kagubatan. Kahit na malaki at malakas sila, hindi nila masisira ang city wall at magsisilbi lamang bilang isang target."

"Magdesisyon na kayo, aking mga taga-sunod. May dalawa kayong pagpipilian dito. Ang una ay ang magtago sa likod ng shack ng Stronghold at mamatay dahil sa gutom. Ang isa ay sundin ang utos ko at depensahan ang Border Town hanggang sa huli upang protektahan ang inyong kamag-anak at mga anak. Pinapangako ko sa inyo na kung tatagal kayo hanggang sa matapos ang Months of Demons, lahat ng nakilahok sa pagtatyo ng city wall, ay gagantipalaan ng dalawampu't-limang silver royals. Ang sinumang magsasakripisyo ng kanyamg buhay, ang kanyang pamilya ay makakatanggap ng compensation ng limang gold royals!

"Lumaban para sa Kamahalan!" Sinundan ang mga halimbawa ng mga extra, sumigaw ang mga tao na lalaban sila hanggang kamatayan. Dahil naramdaman ni Roland ang taas ng kanilang sigla, kinuha niya ang oportunidad na ipamahagi ang tanghalian. Hindi niya inaasahan na manatitili ang lahat sa Border Town. Kampante siya na kung kahit kalati sa kanila ay mananatili, mapipigilan niya angpaglusob ng mga demonic beasts.

**************************************

Hindi alam ni Petrov kung paano siya maligned ni Roland. Nang dalhin niya ang mensahe sa anim na nobility ng Stronghold, lahat sila ay nagtawanan ng malakas.

"Ibig mo ba sabihin na intensyon ng inutil na prinsepe na itaboy tayo? At sinusubukan pa na ayusin ang city wall bago pa ang pagdating ng taglamig? Dapat ko ba puriin ang katapangan niya o laitin ang kanyang kompyansa?"

"Ang katapangan ng Kamahalan ay walang katulad at alam ng lahat! Ngunit wala namang ganitong katapangan si Prinsepe Roland! Ignorante lang siya!"

"Siguro nga, wala siyang kahit isang stonecutter. Ipapatong niya lang ang mga unpolished na bato, at maglalagay ng basang putik sa pagitan nito. Mag-ingat na hindi sila mahuhulog pagdating sa ganitong taas."

"Sa anumang paraan, isa itong mabuting bagay. Kung tatakas siya papuntang Longsong Stronghold, wala siyang magagawa kundi sumunod sa atin. Kung mamamatay siya sa Border Town… maari nating tapusing ang komedyang ito ng maaga."

"Ano sa tingin mo Petrov?" Biglang tanong ng Duke at winakasang ang kanyang katahimikan.

Napatunganga ng ilang sandali si Petrov at hindi niya inaasahan na itatanong ng Duke ng Longsong ang kanyang opinyon. "Uh, plano ko na mapanatili ang monopoly management. At kung ang presyo ay tatlumpong porsyentong mas mababa kaysa sa market price, makakabuti yun sa atin. Ngunit.." Agad niyang inayos ang kanyang saloobin, "Hindi gusto ng Prinsepe na mag-specialize ang Stronghold sa pamamahala ng ores.

"Ano ang key point?"

"Kung magagawa niyang depensahan ang Border Town, magiging mabuti yun para sa Stronghold. Hindi natin kakailanganin na labis na magsikap na makipaglaban sa mga demonic beasts, na maaring makatulong na makatipid tayo ng pera. Tsaka, ang malawak na lupain sa pagitan ng Longsong Stronghold at Border Town ay mapupunta sa atin. Magiging mabuti kung pipiliin na i-cultivate ito o mag-migrate, na kung saan ay maiibsan ang kondisyon ng population congestion. Dahan dahan ipinakita ni Stronghold ang kanyang mga iniisip. Maliban dito, hindi mananatili sa Border Town magpakailanman. Tatagal lang ng limang taon ang Royal Decree on the Selection of Crown Prince. Makukuha natin ang mas maunlad na Border Town. Ang Longsong Stronghold ay magiging ang pangatlong pinakamalaking domain ng Kaharian sa pamamagitan ng pagsama ng Border Town. Kaya ang payo ko ay…" Tinignan niya ang Duke, at maingan na sinabi, "Kailangan magpadala ng Stronghold ng tulong upang ayusin ang city wall at makipagkoordin upang depensahan ang Border Town.

"Mahusay," ngumiti si Duke, "Ngunit iyan lang ay mula sa business aspect, pag-aaral sa mga benepisyo.

Bigla siyang dumeretso, tinignan ang lahat ng tao na lumahok at ang kanyang tono ay naging malungkot, "Malayo na ang narating ko ngayom at hindi naman tungkol sa benepisyo amg lahat. Bakit kailangan ko makipagtalo sa taong wala sa aking kontrol? Kailangan mong sundan ang mga kalakaran o maparusahan ka. Hindi gaanong importante kung maunlad ang Border Town o hindi. Ang punto ay, teritoryo ko iyon, at walang sinuman ang makikialam, kahit na ang prinsepe.

Chapitre suivant