webnovel

Chapter 238

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa sandaling ito, nagkataong mayroong grupo ng mga tao na malapit nang lumabas mula sa Xian Yang Port. Ilang mga pagod na lalaki na dala ang ilang mga kabayo ay tahimik na nag-ulat, "Mensahe mula sa sinilangang bayan. Walang nakakaalam na wala ang Young Master. Ipinapabatid ng Seventh Master na ang Young Master ay maaaring magpatuloy sa kanyang sariling ginagawa, basta't ikaw ay babalik sa loob ng susunod na sampung araw, lahat ay maayos."

Ang lalaking nakasuot ng lila ay bahagyang sumimangot, at sa kanyang pulang labi, ang kanyang mga mata ay tulad ng isang napakalalim na balon na walang makakita ng hangganan. Mabilis na sumakay sa kabayo, ang kanyang mga tampok ay hindi malinaw na pinapakita ang ilang palatandaan ng dinaanan ng mga elemento.

"Ang paglalakbay na ito sa Tang Jing ay tatlong araw lamang kung dadaan tayo sa maikling daan. Ang problema ay walang mga malalaking syudad sa kahabaan ng daan, at ito ay mapaminsala kung may mangyaring mali."

"Wala na tayong oras. Dumaan tayo sa pinaka maiksing daan."

Isang alipin ang tumalikod, at tiningnan ang lalaking nakasuot ng lila, nagsuhestyon siya, "Master, maghahanda ba tayo ng karwahe? Ilang araw ka nang hindi nakakatulog ng maayos."

"Hindi na kailangan iyon." Umiling ang lalaki, bago taimtim na nagtanong, "Mayroon bang balita mula sa Tang Jing?"

"Pagkatapos ng matalo ni Lady Chu si Zhan Ziyu, ang buong korte ay naging mapayapa. Mayroong ilang mga maliit na hindi pagkakasundo sa kung sino ang dapat magbantay sa batang emperador. Pakiramdam ng tauhan na ito na maaaring sumunod si Lady Chu sa balak ng isa sa kanila."

"Mangangahas siya?!" Singhal ng lalaki, ang kanyang ekspresyon ay mukhang mapanglaw. "Gusto kong makita kung sino ang mangangahas na gawin iyon!"

Sinundan ng mga tao ang pangunguna ng lalaking ito at sumakay sa kanilang mga kabayo. Sa mabilis na pagtakbo ng mga kabayo, mabilis silang nawala sa sinaunang mga kalsada ng Xian Yang. Hindi nagtagal, nasa labas na sila ng syudad, at sa Kanlurang tarangkahan, dumaan sila sa isang maliit na landas. Matapos ang mahabang paghihiwalay, ang lahat ay nagbago, at kahit ang mga tao ay wala na.

Mabilis lumipas ang panahon. Sa isang kisapmata, sampo ng taon ay lumipas. Bigla, hindi na siya ang batang babae na naglalabas ng pagiging bata, at hindi na siya ang matigas ang ulong binata. Muling gumuhit ang panahon ng hindi mabilang na mga hangganan sa pagitan nila na nagmumula sa pamilya, bansa, pag-ibig, digmaan, paghihiwalay. Ngunit sa huli, ang kanilang relasyon ay tulad ng walang katapusang sinulid. Hindi mahalaga kung gaano kahigpit na subukan ng kapalaran na hilahin, nananatili silang magkabigkis sa pamamagitan ng pulang tali na iyon.

Umihip ang hangin mula sa malayong Yan Bei, hinahaplos ang malawak na teritoryo ng Imperyo ng Xia, dumaraan sa mainit pa rin na Imperyong Tang, bago bumaling sa mga namumulaklak na bulaklak sa Imperyong Song, at sa wakas ay umaabot sa walang hanggang alon ng karagatan sa silangan, naglaho sa mga ito.

"Ang daan ay mahaba pa, at maaaring makaharap tayo ng mas marami pang pagbabago. Natatakot ka ba?"

"Hindi ako natatakot."

"Tandaan mo, naghihintay ako para sa iyo."

Labis na malamig ang gabi, na tanging liwanag ng buwan lamang ang ilaw, ang mahabang sinaunang kalsada ay mapanglaw na naliliwanagan. Ang mga piraso ng alaala mula sa nakaraan ay nasala sa huli ng dugo at digmaan, hinuhugasan ang naunang pakiramdam ng kaligayahan at pag-asa. Nanatili ang kakalmahan upang lohikal na hatiin ang mga nakaraang emosyon at ang pinakamahusay na pagkilos para sa kasalukuyang sitwasyon.

"Sayang. Sa huli, hindi ako naniniwala sa tadhana!"

Habang ang mga yabag ng kabayo ay dumadagungdong, ang gabi ay tila walang katapusan. Ang kabisera ng Tang na hindi niya nakita sa loob ng mahabang panahon ay nasa harap na ng mga mata niya. Ang balita na si Heneral Xiuli ay pagkakalooban ng titulo ng isang konsorte ay kumalat sa buong Imperyo ng Tang sa loob lamang isang gabi. Ang Shennan, Dianxi, Yuelin, Yunmo, at iba pang mga lugar ay nagkakaisang nagprotesta. Mas malakas ang pagtutol mula sa rehiyon sa Timog. Ang Hari ng Jingan, Hari ng Duanqing, at si Duke Huayang ay itinaas ng bandila ng rebelyon sa mabilis na pagkakasunud-sunod.

Ang lahat ng pwersang ito na nanahimik noong nagrerebelde ang hari ng Luo, at wala noong panahon ng pamumuno ng mag kapatid na Zhan, ay biglang lumitaw, at may pamansag na "alisin ang bruha", pinangunahan nila ang kabuuang higit sa 180,000 sundalo, at tumuloy sa kabisera ng Tang. Habang nasa daan, lahat ng mga opisyales ay nagbigay ng agarang daan sa kanilang mga pwersa.

Tila matagal nang nahulaan ni Sun Di ang sitwasyon na ito, at naglagay na ng 200,000 sundalo mula sa Eastern Regions. Pinangunahan ni Xu Su, binabantayan nila ang Hanshui River. 100,000 sundalo mula sa Wolf Army ay matatag na dinepensahan ang kabisera, at ang mga guwardiya ay dinamihan sa lahat ng checkpoint. Ang kabisera ay armado na ngayon, at ang mga maayos na hanay ng mga patalim at mga sulo ay bumuo ng karagatan na tila handang lamunin ang mga napipintong kaaway mula sa timog.

Lahat ay handa na, ang seremonya na lamang ang natira upang maganap sa ikatlong araw.

Sa hangin ng taglagas, dahil may pangangailangan na maghanda para sa seremonya sa Phoenix Stand, ang buong syudad ay pumasok sa batas militar, at ang karaniwang maingay na kalsada ay ganap na walang buhay. Ang tanging bagay na may hawig sa buhay ay ang mga dahon ng taglagas na lumilipad pababa mula sa mga puno ng sycamore na parang paru-paro na umaaligid sa mga bulaklak.

Sa sambahayan ni Sun di, isang eunuch na may suot na damit ng isang tagasilbi ang nakaluhod sa sahig, habang iniulat nito sa matalim na boses na natatangi lamang sa mga eunuch, "Si Master Chu ay nagkaroon ng pakikipagtalo kay Meixiang, at naalarma ang Emperador at si Princesa Xiao. Sa huli, narinig ng tagasilbing ito na nangako si Master Chu na hindi iiwan ang imperyo ng Tang."

Napataas ang kilay ni Sun di at nagtanong, "Sigurado ka ba?"

"Sigurado ako. Malakas na umiiyak si Meixiang, at ang batang emperador ay inilabas ang espada. Sinunog pa ni Master Chu ang liham mula sa Marshal ng Xia."

"Kailan umalis si Meixiang?"

"Bago magliwanag ang kalangitan ay nakaalis na siya, at ang binatang tinatawag na Pingan ay inihatid siya palabas. Sinabi ni Master Chu na babalik siya sa syudad ng Xuefu."

Tumango si Sun Di. Matapos ang mahabang sandali, sinabi niya, "Ang kanyang pag-alis ay isang magandang bagay. Makakasagabal lamang siya kapag nanatili siya dito." Ang itsura ng lalaki ay nanatiling walang emosyon. Naglabas siya ng dalawang gintong ingot at pinaalam, "Umalis ka na at magpatuloy, itratato kitang mabuti."

"Karangalan ko, Master Sun."

Matapos umalis ng tagasilbi, tinawag ni Sun Di ang isa sa kanyang mga gwardya. Pagkatapos mag-isip ng ilang sandali, marahan niyang sinabi, "Humayo ka kaagad at hanapin ang katulong ni Master Chu na si Meixiang. Kung siya ay babalik sa syudad ng Xuefu, ihatid mo siya. Kung magpasya siyang pumunta sa iba, alam mo na kung ano ang gagawin."

Agad na sinabi ng lalaki, "Naiintindihan ng tauhan na ito." Ganoon lang, tumalikod siya at umalis. Hindi nagtagal, nakarinig ng halinghing ng kabayo, at ito ay tumakbo tungo sa malayo.

Itinulak pabukas ang bintana, nakikita lamang ni Sun Di sulok ng gasuklay na buwan. Sa unang sulyap, mukhang itong kilay ng isang babae.

"Sana'y maging maganda…ang lahat."

Ang kapayapaan ay nagpatuloy sa sumunod na dalawang araw. Ang buong korte ay lumubog sa katahimikan. Maliban sa ilang mga archivist, walang sinuman ang may komento. Ang mga opisyal ay pinilit ni Sun Di o takot para sa Chu Qiao, na namamahala pa rin ng malaking pwersa. Para naman sa mga pinakamalakas na lumalaban, orihinal na nais ni Sun Di na gawan sila mismo ng paraan, ngunit bago pa siya makakilos, itinapon na sila ng hukbo ng Xiuli sa bilangguan.

Nang malaman ito, medyo nag-alala si Sun Di. Kahit na ang mga taong ito ay matigas ang ulo, sa huli ay sila ang mga pinakatapat sa imperyo ng Tang. Isinasaalang-alang ang katapatan ng hukbong Xiuli kay Chu Qiao, sinong makakaalam kung sila ay maaabuso.

Siya ay personal na nagpunta sa palasyo upang makipag-usap sa Binibining ito na dapat ay binabantayan ang imperyo. Alam niya na ang kanyang maliliit na plano ay napansin ni Chu Qiao, at ngayon ay hindi na mangangahas na galitin pa siya. Doon, maingat na lang niyang masasabihan ang mga gwardya ng bilangguan gawan ng paraan ang mga matandang opisyales na iyon.

Ang gabing ito ay nakatadhana upang maging isang gabi na walang pahinga dahil ang susunod na araw ay ang opisyal na seremonya para kay Chu Qiao upang mabigyan siya ng titulo, at ito ang unang pagkakataon simula sa umpisa ng Imperyong Tang na ipinakasal ang isang tao sa namatay na emperador. Ang departamento ng seremonya ay araw at gabing nagmamadali upang matiyak na ang lahat ng mga dekorasyon ay angkop at ang Phoenix Stand ay kompleto. Sa sandaling ito, hindi mabilang na mga opisyal ang nakaupo at nagbabalak para sa kanilang sarili. Walang nakakaalam kung saan patutungo ang Imperyong Tang, at ang lahat ng maharlikang pamilya ay nakatutok sa direksyon na ang babaeng ito, na may malapit na relasyon sa napakaraming taong may kapangyarihan, ay mag-uutos sa imperyong ito. Sa huli ba siya ay magiging matapat tauhan, o isang malupit na pinuno? Iiwan ba niya ang lipunan tulad ng dati, o magtatayo siya ng isang diktadura tulad sa Yan Bei? Walang sinuman ang makapagsasabi. Matapos ang susunod na araw, pamumunuan pa ba ng pamilyang Li ang Imperyong Tang? Iyon ang eksaktong tanong ng karamihan sa mga tao ng gabing iyon.

Ang buong hukbo ng Xiuli ay napakatahimik. Ang mga sundalo ay hindi natinag ng kaunti sa mga tsismis. Habang ang malamig na sinag ng buwan ay napalibot sa buong kampo ng isang kulay-pilak na liwanag, makikita na ang lugar ng pagsasanay ay ganap na walang mga tao.

Ang tabing sa kampo ni He Xiao ay umugoy, at ang isang tao na nakasuot ng itim na roba na sumasakop sa buong mukha ay pumasok. Nangyaring umiinom si He Xiao sa kanyang lamesa, nakasuot ng mga karaniwang kulay kayumangging damit. Ang kanyang buhok na hindi maayos at ang kanyang kwelyo hindi nakabutones, makikita ang kanyang kulay tansong kalamnan ng dibdib. Ito ay isang bihirang tanawin ng kagaspangan mula sa heneral na ito. Nang nakita niya ang bisita, bahagya siyang sumimangot ngunit hindi nagsalita.

Inalis ng bisita ang sumbrero, inilalantad ang isang magandang mukha, at medyo nakangiting sinabi ng babae, "Umiinom sa kalagitnaan ng gabi, ayon sa alam ko, isa itong paglabag sa batas ng militar."

Nang nakita siya, hindi nagsalita si He Xiao at nagpatuloy lamang sa pag-inom.

Lumapit si Chu Qiao at naupo sa harap niya. Bahagyang inangat ang kanyang ulo, nagtanong siya, "Hindi mo ba ako aanyayahan uminom?"

May kalantong, kaswal na nagtapon si He Xiao ng isang tasa ng alak. Hindi siya nag-abalang salinan si Chu Qiao. Hindi nabagabag si Chu Qiao habang taimtim siyang nagsalin ng isang tasa at ininom ito sa isang lagok, para lang maramdaman ang lubos na hagod ng alak. Tila ba siya ay nakalunok ng isang tipak ng pulang mainit na uling. Nakasimangot siyang sinabi, "Ang tapang na alak."

Nang makita na hindi pa rin nagsasalita si He Xiao, medyo naging seryoso siya at nagtanong, "Kung hindi ako naparito upang hanapin ka, hindi mo ba ako hahanapin?"

Iniangat ni He Xiao ang isang kilay, at tumingin sa kanya bago tahimik na nagtanong, "Medyo kakaiba ang pakiramdam ko. Paano mo pa rin nagagawang ngumiti at tumawa?"

"Bakit hindi? Ang sitwasyong ito ay mas maganda kaysa noong oras na kailangan nating ipagtanggol ang Beishuo."

Nakatingin sa kanya, biglang naglayo ng tingin si He Xiao at napatawa. "Tama, ito ay mas maganda. Sa malaking kapangyarihan, ay magiging mas maganda."

Humilig paharap si Chu Qiao, at ang kanyang mga mata ay kuminang tulad ng mga bituin na nagniningning sa hatinggabi, nang malamig niyang tinanong, "He Xiao, sa palagay mo ba ay ganoon akong tao?"

Bagamat alam niya ang sitwasyon, mayroong galit at pagkabigo na hindi niya mapipigilan kahit anong gawin niya. Tinitigan ni He Xiao si Chu Qiao sa mga mata. Sa malamig na ekspresyon, mayroong galit, ngunit mayroon ding simpatya.

Si Chu Qiao ay lumuhod ng kalahati habang humilig siya pasulong at bumulong ng ilang mga salita sa tainga ng lalaki. Hindi masyadong iniisip ni He Xiao sa una, ngunit bigla, labis na nagbago ang kanyang expression. Inangat ang kanyang ulo sa isang haltak, tinitigan niya ang mapangahas na babaeng ito.

"He Xiao." Ngumiti si Chu Qiao sa kanya, at sa isang kakalmahang hindi pa nakikita noon. Nagtanong siya, "Nais mo bang tulungan ako?"

Matagal na nag-isip ang batang heneral na ito bago sa wakas ay naglantad ng isang ngiti. Iniangat ang kanyang kamay, nag-apir sila at binigyan ang isa't-isa ng isang matatag na hawak kamay, tulad ng dating araw.

Nang gabi ay bumaba muli, may isang grupo na nagmamadali sa landas. Biglang lumitaw sa harap nila ang isa pang grupo. Ang nangungunang tao ay hinila ang renda kabayo. Nang makalagpas ang kabayong paparating, ang mga lalaki sa paparating na grupo ay biglang huminto at bumaba sa kabayo, at malakas na bumati, "Fourth Young Master!"

Ang gabing iyon ay talagang nakatakdang maging isang gabi na walang tulog. Hindi mabilang na mga pwersa ang nagsalpukan sa balatkayo ng kadiliman, tahimik na naghihintay sa seremonya.

Ang gabi ay parang walang-hanggan.

Nang sinalubong ng tandang ang susunod na araw, umakyat ang araw, agad na binalot ang buong mundo sa kaluwalhatian ng gintong sinag. Sa palasyo, ang Hari ng Runan, na ang buhok ay halos ganap na maging puti, ay binasa ang kalooban ng namatay na emperador. Pagkatapos nito, nanginginig siyang lumuhod.

Nakasuot ng kanais-nais na damit na napapalamutian ng mga burda ng phoenix at mga ulap, si Chu Qiao ay napuputungan sa ulo ng isang damit na ginawa mula sa 18 piraso ng ruby jade. Sa kanyang baywang, may isang gintong sinturon na may bahid ng isang maharlikang kulay-ube. Dahil ito ay isang pagpapakasal sa namatay na emperador, kahit na ang nakakatuwang damit na ito ay pangunahing itim sa kulay, at ang ibat ibang kulay ng phoenix ay nabuburdahan din ng mas madidilim na mga kulay, na may mga gintong sinulid na bibihirang ginamit sa mga ulap, at marami sa mga piniling alahas ay mga madilim sa kulay. Sa damit na iyon, si Chu Qiao ay mukhang maayos at nararapat, gayumpaman ay mayroong diwa ng kalungkutan na nagpapaiwas sa mga mata ng tao.

Nang magsimula ang paglalakbay ng phoenix na karwahe mula sa pangunahing palasyo, dumaan ito sa Zhangyu Square, Rose Street, Anhua Gate, Taiqing Gate, Tai'an Gate, at kahit palasyo ng Jinwu ay tinungo at pumasok sa Qingyun Road kung saan naninirahan ang pinaka mayayaman, bago umikot sa Tianqi Street at papunta sa phoenix stand sa Ancestral Temple.

Sa kahabaan ng buong ruta, lumuhod ang lahat ng sibilyan, nagtawag ng mga salita ng paggalang, ang kanilang mga ulo ay malalim na nakadikit sa lupa. Habang dumaan ang entourage, sinipa nito pataas ang isang ulap ng alikabok na sa unang sulyap ay tulad ng isang bagyo ng buhangin.

Sa bumabagsak na mga dahon ng taglagas, ang mga itim na tela ay buamlot sa buong Tang Capital. Ang kalangitan ay tila napaka asul at taas, at ang araw ay tila napakalayo. Ang lahat ay mukhang maganda na parang isang obra-maestra mula sa isang dalubhasang pintor. Ang kaluwalhatian ng imperyo ay tila tinatakpan at tinatago ang mga patong ng dugo na dumadaloy tungo sa landas ng pag-akyat.

Nang tumigil ang karwahe, makikita na ang phoenix stand, may 366 na baitang ng jade na hagdan, ay halos 100 metro ang taas. Nakatayo dito, makikita ang lahat ng Tang Jing. Kahit na ang kamaharlikaan ng palasyong Jinwu ay maputla kung ihahambing.

Chapitre suivant