webnovel

Chapter 188

Éditeur: LiberReverieGroup

"Sino ka?" napahiyang sigaw ni He Xiao.

Hindi man lang tumingin sa kanya ang babae at ngumiti lang sa isa pang babae na papalapit sa kanya, tinanong, "Ikaw si Chu Qiao?"

Tumango si Chu Qiao. Nakita niya na ang nanghimasok ay isang babae na may magandang mata at malambot na balat. Ang mata nito ay mainit ang ang ekspresyon ay malumanay. Sa unang tingin, maaaring isipin ng isa na nyebe ang malinis nitong kutis, at ang itim na mga mata ay panggabing kalangitan. Sa kanyang mukha, mayroong bahid ng kagwapuhan habang pinagmamasdan niya si Chu Qiao na walang pahintulot. Gayumpaman, ang labis na nakaakit kay Chu Qiao ay hindi ang itsura ng babae, kung hindi ang kapang suot nito. Kung tama ang natatandaan niya, ito yung kapang suot ni Zhuge Yue noong isang araw. Nang makita iyon, napasimangot si Chu Qiao.

"Hiniling ng amo ko na iabot ko sa iyo ito." ito ang espada ng Canhong. Kinuha ito ni Chu Qiao at pinasalamatan siya. "Salamat. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Ang apelyido ko ay Meng. Naniniwala ako na magkikita ulit tayo. Paalam." Matapos sabihin iyon, hinila ng babae ang renda ng kanyang kabayo, at mabilis na tumalikod ang kabayo at tumakbo, iniwanan ang asar na Commander He Xiao na nanatiling nakatayo sa kinatatayuan nito.

"Master, sino ang babaeng iyon?"

Iyong mga nagbabantay kay Chu Qiao ay mga piling sundalo ng Southwest Emissary Garrison, at lahat ay katiwa-tiwalang sundalo. Walang tinago si Chu Qiao at kalmado siyang sinagot, "Naniniwala ako na siya si Heneral Meng Feng, na naging bantog sa kamakailang mga laban."

"Meng Feng? Ang apo ni Meng Tian?"

Hindi nagsalita si Chu Qiao at inilabas lang ang espadang Canhong mula sa lalagyan nito. Halos makita na niya ang repleksyon ng kanyang mata sa makintab na espada. Dalawang taon na rin nang huli niyang nakita ang espadang ito, at nasanay na siya sa Moon Shatterer Sword sa nakalipas na dalawang taon.

Tahimik na nagtanong si Ge Qi, "Siya ang apo ni Meng Tian? Ngunit hindi niya kamukha. Sa totoo lang, sa tingin ko kamukha niya si Lady Baisheng."

"Huwag mo hahayaang marinig niya iyan!" mabilis na nagpaliwanag si He Xiao, "Inampon siya ni Heneral Meng Tian, at pinalaki bilang lalaki simula pagkabata. Nag-aral din siya sa Shang Wu Hall kasama ang iba pang lalaki ng pamilya Meng. Matapos tumaas ang ranggo ni Zhuge Yue bilang Chief Commandant, natalaga siya bilang tauhan nito. Sa nakalipas na kalahating taon, siya ay partikular na aktibo sa unahang hanay. Bakit bigla siyang nagpakita dito? Master, dapat ba tayong tumungo upang may malaman pa? Maaaring mayroong sabwatan dito."

Hindi sumagot si Chu Qiao at inobserbahan lang ang espada. Tanging matapos tumawag ng ilang beses ni He Xiao ay saka lang siya nakatugon. Kalmado siyang nag-utos, "Mas magiging ayos kung magkukunwari ang lahat na walang nangyari ngayong araw." Nang marinig iyon, ang lahat ay may naintindihan, at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Sa oras na ito, nakahabol na si Meng Feng kay Zhuge Yue at sa iba na nakabalat-kayo. Maingat na hinubad ang kanyang kapa, iniabot niya ito sa tagasilbi ni Zhuge Yue. Matapos magpalit sa karaniwan niyang kasuotan, kaswal siyang lumapit kay Zhuge Yue at sinabihan ito, "Naihatid na ang bagay."

Umakto si Zhuge Yue na tila walang narinig at lumayo lang. Ngumiti si Meng Feng habang nakatingin sa pigura ng lalaki. Sa kanyang isip, nagsimula siyang analisahin ang iniisip nito. Kadalasan, mayroong dalawang bagay kapag lumayo ang isang tao bago matapos ang sinasabi ng isa. Ang unang bagay ay kapag hindi man lang siya interesado; ang pangalawa ay kapag natatakot siya na ang mga iniisip niya ay matutuklasan ng iba. Nakatingin sa kaklase niyang ito mula sa Shang Wu Hall, nagsimula siyang kaswal na pumito sa pagkaaliw. Ang iniisip ni Chief Commandant Zhuge ay isang bagay na mahuhulaan ng lahat!

"Tunay na sapat ang paglalakbay na ito," aliw niya sa sarili niya.

Matapos ang tatlong araw, narating na sa wakas ni Chu Qiao ang kampo ng Yan Bei na itinayo sa kahabaan ng ilog ng Xuekui. Sa oras na tapos ng maibaba ang lahat, lumubog na ang araw. Matapos kumain ng hapunan, nakipagkwentuhan si Chu Qiao sa mga kakampi niya, at bumalik sa kanyang tolda.

Matapos ang isang taon, mas matangkad na si Pingan, at isa nang malaking bata. Nakangiti, nagsimula itong magpakulo ng tubig para sa kanya at patuloy sa pagkwento tungkol sa mga karanasan nito. Puno ito ng mabuting pakikitungo.

Wala sa hukbo si Yan Xun. Ngayon, mayroong tanggulan na itinayo sa kahabaan ng ilog ng Xuekui. Pinangalanang Longyin Pass, nahihiwalay lang ito ng isang ilog mula sa Yanming Pass. Ang bulto ng pwersa ng Yan Bei ay nagtitipon sa Longyin Pass, at naayos na ni Yan Xun ang bulto ng kampo niya sa tanggulan. Paminsan-minsan niya lang bibisitahin ang malapit na mga kampo.

Matapos maglakbay sa manyebeng kapatagan ng maraming araw, matagal na simula nang nakapaligo siya. Nakahiga sa paliguan, pakiramdam ni Chu Qiao ay makakatulog siya. Sa kasamaang-palad, mayroon pa siyang mga papeles na aayusin, at mabilis na pagligo lang ang magagawa bago kaladkarin ang pagod niyang katawan sa harap ng lamesa upang magsimulang magbasa.

Nagpatuloy ang gabi, at kahit ang hangin ay amoy hukbo. Sa apoy na sumisinag sa mukha ni Chu Qiao, ang tabas ng pino niyang mukha ay tumama sa gilid ng tolda bilang anino. Mula sa labas, makakakita ng malinaw at magandang anyo. Higit isang taon na nang nakita niya si Yan Xun. Sa nakalipas na taon, bukod sa pormal na pakikipag-usap, bihira silang mag-usap. Kahit ang paminsan-minsan nilang sulat ay nakasulat na may pormal na tono.

Noong minsan, isang matandang babae ang biglang tumungo sa Huihui Mountains at hinanap si Chu Qiao. Nang makita siya, maraming ibinigay ang matandang babae mula kay Yan Xun, at patuloy sa pagkanta ng papuri kay Chu Qiao. Tanging matapos lang makipag-usap ng matagal sa matanda ay naintindihan niya na nandoon ang matandang babae para umakto bilang therapist para sa kanilang dalawa ni Yan Xun. Upang kailanganin ng isang tao na umakto bilang therapist ay isang nakakaaliw na resulta. Pagkatapos ng pamumuhay ng magkasama sa buong buhay nila at umasa sa isa't-isa, kinailangan nila ng ibang tao na umakto bilang therapist. Dumating na sa punto ang kanilang relasyon na kailangan na nila ng therapist.

Ang matandang babae na iyon ay dumating sa pangalan ng pagtutugma ng tao, ngunit ang trabaho talaga nito ay sabihan siya. Isang ilog ng regalong pangkasal ang pumuno sa silid ni Chu Qiao, at nauubusan na ng espasyo na paglalagyan ng mga ito, sa huli ay kinailangan ni Chu Qiao na punan ang pasilyo at bakuran. Ang lahat ay bihira, mula sa mga perlas na kasing laki ng kamao ng bata, sa isang coral reef na kasing tangkad ng matanda. Mula sa sutlang kasuotan na napakanipis at gaan na makikita itong liparin sa mahinag ihip, sa mga sapatos na inukit mula sa premium na jade. Mayroon ding ruby na hikaw, kulay bahag-haring porselana, at kahit maluhong mga bagay mula sa malayong kanluran, atbp. Tila ba lahat ng pambihirang bagay ng mundo ay dinala sa harap niya. Idagdag pa, sinabi ni Yan Xun na magpapatayo ito ng palasyo sa tuktok ng Luori Mountain na tatawaging Nada Palace bilang sambahayan niya. nang oras na iyon, nalaman ni Chu Qiao sa hilagang pananalita, ang ibig sabihin ng "Nada" ay "true love".

Sa lahat ng luhong maiisip ng isa na nasa harap niya, dapat ay nadala siya, o umiyak sa saya o pagkalugod. Gayumpaman, hindi man lang siya masaya kahit kaunti. Umupo siya sa upuang baging. Ang kanyang mga daliri ay maputla at malamig. Kung noong isang taon ito, siguro ay tatalon siya sa tuwa. Pakiramdam niya na ang lahat ng regalong ito ay pagsisikap lang ni Yan Xun na makipagbati sa kanya.

Labis na nagbago si Yan Xun na hindi na niya ito makilala. Maraming beses niyang tinanong ang ibig sabihin ng mga kilos niya. Kahit na manalo si Yan Xun, ito ay pagpapalit lang ng pamilya Yan sa pamilya Zhao, kung saan ay normal na pagpapalit ng dinastiya katulad ng ibang bansa. Kung ano man ang kanyang naisip ay patungo ngayon sa landas na hindi niya ginusto. Gayumpaman, patuloy siya sa pagsisinungaling sa mga mababait na sibilyang iyon, kinukumbinsi sila na pumasok sa hukbo, hinihimok na buuin muli ang kanilang tahanan, pinalalakas ang kanilang loob na matapang na lumaban. Binigay ng mga sibilyan na ito ang lahat nila, at marami ang nagsakripisyo ng kanilang buhay, lumalaban sa digmaan habang buong-pusong naniniwala na mag-iiwan sila ng mas magandang panahon para sa kanilang mga supling. Ngunit sa huli, namatay lang sila sa wala. Hindi alam ng walang muwang na mga sibilyang ito na nilalabanan nila ang digmaan na walang kinalaman sa kanila. Sa tuwing mag-uumpisa siyang isipin ito, pakiramdam ni Chu Qiao ay napaka tarantado niya. Siya ay naging isang sinungaling.

Nakasandal sa kanyang lamesa, ipinatong niya ang kanyang ulo sa mga pahina. Nakaramdam siya ng kaunting pagod. Kumutitap sa dilim ang liwanag ng kandila, paminsan-minsan ay saglit na maliwanag na nag-iilaw bago bumalik sa karaniwan nitong liwanag. Napakatahimik ng lahat, at halos nakatulog na siya.

Tumayo si Yan Xun sa harap ng tolda ng babae ng matagal. Nang malaman na darating si Chu Qiao, sumakay siya sa kabayo niya, at may 20 gwardya lang, bumalik siya sa pinaka kampo na ito. Sa kasalukuyang kalagayan, ang ganoong pagkilos ay hindi makatwiran dahil napakaraming tao na nais siyang patayin—ang imperyo ng Xia, ang mga taga Quan Rong, at kahit mga taga Yan Bei na mukha lang tapat sa kanya. Gayumpaman, ang kagustuhan niyang makita ang babae ay napakalakas, napakalakas na tinapon niya sa hangin ang lahat ng banta. Ngunit nakatayo sa harap ng tolda nito, hindi siya nagtangkang pumasok.

Ang hari ng Yan Bei na ginulat ang mundo. Ang nangahas na dalhin ang piling mga sundalo ng tropa niya sa pusod ng imperyo ng Xia nang nasa banta ng pagkasakop ang Yan Bei, ay naging isang duwag na hindi nangangahas na pumasok sa maliit na tolda.

Sabi ni Lola Yin, naiyak sa tuwa ni AhChu nang marinig ang balita ng kasal nila, at lumuhod sa lupa umiiyak ng pasasalamat. Alam niya na pinasasaya lang siya ni Lola Yin. Paano iiyak si AhChu sa harap ng iba? Paano luluhod sa lupa si AhChu para magpakita ng pasasalamat? Halos naiisip na ni Yan Xun kung anong itsura ni AhChu nang marinig niya ang lahat. Siguro ay umupo lang ito doon na walang emosyon at tahimik habang patuloy sa pagsasalita ang matanda. At sa pagtatapos ng monologo ng matandang babae, sasabihin lang niya, "Sige."

Ganoon siguro ang nangyari.

Sa imahinasyon ni Yan Xun, habang nakikinig si Chu Qiao sa pagsasalita ng matandang babae, sa tabi nito ay ang mga dokumento, at isang tasa ng tsaa na lumamig na. Nakasuot siya ng kaswal na cotton na damit na nakalaylay sa gilid ang kanyang buhok. Lubos siyang kalmado, na tila ba walang kinalaman sa kanyang ang lahat. Kahit na kasal nila iyon, kasal nila na pinangarap nila, kahit noong nasa Zhen Huang pa.

Hindi alam ni Yan Xun kung anong naging mali. Siguro alam niya, pero ayaw niyang harapin iyon. Iniisip niya na naniniwala pa rin siya kay AhChu. Alam niya na kahit traydurin siya ng lahat, hindi iyon gagawin ni AhChu. Ngunit dahil mismo doon, ayaw niya itong manatili sa hukbo, at ayaw niyang lubos na madikit sa Southwest Emissary Garrison. Patuloy sa pagbabago ang mundo. Kahit na hindi sinasadya ng isa, laging mayroong mga tao at bagay na magtutulak sa isang tao sa isang landas. Natatakot si Yan Xun na darating ang araw na tatayo siya sa kasalungat na panig ng babae. Kapag ang bawat isa sa kanila ay may sariling grupo ng sumusuporta, wala silang pagpipilian kung hindi ay kalabanin ang isa't-isa.

Magaling gumawa ng istratehiya si AhChu, ngunit hindi ito magaling na pulitiko. Hinding-hindi nito malalaman ang madilim na parte ng pulitika. Ang ninanais niya ay magreresulta sa ilog ng dugo at mga bundok ng bangkay. Hindi siya nagsisising ginawa ang lahat ng iyon, dahil boluntaryo ang lahat. Walang pumilit sa kanya na ganoon ang gawin, at sa katunayan, talagang nasiyahan siya sa proseso ng pagpatay. Ang galit at poot na nabuo ng higit na sampung taon ay kumakain sa kanyang puso, at ang kahihiyan na nakaharap niya noong mga taon na iyon ay minumulto siya sa kanyang pagtulog. Gayumpaman, hiling lang niya na kapag ginawa niya ang lahat ng ito, wala doon ang babae para makita ang pangit niyang bahagi. Hiling niya na hindi siya nito huhusgahan sa mga mata nito, at di kalaunan ay ayawan siya. Siguro ay magagalit ito ngayon, ngunit hihilumin ng oras ang lahat ng sugat. Gagamitin niya ang buong buhay niya para makabawi sa babae, para magpaliwanag dito.

Buong kumpyansang ngumiti siya Yan Xun. Kapag hawak na niya sa kamay niya ang buong mundo, maiintindihan ng babae na ang ginawa niya ngayon ay tama.

Ang mahinang anino na nakikita sa tolda ay napakalinaw na masasabi niya kung anong parte ang mata nito, kung anong parte ang kamay nito. Sa malapilak na liwanag ng buwan na pumapaligo sa pigura niya, tila napakalungkot ng itim niyang pampatong. Ang pigura ng lalaki ay mukhang napakalungkot sa tigang na puting tanawin, kasama ang mga kanta ng Yan Bei na kinakanta ng mga mandirigma mula sa malayo.

Dahan-dahan, inunat ni Yan Xun ang kanyang kamay. Naiilawan ng liwanag ng buwan, isang grey na anino ang nakita sa tolda. Nakataas ang kamay ni Yan Xun, at ang kanyang anino ay lumalapit. Sa wakas, nahawakan ng grey na anino ang itim na anino. Hinawakan nito ang ilong, mukha, at ang noo. Ipinakita ng anino ang tabas ng pigura ng babae, at ang kamay ng irog nito.

Chapitre suivant