webnovel

Chapter 78

Éditeur: LiberReverieGroup

"Mag-uulat!" isang panibagong pagbababala ang umalingawngaw sa hangin. Hindi napansin ng lahat na nanginig sila sa takot ng masamang balita na dadalhin ng mga sundalong ito. Bago magkapagsalita ang sundalo, sumingit si Zhao Qi, "May napatay nanaman ba?"

Tulirong iniiling ng sundalo ang kanyang ulo. "Hindi."

Napabuntong-hininga ng kaginhawaan ang lahat. Sa sandaling ito, nagpatuloy ang sundalo, "Kamahalan, may masamang nangyari! Sa Zi Wei Square sa labas ng palasyo, ang timog-kanlurang ancestral temples, ang Da An Temple, ang Jiu Wai Street, ang lawa sa katimugan, ang syudad ng Hua Rong malapit sa gate ng Xi Zhi, ang kanlurang residential areas, ang syudad ng Eastern Guwan, ang Eastern Coastal Camp, ang Southern Scholar Residences... mayroong sunog sa mga lugar na ito. Saka ang mga bandido ay nag-aamok sa syudad, pumapatay at sinusunog ang ilang mga tindahan. Magulo ang Jiu Wai Street at maraming nasawi. Ang estima namin ay halos 30 libong mga tao ang idinamay ang kanilang sarili sa sagupaan na ito."

Halos mawalan ng malay ang ilan sa matatandang opisyal dahil sa pagkasindak nang marinig ang mga salitang iyon.

Nagalit si Zhao Song na nagtanong, "Anong nangyayari? Mayroon bang pagrerebelde? Asaan ang Cavalry Camp? Ang Green Army? Ang Southwestern Envoy? Napatay na ba silang lahat?"

"Thirteenth Royal Highness, namuno si Lieutenant Colonel Song palabas para ibalik ang kaayusan. Ang mga taong nahuli na nagnakaw at nanunog ay natagpuan na mga karaniwang sibilyan lang. Ang iba sa kanila ay lokal na delinkwente, ang iba mula sa unibersidad, ang iba ay magagaling na mga personal na bantay mula sa ibang lupain. Ang ilan sa mga sibilyan ay sinabi din na gusto nilang makuha pabalik ang pag-aari nila. Saka ilang mga sundalo mula sa iba't-ibang departamento ng pulisya."

"Kahit ang mga kawal mula sa departamento ng pulisya ay nagpartisipa sa pagnanakaw? Sawa na ba silang mabuhay?"

Pinawisan ng malamig ang mensahero habang sumasagot, "Third Royal Highness, lumabas ang pangkat para ibalik ang kaayusan. Subalit, nanakawan din sila ng ibang tao. Ang iba sa kanila ay nilamon ng galit, ang iba ay nadala ng pera, at ang iba ay napilitan. Kaya tinanggal nila ang kanilang uniporme at nagpartisipa sa pagnanakaw. Napaka gulo, ang ilang daang mga sundalo sa labas ay wala din magawa! Kamahalan, walang balita mula sa Cavalry Camp at Green Army. Ang mga pwersang nakaistasyon sa residensya ng Southwestern Envoy ay hindi makita. Ang sinabi ni Lieutenant Colonel Song ay hindi nagkataon ang rebelyon na ito. Mayroong nagpapatakbo sa likod ng buong operasyon na ito at nagdadagdag sa apoy. Kamahalan, sinabi din ni Lieutenant Colonel Song na ang rebelyon na ito ay malapit nang hindi makontrol. Parami ng parami ang mga sibilyan na nagpapartisipa dito. Kapag lahat ng sibilyan sa capital ay nadamay, hindi na natin makokontrol ang buong sitwasyon. Kamahalan, pakiusap magdesisyon kayo agad!"

Lahat ay nakatingin lang sa Emperor. Mataas siyang nakatayo sa entablado na may taimtim na ekspresyon sa kanyang mukha. Matagal siyang nanatiling tahimik.

"Kamahalan! Kamahalan!" ilang mga tunog ang umalingawngaw sa hangin. Isang sundalo na naliligo ng sariwang dugo at nagmadaling lumapit sa pavilion. Hindi na napigilan ng lahat ng nasa pavilion ang takot nila. Walang naglakas ng loob na magsalita habang nakatingin sa mensahero na tumatakbo tungo sa pavilion.

Nakatayo lang si Zhao Che sa kumpol ng mga tao na nakasimangot pero kalmado. Nagtanong siya sa mababang boses, "Ano nanaman ang nangyari?"

"Nagrebelde si Yan Xun! Dinala niya ang hukbo mula sa residensiya ng Southwestern Envoy para atakihin ang lugar na ito! Ang Green Army, Cavalry Camp, Seventh Army, Ninth Army, ang hukbo mula sa Sixteenth Camp, ang residensya ng Magistrate ay walang kahit anong balita! Lahat ng daan ay naselyuhan. Lahat ng tagahatid na outposts ay naputol na at lahat ng mensahero ay pinatay. Ang timog, hilaga at silangang gate ay nasakop na ng kalaban. Ang mga commander mula sa ika-labing dalawa, ika-labing siyam at ika tatlumpu't-anim na dibisyon ay nagdala ng dagdag na kawal tungo sa royal capital ngunit napigilan ng mga hindi mapigilang sibilyan. Hindi sila makalagpas sa paikot ng Jiu Wai Street. Nakubkob na ni Yan Xun ang Zi Jin Gate. Si Lieutenant Colonel Song ay sinusubukang ayusin ang bagay-bagay doon. Nahihirapan kaming labanan ang kanilang atake sa kulang tatlong libong sundalo!"

Lahat ay natigilan sa takot. Ilang mga matandang opisyal ang nahirapang tumayo kaya napaupo sila sa mga upuan nila, ang mga mukha ay walang kulay. Isa ba itong indikasyon na ang pagbabago ay napipinto na?

Dahan-dahang ipinikit ng Emperor ng Xia ang kanyang mata. Sa panahong ito, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ay tanggapin na kumpletong nabigo ang planong pagpatay nila Ba Lei at Wei Shuye. Nagpakilos siya ng libong mga sundalo para puksain ang isang nakakulong at walang laban na ibon, ngunit ang lahat ay nakakahindik na nabaligtad. Kahit ang Southwestern Envoy ay pumanig na kay Yan Xun ngayon. Sa walong taon na ito, ano eksakto ang pinalaki niya?

Napabuntong-hininga sa sarili niya ang matandang Emperor ng Xia. Shicheng, paano ko nga ba nakalimutan? Anak mo nga pala siya!

Ang buong imperyo ng Xia, kahit ang buong kontinente ng West Meng, ay hindi inaasahan na ang Emperor ng Xia na si Zhao Zhengde, ay papakawalan pabalik sa kanyang sariling bayan ang prinsipe ng Yan Bei na walang kagalos-galos pagkatapos ng walong taon na pagkakakulong. Wala rin kahit sino na umasa na masunuring sasailalim ang prinsipe ng Yan Bei. Lahat ay inasahan na si Yan Xun, na naglakas ng loob na lumaban sa royal na hukbo sa platform noong araw na iyon, ay magplano ng ilang klase ng pagtakas, sa mga paraan na lasunin ang iba o magbalat-kayo bilang sibilyan para makatakas palabas ng syudad at tugisin ng royal na hukbo ng libong milya. Kung maswerte siya, makakatakas siya sa lugar kung saan maaari siyang makapagsimula ulit at paminsan-minsan lang na manggulo. Kung malasin siya, mamamatay siya sa kamay ng royal army, ang katawan ay hinid na muling makikita pa.

Sa kanilang mata, ganito lang ang kayang gawin ng prinsipe ng Yan Bei. Pagkatapos ng lahat, nasa ilalim siya ng pagbabantay ng Emperor ng Xia sa loob ng pito o walong taon. Gaano siya magiging mahusay? Subalit, walang nakaisip na kayang magsagawa ng ganitong kalaking rebelyon ni Yan Xun. Sa kabilang banda, mukha siyang magalang, payapa at ordinaryo. Gayumpaman, kapag humampas siya, maliksi siya at determinadong lumaban hanggang huli. Makikita ito sa kanyang paraan—ang walang tigil na labanan at pagdanak ng dugo, ang pagbabalak, mga pagpatay, paghihimagsik, pagsunog sa mga istraktura ng capital at pagtangkang kubkubin ito na walang konsiderasyon. Binubuhay ng desperasyon, bumangon siya mula sa abo. Si Yan Xun talaga ang anak na lalaki ng Lion King ng Yan Bei na si Yan Shicheng! Nagbabalak, banat na banat at walanghiya, nararapat siya sa bansag na "world's leading lunatic".

"Mag-uulat!" Hindi na kinaya pa ng matandang puso ni Scholar Cui ang kahit ano pang gulat nang may panibagong mahabang sigaw nanaman. Nahimatay siya at gumawa ng malakas na thud sa sahig.

"Natataranta ka at gumagawa ng ingay! Ano ang nangyari? Nakapasok na ba si Yan Xun sa syudad?"

Nanigas ang sundalo at sumagot, "Hindi, Seventh Royal Highness."

"Kung gayon ay bakit ka natataranta?"

"Kamahalan, nandito ako para ipaalam sa inyo na kailangan niyo nang umalis dito. Kumalat na ang apoy dito!"

...

Nang gabing iyon, ang buong syudad ng Zhen Huang ay nasunog hanggang maging abo. Ang makabagbag-damdamin na iyak ng paghihirap ang dumagundong kahit saan. Ang syudad ng Zhen Huang ay talagang nagmistulang impyerno.

"Master! Nakita rin kita!" padaskol-daskol na tinanggal ni Zhu Cheng ang pagkakatali ni Zhuge Yue. "Inutusan ako ni Old Master para hanapin ka. Sobra akong nag-alala. Umalis na tayo. Nasusunog ang palasyo." Dagdag niya sa mababang tono.

Napasimangot si Zhuge Yue at nagtanong, "Zhu Cheng, ano na nangyari sa labas?"

"Nagrebelde si Prince Yan! Dinala niya ang hukbo ng Southwestern Envoy para atakihin ang gate ng syudad. Nabaliw na ang mga sibilyan! Nahiwalay din ang Cavalry Camp, Green Army at ang iba pang dibisyon na wala man lang balita sa kanila. Ang ika-labing dalawang dibisyon ay hindi rin nakapagbigay ng dagdag na kawal. Napaka gulo!"

Lumubog ang ekspresyon ni Zhuge Yue. Desidido siyang sumagot, "Hindi maaari. Uuwi ako at papakilusin ang hukbo ng pamilya para kontrolahin ang sitwasyon."

"Young Master, ang utos po ni Old Master sayo ay huwag magpadalos-dalos. Hindi pa kumikilos ang ibang pamilya, tayo'y..."

"Mahuhuli na ang lahat kung hindi tayo kikilos!" galit na sigaw ni Zhuge Yue, ang mga mata ay namumula. "Ano ang iniisip ni ama? Sa ganitong oras, gusto pa rin ba nilang mag away-away? Sinabi ko na dati na ang tangang Ba Lei na iyon ay hindi mapapatay si Yan Xun!"

Nalito si Zhu Cheng. "Ang sabi ni Old Master na aayusin ng Elder's Clan ang bagay na ito. Hindi na ito kasama sa saklaw ni Young Master, hindi niyo na kailangan makialam."

"Elder's Clan?" galit na kutya ni Zhuge Yue. "Ano bang alam nila? Pangloob na pulitika? Magbalak laban sa isa't-isa para sa kanilang pansariling interes? Ang kaligtasan ng bansa, ng imperyo ng Xia, hindi sila magbibigay ng kahit ano tungkol dito! Umalis ka sa daraanan ko Zhu Cheng!"

"Master," namutla si Zhu Cheng. "bakit niyo ito ginagawa? Hindi nagpapakilos ng hukbo ang ibang mga pamilya. Kung gagawin natin iyon, ano nalang ang iisipin ng iba?"

"anong pakialam ko kung anong isipin ng iba?" magkadikit ang kilay na nagpatuloy si Zhuge Yue, "Kapag bumagsak ang bansa, anong mangyayari sa pamilya natin? Kung bumagsak ang imperyo ng Xia, saan mapupunta ang pamilya Zhuge? Hindi ko ito ginagawa para sa royal na pamilya ng Zhao kung hindi ay para sa mga sibilyan ng Zhen Huang, para sa mamamayan ng imperyo ng Xia!"

"ganoon...ganoon na ba ka seryoso iyon? Ang sabi ni Old Master ay sapat na ang tibay ng pader ng syudad para harapin ang 100 libong sundalo ng tatlong araw. Ang mga sibilyan ay makakalaban na lang ng dalawang oras pa. Oras na dumating na ang mga sundalo mula sa ika-labing dalawang dibisyon, malilipol na ang pwersa ni Yan Xun. Isa lang itong maliit na rebelyon."

"Maliit na rebelyon?" napatawa sa galit si Zhuge Yue. "Sa tingin niyo ba ay isang hangal si Yan Xun? Lalaban ba siya hanggang sa dumating ang dagdag na mga kawal nila? Tatakas na siya. sobrang gulo sa capital ngayon. Sinong makakahabol sa kanya? Kung hahayaan natin makatakas pabalik ng Yan Bei ang mapagbalak at punong-puno ng hinanakit na taong ito, ano ang magiging kapalit noon? Sampung libong beses pa siyang nakakatakot kaysa kay Yan Shicheng."

"Master!"

"Bitawan mo ako!"

Isang malaking pamalo ang tumama sa ulo ni Zhuge Yue. Napasimangot siyang bumagsak sa lupa.

"Master, patawad, ito ang utos ni Old Master." Iniling ni Zhu Cheng ang kanyang ulo. "Tama ka ngunit isa tayong maharlikang pamilya. Mayroon tayong sariling patakaran at protokol. Saka gusto niyo lang ba supilin si Yan Xun?"

Sa walong taon niyang pagtira sa capital, hindi pa nakikita ni Chu na ganito ang estado ng Zhen Huang. Magulo kahit saan. Mga iyak ng paghihirap ang naririnig kahit saan. Idagdag pa sa mga ingay ng hindi mapigil na tawa at walang tigil na pagmumura. Sa gitna ng malalaking sunog, pagnanakaw at pagdanak ng dugo, ang karaniwang sumusunod sa batas na mga mamamayan ay hinubad ang kanilang moral at prinsipyo, at nagbago sa isang masama at mabagsik na hayop.

Pumapasok sa mga tindahan ang mga magnanakaw at pinapatay ang mga tinderong nagmamakaawa para sa kanilang buhay. Ang mga anak na nilang lalaki na nakita kung anong mga nangyari ay kumuha ng patalin at pinatay ang mga magnanakaw para makapaghiganti. Tinignan nila ang bahay na namamantsahan ng dugo, tumawa, at tumakbo palabas ng bahay para sumali sa maramihang patayan. Ang iba ay nanloob sa ibang tindahan at kinuha lahat ng mapapakinabangang mga gamit. Para naman sa mga gamit na hindi nila makukuha, sinisira o sinusunog nila ito. Ang layunin ng pagnanakaw nila ay hindi para sa kanilang interes, kung hindi ay para lang manggulo at ilabas ang kanilang pagkabigo. Kahit saan ay pinapatay ng mga tao ang isa't-isa. Maduduming bangkay at sunog ang kahit saan. Isang hangin ng desperasyon at kabaliwan ang umaali-aligid sa mataas na himpapawid ng syudad ng Zhen Huang. Isang awra ng kamatayan ang bumalot sabuong syudad.

Ito ba ang sinabing propesiya ni Yan Xun, na may haharang sa hukbo ng ika-labing dalawa at ika-labing siyam na dibisyon para sa kanila?

Nakaramdam ng malamig na ginaw na umakyat sa kanyang likod si Chu Qiao. Nanlamig ang kanyang mga binti at braso. Pagsusunog sa capital at paggawa ng gulo ang umpisa ng kanilang istratehiya. Subalit, hindi niya inasahan na gagawa ito ng ganito kaseryosong kapalit. Maraming mga tao ang nagwala, maraming tao ang namatay, at maraming inosenteng mga tao ang nadamay. Ang syudad ng Zhen Huang, sa ilalim ng malaking desperasyon at banta ng malaking kapahamakan, sa ilalim ng sigalot na hasik ng nananadya, sa ilalim ng pagdidiwang ng mga walang pigil, ay nagmistulang nagliliyab na impyerno na walang posibilidad ng muling pagkabuhay.

Isa itong gabi sa ika-dalawampung araw ng ika-limang buwan. Ang mga sibilyan ng Zhen Huang na ilang taon nang sinisiil ay bumigay na sa kanilang emosyon at ginising ang mga demonyo na nasa loob nila.

Chapitre suivant