Sa sandaling iyon, ang ilang misteryosong lalaki ay hindi nakakaramdam ng konsiyensiya pero nakakaramdam ng paumanhin kay Xinghe. Iniligtas nito ang mundo at nahuli si He Lan Yuan, pero kailangan pa din niyang mamatay dahil hadlang ito sa pagsakop nila sa Hwa Xia, ang magandang parte ng karne na ito!
…
Ang pagrerehistro ay tumagal ng kalahating buwan at sa wakas ay nagtapos na. Ang Academic Olympics ay opisyal na magsisimula na.
Ang Galaxy Academy ay nagtalaga ng limang iba't ibang larangan ng kumpetisyon, at ang bawat kategorya ay magkakaroon ng iba't ibang paksa ng pagsusulit sa araw-araw.
Ang examiner para sa computer science, matematika, at physics ay si Xinghe. Halimbawa, sa pagsusulit para sa computer science, hahayaan niyang i-crack ng mga kasali ang system sa loob ng limitadong oras; ang mga nagawang ma-hack ang system ay tutungo para sa susunod na round.
Ang examiner para sa medisina ay si Lu Qi, at para sa ekonomiks, si Mubai. Ang tatlo sa kanila ay kilala sa kanilang mga respetadong larangan, kaya naman hanggang ang mga kalahok ay nakakapasa sa mga pagsusulit na inilatag nila, siguradong mga talentado sila. At mag-aabot sila ng olive branch sa lahat ng mga talentong ito.
Ang unang araw ng kumpetisyon ay sinundan ng medya sa buong mundo; ang proseso ng kumpetisyon ay nakabroadcast ng live sa buong mundo. Ang lahat ay nakatutok sa harap ng kanilang mga television screen, nagbubunyi para sa kanilang paboritong kandidato; wala itong kinaiba sa mga sporting event.
Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang kinatawan na sinusuportahan nila. Ang mga kandidato mula sa Hwa Xia ay may extra pressure na magpunyagi dahil sila ang home team.
Ang bawat round ng kumpetisyon ay mag-aalis ng maraming kalahok. Ang mga nakapasa ay sobra ang saya; ang mga natalo ay nakayuko sa pagkapahiya. Gayunpaman, ang mga nakapasa ay sobra din ang kaba, kinakabahan na matanggal sa susunod na round. Kaya naman, hindi na sila nagpigil pa para sa kumpetisyon, at nagdagdag ito ng sangkap at kasabikan sa Academic Olympics.
Dahil dito, ang pokus ng publiko sa kumpetisyon ay lalong tumaas. Ang layunin ni Xinghe na magkaroon ng kumpetisyon ay halos natupad ng lahat.
Nagawa niyang pasikatin ang pangalang Galaxy Academy, at dahil dito, ay makakaakit ng mas maraming akademiko na sumapi sa kanila. Ang Presidente ay masayang makita ang tagumpay ng kumpetisyon; personal niyang binati at pinuri si Xinghe para sa kanyang pangitain.
Kahit si Tong Liang ay binati siya. Ito ang naging kinatawang ipinadala ng United Nations para pangasiwaan ang kumpetisyon na ito.
Umakto si Tong Liang na tila walang alitan sa pagitan niya at ni Xinghe. Tipid siyang ngumiti. "May talento talaga si Miss Xia, kahit ang kumpetisyon na ito sa iyong mga kamay ay naging matagumpay. Siguradong si Miss Xia ang ipagmamalaki at pokus ng Hwa Xia sa hinaharap."
Nagdesisyong makipaglaro si Xinghe sa ngayon. "Salamat, Miss Tong, para sa maganda mong papuri."
"You're welcome." Ngiti ni Tong Liang, pero tila maraming sikreto sa likod ng simpleng ngiti na ito.
Sinabihan ni Xinghe ang mga kaibigan niya na magbigay ng pasikretong atensiyon kay Tong Liang; may pakiramdam siya na may gagawing kakaiba ang babaeng ito.
Kahit na si Tong Liang ay mamamayan ng Hwa Xia at kinatawan ng United Nation, at dapat na maging masunuring mamamayan, sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Xinghe na mag-ingat dito, at ang pakiramdam niya ay hindi pa siya binigo kailanman.
Gayunpaman, lumipas ang sampung araw na mapayapa para sa Academic Olympics, at walang ginawang kaduda-duda si Tong Liang!
Ang bawat kategorya ay may pinaka nanalo na. Ang pinakamakinang na nanalo ay ang nanalo sa kategorya ng computer science; si Ee Chen iyon.
Sumali siya sa kumpetisyon na may label na, estudyante ni Xia Xinghe, sa kanyang likuran. Kaya naman, ang pagkapanalo niya ay nagdala ng maraming karangalan kay Xinghe at sa Galaxy Academy. Kung ang mag-aaral niya ay napakagaling, maiisip ng isa kung gaano talaga siya kahusay at kamakapangyarihan.
Dahil sa pataas na pangalan ni Xinge, ang reputasyon ng Galaxy Academy ay tumaas din bilang kahihinatnan nito.