webnovel

Chapter 227

Éditeur: LiberReverieGroup

Nakumpirma na sa wakas ang mga suspisyon ni Chu Qiao. Ang gulo sa Tang ay nangyari na sa imperyal na mausoleo sa Meishan matapos ang sampung mapayapang taon. Bigla itong lumitaw, tulad ng palayok ng malamig na tubig. Bago pa man makatugon sa oras ang mga tao sa loob, ang palayok ng tubig ay uminit hanggang kumulo, isinasangkot ang lahat ng nasa loob.

Sa Hanshui, lumaki ang salungatan. Matapos yurakan ng ilang grupo ng kabalyero ang lupain, nawasak ang syudad. Sinunog ang mga tahanan; ang mabungang lupain ay agad na naging tigang na lupain. Ang kaunlaran ng syudad ay naging usok. Sa parehong gilid ng daan, nagkalat ang mga bangkay ng sibilyan. Isang maalinsangang amoy ng dugo ang maaamoy sa mga nabubulok na katawan.

Ang hari ng Luo ay nag-umpisa ng rebelyon sa Meishan. Ang mga residente, na ayaw matawag na rebelde, ay dinala ang kanilang pamilya at lumipat tungo sa Hanshui, para lang mapagtanto na si Xu Su, isa sa mga bayaw niya, ay namumuno na sa Hanshui Pass. Ang tubig na tatawiran patungo sa silangan ay naselyuhan na. Ang mga sundalo ng Tang na matatagpuan sa kanluran ng Hanshui Pass ay hindi organisado at mabigat na natalo ng Hari ng Luo sa syudad ng Hong. Ang buhay ng imperyo ng Tang ay nasa delikadong sitwasyon.

Ang paglalakbay ni Chu Qiao at ng pangkat niya ay naantala bilang resulta. Sa kahabaan ng distrito ng Hanshui, malalaking bilang na nagtipon ang mga sibilyan. Dahil sa kalagitnaan ito ng tag-init, ang mga sakit ay laganap sa loob ng syudad. Kulang kalahating buwan, nagkaroon ng epidemya doon. Nanatili sa kanilang tahanan ang mga maharlikang aristokrata, ipinapadala ang mga tagasilbi nila upang bantayan at magpatrol sa mga lugar. Ang mga bahay-panuluyan at kainan ay nagsarado ng kanilang negosyo, dahilan upang magkulang ang mga rasyon. Walang pagpipilian si Chu Qiao at ang pangkat niya kung hindi ay tumungo sa labas ng syudad. Mabuti nalang, naihanda nila ang kanilang sarili sa mahabang paglalakbay sa hinaharap; ang kanilang rasyon at mga tolda ay sapat sa kanila.

Habang lumilipas ang mga araw, narinig nila ang lahat ng klase ng tsismis. Nang pumunta si Pingan at ang iba sa syudad upang mangalap ng impormasyon, walang pinatunguhan ang kanilang pagsisikap.

Magkaiba ang mga tsismis. May ilang nagsasabi na nagtipon si Li Ce ng hukbo ng 800,000 piling kabalyero sa silangan, at patungo sa Hanshui upang mag-alboroto. May ilang nagsasabi na pinatay ng Hari ng Luo ang hukbong Nanhuai sa Junshan ilang araw na ang nakakaraan. Ang mga lugar sa paligid ng Jiangzhe, ang syudad ng Fei, Nanwang, probinsyang Anxi at ang Sunset Mountains ay lubos na naapektuhan. Ang hukbo ng kabisera ng hari ay maraming nasawi, habang ang mga nakaligtas ay sumuko. Kulang limang araw, ang hukbo ng Hari ng Luo ay nalupig ang Hanshui. Ang ilan ay sinasabing ang mga malalaking sambahayan sa timog-kanluran ay nagbigay ng suporta tungo sa rebelyon ng Haring Luo sa anyo ng pagbibigay ng salapi at rasyon tungo sa dahilan, dahil sa kanilang pagka-disgusto sa kasalukuyang hangal na pinuno. Ipinadala nila ang pribado nilang mga sundalo upang sumama sa hukbong Meishan, dahilan upang halos maging 1,000,000 malakas ang hukbo ng hari ng Luo. Maraming katawa-tawang teorya na nagsasabing wala na sa Tang Jing si Li Ce, at tumakas siya tungo sa Xia kasama ang mga kerida niya. Ang imperyo ng Song ay gumawa ng barko para sa kanya, para tumakas siya sa dagat.

Ang mga tao sa Hanshui ay naghintay nang may halos pigil na paghinga. Kahit na hindi lubos na kapani-paniwala ang mga tsismis, ang hukbo ng Hari ng Luo ay unti-unting papalapit sa Hanshui sa bawat araw na lumilipas. Habang ang bilang ng mga lumilikas na mamamayang pumapasok sa syudad ay nababawasan; ibig sabihin ay nagsisimula nang palibutan ng hukbo ng Hari ng Luo ang Hanshui. Isang malaking labanan ang malapit nang mangyari.

Matapos ang pitong araw, dumating na sa wakas ang hukbo ng Hari ng Luo sa Qibai Slope, kulang 40 kilometro ang layo mula sa Hanshui. Subalit, tumigil sila doon, hindi nagpapakita ng senyales ng harapang komprontasyon kay Heneral Xu Su. Sa kabilang banda, hindi din nagpakita ang Hanshui ng kahit anong senyales ng pagpalit ng panig tungo sa Hari ng Luo. Ang digmaan ay biglang pumasok sa sitwasyon na walang magagawa.

Bigla, napansin ng hukbong Xishuo ng royal capital na may mali. Si Heneral Xu Su ay heneral ng hukbo ng hari, kung saan ay sinundan si Matandang Heneral Murong sa unang mga taon nito. Kapag tumayo siya sa panig ni Li Ce, ang pag-asa ng panalo nila ay lubos na mapalalakas.

Matapos ang apat na araw, ang komander ng hukbong Xishuo, si Lu Bingkuan, ay pinangunahan ang 30,000 sundalo tungo sa Qibai Slope, mabagsik na nakipagsagupaan sa hukbo ng hari ng Luo. Kahit na nakaranas sila ng mabigat na kasawian, nagawa nilang mapasok ang depensang linya ng kanilang kaaway upang makaabante tungo sa Hanshui. Makikitang kumampi sila sa mga sundalo ng Hanshui—nais nilang protektahan ang royal capital ng Tang.

Subalit, panibagong pagpilipit sa kwento ang nangyari ng gabing iyon. Biglaan nalang, isang maramihang pagpatay, kung saan ay niyanig ang buong kontinente ng West Meng, ang nangyari sa Hanshui. Lahat ng 13,000 sundalo ni Lu Bingkuan ay pinatay ni Xu Su nang gabing iyon, ang kanilang dugo ay minantsahan ng pula ang ilog ng Hanshui. Makikita pa nga ang mga mantsa ng dugo sa ilalim na alon ng ilog, matatagpuan higit 15 kilometro ang layo. Ang bundok ng bangkay ay sapat upang bumuo ng mataas na dam.

Nagtipon ang mga buwitre sa mga distrito ng Hanshui. Sa kalagitnaan ng gabi, inilabas nila ang matatalas nilang huni habang nagpipista sila sa mga nabubulok na bangkay. Nakakahindik na tanawin ito.

Tatlong araw ang makalipas, ang hari ng Luo, tila nakumbinsi sa katapatan ni Xu Su sa kanya, ay pumasok sa Hanshui kasama ang hukbo niya ng 150,000. Sa susunod na araw, may suporta ng mga sundalo niya, ipinroklama ng hari ng Luo ang sarili niya bilang pinuno ng lugar habang pinangunahan niya ang kanyang ritwal upang umupo sa trono. Nakilala siya bilang Hari ng Jingheng.

Dalawang araw ang makalipas, ang hukbong Meishan, na may 200,000 sundalo, ay dumating sa Hanshui upang pumanig sa Hari ng Luo. Kasama ang hukbo ni Xu Su ng 180,000 sundalo, ang pwersang militar ng hari ng Luo ay umabot ng 600,000. Dito, nahati sa dalawa ang imperyo ng Tang, na bawat parte ay sakop ng magkaibang pinuno.

Sampung araw ang makalipas, ang emperador ng Tang, si Li Ce, ay hindi na matagalan ang wala pang nakagagawang kahihiyan. Nag-isyu na siya sa wakas ng deklarasyon ng digmaan, na maraming mapinsalang pahayag na nakasulat sa loob nito. Pangungunahan niya mismo ang kanyang mga sundalo upang lumaban sa digmaan. Binubuo ang hukbo niya ng Central Army (90,000 katao), ang Southeastern Army (110,000 katao), at ang lokal na mga sundalo ng probinsya (200,000 katao). Matapos silang tipunin sa isang lugar, mabilis siyang tumungo sa Hanshui. Isang malaking labanan ang papalapit sa abot-tanaw.

Sa ika-siyam na araw ng ika-walong buwan, tumayo ang hari ng Luo sa ibabaw ng Zhaoyang Platform at nagbigay respeto sa mga ninuno niya. Pagkatapos noon, pinangunahan niya ang kanyang mga sundalo at 150,000 ibang pang sundalo mula sa hukbong Meishan patawid sa ilog, iniwan ang 50,000 sundalo mula sa hukbong Meishan at Xu Su upang bantayan ang Hanshui. Nanatili sa sarili nilang kampo si Li Ce, hindi nangangahas na harapang lumaban. Sa limang araw, tanging maliliit na labanan lang ang nangyari, mas kahalintulad ng maliit na kaguluhan kumpara sa labanan ng hukbo. Sa sandaling iyon, naging katatawanan si Li Ce sa Tang. Ang emperador ng Tang ay takot sa Hari ng Luo, dahil hindi siya nangangahas na harapang makipaglaban. Ang balitang ito ay napaalam sa buong mundo.

Nang iniisip ng lahat na mawawala na kay Li Ce ang kanyang imperyo, inutusan ni Chu Qiao si Meixiang na mag-impake at pumasok sa Tang Jing. Naguluhan si Meixiang at iniisip ang kanyang motibo.

Tumingin si Chu Qiao sa kampo ni Xu Su sa may silangan, ang kanyang paningin ay medyo lumalabo habang iniisip niya ang mga pagpatay na nangyari sa hukbong Xishuo noong nakaraang gabi. Malinaw niyang naaalala ang walang tigil na iyak ng paghihirap.

"Malapit nang matapos ang digmaan na ito."

Sa ika-17 araw ng ika-walong buwan, tinanggal ng hukbo ng Tang ang kanilang kaduwagan at nakipaglaban na sa wakas sa hukbo ng Hari ng Luo sa Hulin Plains. Isang araw at isang gabi na nagtagal ang labanan, na hindi nagpapakita intensyon ng pagkompromiso ang parehong panig. Alam ng parehong panig na isa itong laban ng pananaig sa imperyo; isang maliwanag na hinaharap ang naghihintay sa mananalo. Para naman sa talunan, ang buong pamilya niya ay mapupuksa.

Nang pumasok ang labanan sa kritikal na sandali, biglang nagpakita si Heneral Xu Su sa labanan. Nagalak ang hukbo ng hari ng Luo habang tinatamasa nila ang lasa ng pagkapanalo. Subalit, bago pa man matapos ang selebrasyon nila, tinraydor ni Heneral Xu Su ang hukbo ng Hari ng Luo, nagsagawa ng palihim na atake mula sa likod!

Sa ika-20 araw ng ika-walong buwan, ang hukbo ng hari ng Luo ay natalo. Higit 40,000 ng kanyang sundalo ang namatay, habang ang mga nakaligtas ay sumuko. Sa ilalim ng paghahatid ng 2,000 piling mga sundalo, ang Hari ng Luo ay tumakas tungo sa Hanshui, para lang malaman na ang 50,000 sundalong iniwan niya ay napatay na. Idagdag pa, wala nang daanan ng tubig palabas ng Hanshui. Dahil sa desperasyon, nagpakamatay siya sa pampang ng ilog ng Hanshui.

Dito, ang Hari ng Jingheng, na umupo sa trono ng 11 araw lang, ay naglaho mula sa pulitika ng Tang. Biglaan ang pagkawala niya, na para bang hindi siya nagpakita dati.

Sa ika-21 araw ng ika-walong buwan, inusig ng hukbo ng hari ang mga natirang pamilya ng hari ng Luo, nilipol ang higit 300 pamilya sa timog-kanluran. Ang mga babae ay hinuli bilang mga babaeng magbebenta ng laman, habang ang mga lalaki ay pinatay. Sa isang gabi, ang kabuuan ng kanyang pamilya sa timog-kanluran ay nabunot lahat; ang rehiyon ay naging desyerto, lupaing walang nagmamay-ari.

Sa ika-27 araw ng ika-walong buwan, panalong bumalik sa korte ang emperador ng Tang. Pinayagan niya si Heneral Xu Su, na nakaipon ng malaking dangal sa pagneutralisa ng rebelyon, na magpatuloy na pangunahan ang pagsisikap na bunutin ang mga natitira pang mga rebelde. Nagpatuloy na kumalat ang pagdanak ng dugo sa lupain ng Tang, palabas mula sa Meishan.

Sa ikaapat na araw ng ika-siyam na buwan, ipinahayag ng emperador ng Tang na kalahati ng ari-arian na nakuha mula sa timog-kanluran ay pantay na ipapamahagi sa ilang probinsya na nagdusa sa digmaan. Idagdag pa, binabaan niya ang mga buwis sa timog-kanluran ng limang taon, para makabuo muli sila matapos ang digmaan. Sa sandaling iyon, tumaas pa lalo ang reputasyon ni Li Ce. Ang mga tao, na nawalan ng pamilya at tirahan, ay pinasalamatan siya sa kanyang kabaitang pagbigay sa kanila ng pagkakataong mabuhay.

Sa ika-siyam na araw ng ika-siyam na buwan, sumakay si Chu Qiao at ang grupo niya ng bangka patawid ng Hanshui tungo sa Tang Jing. Isang estado ng kanormalan ang bumalik sa Tang. Ang kalangitan ay asul pa rin; ang hangin ay nakakahipnotismo pa rin. Ang tanging nag-iba lang ay hindi na mabubuhay pa ang mga namatay na mandirigma.

Maliwanag na suminag ang bilog na buwan sa kalangitan tulad ng pinong jade sa ika-15 araw ng ika-siyam na buwan. Malalaking kumpol ng alitaptap ang nagtipon sa paligid ng mga puno ng sycamore sa labas ng palasyo, nagbibigay ng asul na liwanag habang nagpapaikot-ikot sila. Ang imperyal na palasyo ay malamig at desyerto. Puting mga kurtina ang nakasabit sa lugar, habang maputlang puting kandila ang pumalit sa maliwanag na ilaw ng palasyo.

Sinundan niya ang mga tagasilbi habang marahan siyang naglalakad. Malaki pa rin ang palasyong Jinwu, ngunit hindi ito makikitaan ngayon ng mahimig na mga tunog na nagtatagal ng gabi at ang mga mananayaw na may magandang mga pigura. Ang marilag na palasyong ito ay biglang mas naging malawak.

Ang disenyong pana sa kanyang manggas ay dumaplis sadalawang patong ng kasuotang suot niya, nagbibigay ng kaluskos na tunog. Ang gabi ay mapayapa; tanging mga uwak na lumilipad sa kalangitan ang makikitang dumadapo sa matataas na mga bubong. Ang kulay ng takipslim ay kumalat sa lupain; isang mabigat na amoy ng insenso ang lumalabas mula sa makapal na kumpol ng mga puno ng pine at cypress. Malayong tumingin si Chu Qiao, naririnig ang mga tunog ng reverend na inaawit ang kanilang mga sutra mula sa malayo. Isang pakiramdam ng kawalan ang pumuno sa kanyang puso.

Katulad pa rin ng dati ang residensya ng Mihe. Nadedekurasyon ang mga puno ng sycamore sa likuran kasama ang mga lawa ng lotus, habang maya-maya ang huni ng mga cicadas. Suminag ang mapanglaw na liwanag ng buwan sa bintana. Ilang mga bintana ang naiwang nakabukas sa kanlurang parte ng lugar, dahilan para pumasok ang mahalumigmig na hangin sa gusali. Ang mala-berdeng puting kurtina ay pumapagaspas sa hangin habang isang antigong wind chime sa harap ng bintana ang tumutunog. Ang tunog nito ay malutong pa rin na tila may pumupukpok sa patong ng yelo.

Umupo si Li Ce sa lamesa sa pagitan ng mga kurtina, na may dalawang banig sa kanyang gilid. Isang berdeng jade na tsarera at dalawang puting baso ng alak ang nakalagay sa lamesa.

Sumayaw ang mga berdeng kurtina sa hangin nang umihip ito sa malaking bakanteng palasyo. Nakababa ang buhok ni Li Ce sa kanyang gilild. Nakasuot siya ng madilim ang pagkalilang damit, na may patong-patong ng berdeng ulap na nakaburda sa kanyang kasuotan, na may karikitang esklusibo lamang sa hari at pamilya nito. Nagliwanag ang mukha nito ng maputlang puti habang nakaupo siya sa ilalim ng liwanag ng buwan, nagmumukhang nakapirming pigura sa larawan.

Tumayo si Chu Qiao sa pinto habang sinusuportahan niya ang sarili sa berdeng poste, hindi alam kung paano lalapitan ang lalaki.

Bahagyang inangat ng hangin ng gabi ang mga kurtina. Lumingon si Li Ce, ang liwanag ng buwan ay sumisinag pa rin sa kanyang mukha. Makisig pa rin siya; habang ang kanyang mata ay naningkit, ibinibigay niya ang karaniwan niyang itsurang tila isang fox. Malumanay niyang sinabi, "Nandito ka na." Ang kanyang boses ay kalmado, ngunit pumukaw ito ng kalungkutan sa puso ni Chu Qiao habang nakatingin siya dito. Siya pa rin iyong parehong tao noong umalis siya—pangahas at mapaglaro, ngunit mahusay na lagpas sa kanyang edad.

Lumipas sa isang iglap ang oras. Maraming bagay ang nangyari, kung saan ay nadaig siya. Sa sandaling ito, habang nakatingin siya sa lalaki, nakaramdam siya ng distansya tapos ay bahagyang sumakit ang kanyang puso.

Naglakad si Chu Qiao sa harap at umupo sa harap ni Li Ce. Ang kanyang mata ay naluha nang ngumuso siya. Ngumiti si Li Ce at hinaplos ang buhok niya, sinadyang guluhin ito tulad ng ginagawa niya dati. Tumatawa niyang sinabi, "Bakit malungkot ang mukha mo? Buhay pa ako." Lagi siyang masiyahin. Mas nalungkot pa si Chu Qiao. Pinilit ngumiti, tumango siya at sumagot, "Mabuti at ayos ka."

Nakabukas ng kalahati ang bintana; ang huling bulaklak na lotus ay makikita habang namumukadkad ito.

Nagbaba ng tingin si Li Ce tapos ay hinaplos niya ang disenyong bulaklak sa baso. "Isa siyang rebelde. Hindi siya maililibing sa imperyal na mausoleo. Inilibing ko ang katawan niya sa bundok Luofu."

Isang bugso ng hangin ang umihip sa palasyo, dahilan upang maglabas ng ilang tunog ang wind chime. Nang tumingala sila, nakakita sila ng napakainam na mga disenyong nakaukit sa wind chime. Sa mga dulo nito, magagandang sining na mga disenyo ng bulaklak ang makikita, nababalutan ng patong ng gintong pulbos sa ibabaw. Ang kulay nito ay sariwa pa sa kabila na nalagpasan na nito ang maraming paglipas ng panahon.

Lumagok si Li Ce ng alak. May kalmadong itsura sa kanyang mukha, simple niyang sinabi, "Nakalibing din doon si Fu'er." Nag-angat siya ng tingin, isang malalim na tingin ang nasa mga mata nito. May pilosopikong tingin sa mga mata niya, nagpatuloy siya, "Hindi sila ipinanganak sa parehong araw, ngunit magkasama silang inilibing. Hindi napunta sa wala ang kamatayan niya."

Natahimik ang palasyo. Umupo si Chu Qiao sa tabi ni Li Ce, sinasamahan ang lalaki habang sunod-sunod ang paglagok nito ng alak. Hindi siya umupo sa tapat nito, dahil alam niya na hindi nakareserba sa kanya ang upuan na iyon. Sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ng buwan, naghihintay ang lalaki sa isang taong hindi na niya makikita pa.

Chapitre suivant