webnovel

Chapter 75

Éditeur: LiberReverieGroup

Nag tanong tanong si Li Ce sa mga tao ngunit walang nakatulong sakanya. At bigla siyang tumayo at nilibot ang tingin sa paligid. Sa malaking pavillion bukod sa mananayaw siya lang ang nakatayo. At madali siyang nakakuha ng atensyon sa mga tao. Naguguluhan ang tao sa mga kalokohan niya. Nagulat din sila Zhao Che at Zhao Song na baka may gawing kalokohan ito.

Maraming tao ang makikita sa Fang Gui Pavillion. Ang apat na gilid ng pavillion sa labas ay kasama sa bilang. Sinuri ni Li Ce ang paligid ngunit hindi niya makita ang gusto niyang makita. Napasimangot ang batang Prince Li at nag isip ng malalim. Sa sandaling sapat na ang hininga nito, "Qiao Qiao!" Palahaw nito.

Nakaktulilig ang sigaw nito na mas nangibabaw sa togtog ng musika. Nagulantang ang musikero at sa sandalin iyon ay nakalimutang ituloy ng mga nag tatanghal. Tumigil sa sandaling iyon ang tugtug at natahimik ang buong pavillion. Lahat ng tao ay nagulat na nakatingin kay Li Ce sa nalilitong ekspresyon.

Biglang nakarinig si Chu Qiao ng naghihighikan. Luminga siya at nakita niya na nakatingin si Zhuge Yue sakanya na makikitaang na sisiyahan ito sa katotohanang mapapahiya siya rito.

"Qiao…"

"Tigil na, tigilan mo na kakatawag sa akin. Andito na ko." Isang dalagang naka ayos ang tayo sa pangalawang bahagi ng pavillion at nakatingin ng malamig dahil sa pag kainis at sa hiya.

"Haha, alam kong nandito ka." Buong puso ang tawa ni Li Ce. Tumalikod siya at sinabi sa iba, "Sige mag patuloy na kayo wag niyo akong intindihin. Oh kayong mga misikero? Ipag patuloy ang kanta niyo!" Umalis siya sa kanyang upuan at hindi niya pinansin ang roba niya na naka patong sa baso ng wine. Pumunta siya sa pangunahing pavillion at tumakbo patungo kay Chu Qiao.

Mabilis na patingin sa dako ni Chu Qiao ang mga mahaharlikang dalaga. Na gulantang sila.

"Chu Qiao, Umiinom ka ba ng wine? Ang paglulunod sa kalungkutan gamit ang alak ay lalong nag papadagdag ng problema!"

Bumagsak pabalik sa upuan si Chu Qiao at napasimangot. Ngayon na nakakuha siya ng mga titig sa iba ay hindi na katulong sa gagawing operasyon. Sa mapanganib na sandali ay hindi niya kayang maapnsin ito. Sa mukha ng dalaga ay malamig ang titig nito, "Prince Li isa kayong maharlika, wag kayong magpabaya sa magandang kaugalian. Mangyaring umalis na kayo."

"Napukaw ang aking damdamin Qiao Qiao. Lagi mo akong inaalala." Ngiting tugon ni Li Ce. Gusto niyang umupo sa tabi ni Chu Qiao ngunit hindi intensyon ng dalagang paupuin siya sa tabi nito. Hinawaka nito ang ilong niya, lumakad paroon sa tabi nito. Nakita niya ang dalaga na hindi alam ang pagkakakilanlan. "Magandang binibini pwede bang ako na lang ang umupo rito?" malaking ngiti nitong sambit.

Ang babae ay hindi mukhang bata sa 14 na taong gulang. Hindi pa niya ito nakita dati. Nataranta iot at tumayo para bigyang daan. Nag pasalamat si Li Ce at umupo sa upuan. Ang official sa pavillion ay naka atas sa pangunahing pavillion ang pag sisilbi at pagalit silang ipinadala ang kagamitan at inihanda kay Li Ce.

Walang ganang na pabuga si Chu Qiao. Ang ikalawang pavillion on ay mas masaya kaysa sa panunahing pavillion. Ang mga tao sa pangunahing pavillion ay kung saan naka sunod ng tingin kay Li Ce at sa pangalawang pavillion. Biglang napagtanto niya na makakatabi niyasa upuan si Zhuge Yue. Maraming tunog ang hindi mapaliwanag ang biglang nag echo galing sa bubong.

"Fourth Master Zhuge, parehas tayong magaling manghatol. Cheers, para ipagdiwang ang kasal ni Prince Yan," magiliw na sabi ni Li Ce. Itinaas nito ang baso patungo kay Zhuge Yue at pinasa kay Chu Qiao.

Payak na ngiti ang ibinalik ni Zhuge Yue. Tinaas ang baso ng kaunti at ininom ang tinagay sa kanya na walang sinasabing salita.

Sa sandaling iyon ay tumugtog ang tambol sa labas galing sa harap ng pavillion.

Lahat ay napatingin sa taas patungo sa dakilang ginto ng pavillion ay na naroon ang Emperor na naka gintong roba at dahan dahang nag lalakad. Si Chu Qiao at ang iba ay sumunod sa pag yukod at nag bigay galang sa Emperor. Tumingin siya sa itaas. Ang Emperor ay makikitaang bumaba ang timbang at ang buhok ay pumiti na rin. Ang ulo nito ay lumaylay at ang mukha ay hindi na makilala.

Tumayo sa tabi si Li Ce. Siya ay ipinadala galing sa ibang Empire at isang Prince kaya hindi na niya kailangan yumukod katulad ng iba. May isang lalaki habang ang iba ay sumisigaw, "Mamuhay ng matagal ang Emperor" bulong nito. "Wag kang matakot sa kanya. Katulad lang siya ng ibang matanda sa aming pamilya. Mga mapang panggap."

Kapag ginawa niya ay masasaktan lang siya katulad dati. Gayunpaman isa lamang itong pag iisip. Pagkaraang matapos ang seremonya ay lahat ng panahuin ay nagsiupuan sa sariling silya. Ang Xia Emperor ay nagsimulang mag salita at tumingin patungo sa ikalawang pavillion. "Prince Li, bakit ka riyan naka upo? Hindi mo ba gusto ang inayos kong upuan para saiyo?" Pyak na ngiting sabi nito.

"Hindi ko kayang mag lakas ng loob," patawang sagot ni Li Ce. "Mas maganda rito. Mas komportable ako rito."

Napatango ng Xia Emperor, "Zhuge Yue maaring samahan mo ang Prince Li."

Sa kaunting salita ay nag bigay sagip sa puri ng pamilyang Zhuge. Hindi nag lakas ng loob tumingin si Zhuge Yue kay Zhuge Muqing na kung saan nakatayo sa toktok ng pavillion. "Opo kamahalan," sagot nito sa mababang boses.

"Nakapasok na ba ang karwahe ng Prince Yan sa lungsod?"

Isang Official ang lumapit. "Kamahalan, wala pa po kaming natatanggap na balita galing sa gwardya sa tarangkahan ng lungsod." Sagot nito.

Napasimangot ng kaunti ang Xia Emperor.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Chu Qiao. Napatango ang Emperor, "Kaarawan ko ngayon at kasal ng aking babaeng anak ngayon. Nakita ko nang lumaki si Yang Xun noong kabataan niya pa. Madali lang para sakin na ipag kasundo ang aking anak sa kanya. Lahat ng tao sa Empire ay mahalaga rito. Kahit na ang Yan Bei ay nag rebelde noon ay minahal ko parin ang batang iyon. Pagkatapos ngayon ay malugod na tanggap ng Yan Bei ang bagong hari. Maaring makipagtulungan sakanya at pagtibayin ang lakas ng ating Empire ng magkakasama."

"Tama,tama. Ang Prince Yan Bei ay isang talentado. Siya ay magaling na pinuno sa darating."

"Ang kamahalan ay mapagbigay at mapagkawanggawa. Magiging tapat ang Prince Yan sa utos para mabayarang ang pasasalamat."

"Ang Princess Chun ay malinis at maganda. Ipinag pala ng maykapal si Prince Yan at sa kamahalan. Agiging tapat ito sa bayan niya."

"Ang Kamahalan at ang Xia Emperor ay magiging sagana sa ilang libong taon."

Ang mga papuri sa Prince Yan at Emperor ay nag patuloy sa pag paparinig. Sinuri ni Chu Qiao ang pangunahing pavillion at nguti wala siyang makitang kahit isang Pamilya ng Batuha. Ang mas kakaiba pa rito ay ang matandang prinsesa galing sa Huai Song ay hindi rin dumalo na dun siya na bigla sa sandaling iyon.

Mayamaya ay may naka berdeng gwardya ang naglakad sa pangalawang gilid ng pavillion at yumuko. Nilapitan niya si Chu Qiao at bumulong na kung ano sa taingga. Tumango si Chu Qiao at ang gwardya ay umalis na.

Nakita ni Li Ce kung anong nangyayari at tumingin sa paligid. Bumulong ito kay Chu Qiao na matibay na pamilyar ito sakanya, "Qiao Qiao, sino iyon? Anong sabi sayo?"

Napasimangot si Chu Qiao at tinigigan siya. May gusto siyang sabihin ngunit na raramdaman niya na walang kwenta kung sasabihin niya pa at tumalikod siya at hindi na pinansin ito. Hindi na kumilos si Li Ce at ipinagtuloy na lang ang pag sisiyasat. Lumingon siya sa bahagi ni Zhuge Yue, "Brother Zhuge alam mo yun?" Sabi nito.

"Kahit ang Prince Li ay hindi alam. Paano pa kaya ako?" Payak na sagot ni Zhuge Yue.

Tumango si Li Ce, "May tama ka."

Sa sandaling iyon ay may ingay na maririrnig galing sa labas ng palace. Pinapahiwatig ang ingay na galing sa babaeng umiiyak. Lahat ng tao ay napalingon kung saan galing ang tinig na iyon. Napasimangot ang Xia Emperor at nag tanong sa malalim na tinig, " Sinong nasa labas?"

Isang gwardya ang tumatakbo pa loob na pinupunasan ang malamig na pawis sa kanyang noo at lumuhod sa lupa. "Kamahalan si … si Princess Chun." Sagot nito.

Natigilan lahat. Si Chu Qiao ay hinuhulaan kung anong nangyayari noong nakausap niya ang gwardya. Napasimangot ulit ang Xia Emperor at itinuloy, "Si Chun'er? Bakit nandito siya?"

"Ang Princess… Princess ay mapilit na sabi na gusto daw po kayong makita."

"Ngayon ang kanyang kasal. Anong ginagawa niya iniwaksi niya ang tradisyon para lang mapakita siya rito? Ibalik niyo siya sa pinanggalingan at sabihin na malapit ng pumasoksa lungsod ang Prince Yan." Ang maharlikang Asawa ni Shu na kung saan na kaupo sa tabi ng Emperor at malamig na turan sa malutong na tinig.

"Kailang mag hintay ni Chun'er at wag masyadong sabik." Ang maharlikang asawa ni Xuan habang tinatakpan ang bibig.tumingin siya sa taas at tapat na nakatitig sa Xia Emperor, "Bago ang lahat ay si Chun'er 16 na gulang lamang. Baka siya ay natatakot lamang."

"Bilang isang Royal Princess ay hindi katanggap tanggap na iwaksi niya ang tradisyon ng ganun lang! Mga lalaki ibalik kung nasaan na roon ang Princess at madaling parusahan ang taga silbi na umaalaga sa kanya!"

Sa sandaling narinig nito ay biglang naluha ang mga mata ng asawa nitong si Chuan. Pumanaw na si Empress Muhe. At kapatid na Shu, hindi mo ba na iisip na ang taong trumato sa Anak ng Empress ay wlaang paggalang sa sarili mong kapatid." Sabi nito.

"Ama may sasabihin daw si Chun'er." Isang matinis na tinig ang nag echo bigla galing sa labas. Aaht ng napatingin sa labas ay nagulat at kakaibang mga ekspresyon sa mga mukha nila. Napisip ng mahaba ang Xia Emperor at sa wakas nag salita, "Papasukin niyo."

Isang hangin ang pumasok sa pavillion galing sa tarangkahan. Nakasuot na kulay pulang roba si Zhao Chun'er at ang buhok ay nagulo dahil sa pag tatakbo. Ang payat na babae ay na mumutla ang mukha. Nangibabaw ang atensyon ng lahat sa kanya ng pumasok siya sa loob ng pavillion. Nilipad ng hangin ang roba nito na parang mga paru-paro sa kaitaasan. Ito'y magulo tingnan ngunit makikitaan parin ng kagandahan.

"Ama!" Tumayo ang dalaga sa pavillion at buglang lumuhod sa lupa at mabigat na nag susumamo, "Parang awa niyo na bawiin niyo po ang kautusan niyo. Hindi po hiniling ni Chun'er ang ipakasal siya kaninoman."

Lahat ng tao sa pavillion ay nagulantang sa mga narinig! Sa sandaling iyon ang buong Fang Gui Pavillion ay mahaba ang naging katahimikan. Kasunod ang ingay ng nag tatalakayan na nag simula sa kapaligiran at nalunod na ang mga sinabi ni Chun'er kanina.

"Isang walang kabuluhan!" Sagitsit ng maharlikang asawang Shu na ang itsura ay kay lamig.

Kasunod ang pagkahimatay ni Empress Muhe na siya ang naghawak sa kasal ni Zhao Chun'er. Sa mga narinig sa Princess ay pag suwail at hindi katanggap tanggap na salita. Sumabog siya sa galit.

Ang nakaluhod na Chun'er. Tumingin sa itaas na may namamagang mata at putlang mukha. Ngumoso ito at yumukong muli, "Ama, bawiin niyo po ang kautusan. hindi po gustong magpakasal si Chun'er kailanman." Pag uulit nito.

Napasimangot ang ginang na maharlika. "Ang mga kawal ni Prince Yan ay dumating na. Ngayon ay nasalabas sila ng tarangkahan ng lungsod. Ang iyong kasala ay isinibuwalat sa publika noong nakaraan buwan pa. Ngayon sa harap ng mga sugo ng deplimatiko. Ay ayaw mo sakanya makasal? Tinuruan ka ba ni Sister Muhe na maging ganyan?" Malamig na turan.

"Ang patay ay wala na. Sister Shu wag munang banggitin ulit ang pangalan na iyan." Tumingala si Zhuge Lanxuan kay Zhao Chun'er. "Chun'er, hindi mo kayang mawalay sa iyong ama? Okay lang yan. Kahit na mag asawa kana. Pwede ka parin bumisita sa bahay ng kamahalan ng madalas." Ngiting sabi nito.

"Lady Xuan. Hindi ganyan ang nararamdama ni Chun'er ang gusto niya hindi siya ikasalkahit kailanman. Maaring bang tulungan niyo akong mag makaawa kay ama na bawiin ang kanyan kautusan." Napaluhod si Zhao Chun'er sa lapag. Umingala ito may namumuong luha sa mga mata. Halatang disidido.

"Kawal, ialis ang Princess rito. Damitan niyo ulit ng maayos at hintayin ang pag pasok ng karwahe ng Yan Bei." Hindi man lang tumingin sa mga mata nito ang Xia Emperor. Sa liwanag ng ilaw ay ang mukha ng Emperor ay hindi na maaninag. Ang boses nito ay kay lamig na parang walang narinig sa mga sinabi ni Zhao Chun'er. Ang mga alipin ay pumasok sa pavillion galing sa labas at hinila sa braso si Zhao Chun'er.

Chapitre suivant