webnovel

Chapter 172

Éditeur: LiberReverieGroup

"Sige," mahinang sagot ni Chu Qiao. Isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito, pakiramdam niya ay masyado siyang pinagbigyan ng kalangitan.

Bahagyang umangat ang dibdib ni Yan Xun nang sumagot ito, "Lagi akong magiging mabuti sayo."

Ngumiti ng kaunti si Chu Qiao at bahagyang tumango na hindi masyadong mapapansin. "Lagi akong magtitiwala sayo."

Sa loob ng silid na ito, lahat ng ingay ay nawala. Lampas sa manipis na sutlang pantabing na dumadaloy pababa mula sa kisame, maririnig paminsan-minsan ang tunog ng orasan. Ang pagbagsak ng buhangin ay kasing tunog ng kaluskos ng mga silkworm na kumakain ng dahon ng Mulberry sa tagsibol.

"AhChu, magpakasal tayo kapag tapos na ang digmaan sa silangan."

Nag-angat ng tignin si Chu Qiao, at ang dalawa ay tumingin sa isa't-isa. Nakatingin nang mabuti sa isa't-isa, ang kanilang mga tingin ay dalisay at mainit. Ito ay tila sila ay biglang naglakbay pabalik sa nakaraan, nang ang binata ay tumingin sa dalagita at nangako, "Siguradong papatayin ko ang kung sinong manakit sayo!"

Ngayon, hagkan siya ni Yan Xun at mahinang sinabi, "AhChu, lahat ng kaguluhan ay tapos na. Magkasama pa rin tayo."

Oo, lahat ay magbabago, bukod sa ating dalawa.

"Sige." Isang maliwanag na ngiti ang sumabog sa kanyang mukha. Yakap ang katawan ng binata, tila ba kahit ang huminga lang ay nakasisiya na. Lagi akong magtitiwala sayo. Magpakailanman, kailan man, at palagi. Hinagod ng hangin ang dalawang magkayakap na pigura, kumaluskos ang tabing at kumutitap ang kandila. Isa itong tanawin ng lubos na katahimikan at kapayapaan.

Bumalik si Yan Xun, at habang kumakain silang dalawa, nakita ni Chu Qiao na may madaling ineempake si Feng Zhi para kay Yan Xun. Kaswal siyang nagtanong, "Malapit ka na bang umalis?"

Nginuya ni Yan Xun ang kanyang pagkain habang binubuksan ang sulat mula sa silangan. Kalmado siyang tumango, "Oo, malapit na."

"Sasama ako sayo."

Ibinaba ni Yan Xun ang sulat at nag-angat ng tingin. Matatag niyang sinabi, "Ang Silangan ay makakakita ng walang humpay na digmaan at labanan, lalo na ngayon na mas malakas kaysa dati ang hukbo ng Xia. Ang katawan mo ay hindi pa rin mabuti ang pakiramdam, hindi ko talaga kayang dalhin ka sa malayo kasama ako. Ikokonsidera ang kapayapaan na natatamasa natin dito sa Yan Bei, sa tingin ko ay dapat ka nalang manatili dito."

Sumimangot si Chu Qiao at balisang nagpahayag, "Halos magaling na ako, hayaan mo na akong sumama sayo. Matutulungan kita, kaya kong..."

"AhChu, hindi ako nagduda sa kakayahan mo, ngunit oras na para magpahinga ka." Nang nasabi ni Yan Xun ito, ang kanyang tono ay matatag. May napakainit na tingin, tinignan niya ito ng husto at sinabi, "AhChu, ang dami na ng pinagdaanan mo. Hayaan mo sa akin ang iba. Pinagdududahan mo ba ako?"

Sa oras na iyon, nanigas si Chu Qiao mula sa magkahalong mga emosyon na umiikot sa kanyang puso, ang kanyang kamay na may hawak ng chopsticks ay bahagyang nanginig, at halos nabitawan niya ito. Huminga ng malalim, marahan siyang sumagot, "Nag-aalala lang ako sa iyo."

Gumaan ang ekspresyon ni Yan Xun at inunat niya ang kamay niya sa lamesa. Malumanay na nakangiti, hinawakan niya ang kamay ni Chu Qiao. "Huwag kang mag-alala."

Malumanay na ngumiti si Chu Qiao, pero hindi niya alam kung anong isasagot. Bigla, naalala niya, simula nang bumalik si Yan Xun, hindi siya nagtanong ng tungkol sa militar. Ngayon, ni hindi niya alam ang kinaroroonan ng mga sundalo ng Xia.

Sa malamig na hanging malamig na umiihip sa labas, kahit na may mainit na pugon sa silid, malamig pa rin ito. Gustong-gusto kumain ng kastanyas ni Yan Xun, kaya kapag walang magawa si Chu Qiao, pinagbabalat niya si Yan Xun nito. Ngayon, ang buong silid ay napuno ng matamis na amoy ng kastanyas. Sa tabi ng higaan, sa mesa, sa hapag, at sa katunayan kahit saan sa silid na madaling mapupuntahan ay may mangkok ng nabalatang kastanyas.

Makapal at malambot ang mga kumot, na may burda ng gintong dragon. Sapat ang laki ng higaan para matulog ang pito hanggang walong tao. Inunat ni Chu Qiao ang kanyang mga kamay at tinulungan si Yan Xun na ayusin ang higaan niya, ang kanyang puso ay lubos na payapa. Siguro kapag may ginagawa lang siya para kay Yan Xun saka siya lubos na mapapayapa.

Umalingawngaw ang mga yabag sa likod niya. Hindi lumingon si Yan Xun at kaswal na nagpaalam lang, "Kumulo na ang tubig. Pwede ka na..." bigla, niyakap siya mula sa likod. Ang malumanay na paghinga ng lalaki ay mararamdaman sa kanyang malinis na puting batok. Diretsong tumayo si Chu Qiao at napatawa habang bahagya itong tinutulak. "Huwag ka maglaro. Inaayos ko yung higaan."

"Sinong makakaisip na ang bayaning si Master Chu Qiao ay aayusin din ang simpleng mga bagay."

Alam na inaasar siya nito, pinagkatuwaan niya ito, "Ang sama mo. Halos sampung taon kitang inalagaan. Ngunit base sayo, isa akong valkyrie ng digmaan, walang alam na kahit ano bukod sa digmaan."

Tumawa si Yan Xun. "Hindi totoo iyon. Isinisigaw ko lang ang mabuti kong kapalaran."

Tumalikod si Chu Qiao at nagbiro, "Kung gayon ay hayaan mo akong sumama sayo! Sa paraan na iyon ay maipagpapatuloy ko ang pag-aalaga sayo."

Nakatingin sa kanya, naging seryoso ulit ang mukha ni Yan Xun. Matagal na nakatingin kay Chu Qiao, nagtanong siya, "AhChu, alam mo ba ang pinakahinihiling ko?"

Nagtaas ng kilay si Chu Qiao pero hindi sumagot.

Mukhang hindi gusto ni Yan Xun ang kanyang sagot habang pinagpatuloy nito ang kanyang monologo, "Nitong mga taon, sa tuwing nakikita kitang kinakailangan na tumakbo para sa akin, nangako ako sa kaibuturan ng aking puso na isang araw kapag nagkaroon na ako ng kapangyarihan, sisiguraduhin ko na hindi ka na masasaktan o magagawan ng mali. Sisiguraduhin ko na makukuha mo ang pinakamagandang pakikitungo, at masayang mamumuhay, at matatamasa ang lahat ng dapat natatamasa ng isang babae. AhChu, isa akong lalaki. Bagkus na papuntahin ka sa digmaan kasama ako, nais ko na makita kang inaayos ang higaan at ipagluto ako ng pagkain."

Lubos na kalmado ang ekspresyon ni Yan Xun, ngunit ang kanyang tingin ay seryoso. Nakatingin dito, nahirapan si Chu Qiao na ideskriba ang kanyang nararamdaman sa oras na iyon. Nagbaba ng tingin, magkahalong emosyon ang umibabaw sa kanyang puso. Sa wakas, inunat niya ang kanyang kamay at niyakap si Yan Xun sa may bewang at bumulong, "Alam ko. Hihintayin kita dito. Dapat ka umuwi kaagad nang ligtas."

Napakamalumanay ng boses ni Chu Qiao, at agad na nadala si Yan Xun, dahil hindi niya maiwasang iunat ang kanyang daliri. Hinawakan ang baba nito, itiningala niya ang ulo ng babae tapos ay tumingin sa mga mata nito. Kasunod noon, mabagal silang naglapit para sa isang halik. Mahigpit niyang hinagkan ang babae, kinulong ang bewang nito, at sa gitna ng maalab na halik, may paminsan-minsang maririnig na malambot na ungol. Sobrang nakakaakit nito, na para bang sinusubukan na sirain ang kanyang kaisipan.

Nagsimulang mag-iba ang paghinga ni Yan Xun habang naramdaman niyang tumutungo ang dugo tungo sa ibabang parte ng katawan niya. Malakas na hinaplos ng malaki niyang kamay ang likod ng babae, ngunit gusto pa niya ng marami. Ang dampi ng labi ay hindi na sapat para masiyahan siya, na tila mas nais pa niya ng higit pa, higit pa. Ang higanting higaan ay makikita sa patong ng mga sutlang pangtabing at naglalabas ng hindi karaniwang atraksyon para sa kanya. Binuhat ni Yan Xun si Chu Qiao na parang bagong kasal at inihiga ito sa higaan.

Sa pagdikit sa higaan, nataranta si Chu Qiao dahil bigla siyang nakaramdam ng lamig. Walang magawang nanlaki ang mata niya, ngunit ang kanyang mahinang depensa ay agad nilamon ng tumataas na maalab na damdamin at nakakapasong hininga ng lalaki. Nasa ibabaw niya ito, at ang kanilang katawan ay kumikiskis sa isa't-isa. Ang init ng kanilang katawan ay agad nadala sa manipis na mga tela.

"Yan...Xun..." isang kulang sa hangin na boses ang narinig. Hindi masasabi kung masaya siya o naiinis, o kung pumapayag siya o tumatanggi.

Ang kamay na buong taon nakahawak ng patalim ay binuksan ang kanyang blusa at dumausdos paloob. Nang nahawakan niya ang malambot na balat, napasinghap sa gulat si Chu Qiao. Sa oras na ito, imposible na para sa lalaki ang tumigil. Mas hiningal ang paghinga ni Chu Qiao. Kahanga-hangang pakiramdam, ang huling bakas ng pag-iisip ay nagsimula nang mag-apoy. May paos na boses, bumulong ang lalaki sa tainga ni Chu Qiao, "AhChu, sa tingin ko ay hindi na ako makakatiis pa."

Hindi na kaya pang magsalita ni Chu Qiao. Ang bahagyang nakangangang bibig ni Chu Qiao ay natatakpan, at nakakapagbigay nalang ng pigil na pag-ungol. Isang malamlam na pakiramdam ng kanyang ngipin na dinidilaan ng dila ng lalaki ay nagdala ng malakuryenteng pakiramdam pababa ng kanyang likod, binibigyan siya ng sunod-sunod na alon ng kilabot. Ang bigat ng nasa ibabaw niya ay tila napakabigat, ngunit palagay siya. Dumausdos pababa ng kanyang balikat ang kasuotan niya, pinapakita ang kanyang makinis at maputing balikat. Naiilawan ng kandila, tila isa siyang porselana.

Sa puntong ito, bigla siyang may naisip na kumislap sa isip niya. Nagpumiglas si Chu Qiao na mapalaya ang kanyang bibig bago nag-usal, "Yan Xun, ilang taon na si Jing Yue'er?"

Nagulat si Yan Xun. Tinanong nito kung ilang taon na si Jing Yue'er, at hindi si Chu Qiao. Ano naman ang pagkakaiba noon? Ang lalaking ito na walang alam na kahit ano ay tila nakaramdam ng sama ng loob, nanisi siya, "AhChu, inaakit mo ako!"

Desperadong umiling si Chu Qiao, "Simula kailan?"

"Bawat pagkakataon na magpakita ka sa akin na sobrang ganda ay isang uri ng pang-aakit!" huminga ng malalim si Yan Xun nang hinalikan nito ang purong puti niyang tainga, bago nagpatulyo na sisihin siya, "Eto pa, tuwing matapos mo akong akitin, hindi mo inaako ang responsibilidad."

Kinilabutan ulit siya. Hindi maiwasan ni Chu Qiao na iarko ang kanyang likod, ngunit ang kanyang bibig ay patuloy sa pag-utal sa mga sinasabi, "Wala...ka sa...katwiran."

"tiyak na dahil ako ay masyadong makatwiran, kaya wala akong magawa sa iyo." Bumuntong-hininga si Yan Xun. "AhChu, kung alam mo lang kung gaano na kita kagustong pakasalan."

"Bakit hindi mo nalang gawin?" hindi nag-iisip na saad ng isang tao.

Matapos lumabas ang mga salita sa kanyang bibig, naging pulang-pula ang mukha ni Chu Qiao habang ibinaon niya ang kanyang mukha sa kumot. Medyo nagulat si Yan Xun, sinundan ng malakas na tawa. Pakiramdam ni Chu Qiao ay baliw na siya, paano siya naging mas sabik kaysa sa lalaki?

"Hindi maaari iyan." Hinila siya ni Yan Xun mula sa kumot at kinandong siya sa binti nito. "Ang Yan Xun ngayon ay isa pa ring rebelde sa Yan Bei na isa lamang humiwalay na probinsya. Ang buong Yan Bei ay tigang at hinihintay pa rin magpanariwa. Paano ko sasalubungin ang asawa ko sa malungkot na silid? Oras na maayos na ang digmaan sa silangan at ang loob ng Yan Bei ay matatag na, magpapatayo ako ng gintong palasyo para sayo, at gagamitin ang buong Hilagang-kanlurang imbak ng pagkain bilang presyo ng ikakasal na babae. Kailangan kong siguraduhin na ang AhChu ko ay ang pinakapipitagang ikakasal sa buong kontinente para ipakita na ikaw lang ang nag-iisa kong mahal magpakailanman."

Sa kabila na matagal nang alam ang nararamdaman nito, hindi maiwasan ni Chu Qiao ang mayanig ang kanyang puso sa sinabi nito. Sa kanyang paningin na lumalabo, halos bumagsak na ang kanyang luha. Bahagyang itinutungo ang kanyang ulo, sumandal siya sa katawan nito at marahang sinabi, "Ayoko ng mga iyon. Gusto ko lang na maging ligtas ka."

"Maaaring ayaw mo, ngunit kailangan kong masiguradong naibigay ko sayo." Malumanay na ngumiti si Yan Xun at hinalikan ang noo ni Chu Qiao. "Alam ko kung paano ka nagsumikap sa mga taon na ito. Ganoon ang kahilingan ko, ang mayroon ako ng ilang taon na. Ang laki na talaga ng utang ko sayo, at magagamit lang ang natitira kong buhay para bayaran ka."

Para bang nailagay sa maligamgam na tubig ang kanyang puso, bahagyang bumuntong-hininga si Chu Qiao. "Sa pagitan natin, may bagay pa ba tulad ng utang at kabayaran?"

Lumambot ang boses ni Yan Xun. Sumagot siya, "Alam ko kung anong mga pinagdaanan mo para sa akin."

Patuloy sa pagkutitap ang mga kandila, habang ang patong ng mga seda ay umugoy. Ang malabong anino ng dalawa ay makikita.

Matapos maligo, hindi sinuot ni Yan Xun ang pangtulog niya, at nagsuot ng pang-alis. "Bakit lalabas ka?" tanong ni Chu Qiao.

Kaswal na pumili si Yan Xun ng roba at ipinatong ito sa babae. Nakangiti niyang sinabi, "Dadalhin kita pabalik sa silid mo."

"Pabalik sa silid ko?" Medyo natulingag si Chu Qiao. Sa nakaraang mga araw, kasama niyang matulog si Yan Xun. Sa totoo lang, wala lang iyon. Noong bata pa sila, lagi silang magkatabing natutulog. Sa katunayan, sa nakalipas na mga araw nang may sakit siya, binantayan siya ni Yan Xun araw at gabi, at magkatabi din silang natutulog. Anong nangyari ngayon na kailangan niya itong pabalikin?

"Ano? Namimiss mo ako?" tuya ni Yan Xun ngunit agad din sumimangot. "AhChu, hindi na tayo mga bata. Sa nakalipas na mga araw, ni hindi ako makatulog, mas malala pa iyon kaysa sa syudad ng Zhen Huang."

Chapitre suivant