webnovel

Hindi Maaaring Sumama sa Atin

Éditeur: LiberReverieGroup

Nakangiting ineengganyo sila ng embahador. "Sige na, maaari ninyong sabihin ang anumang hilingin ninyo."

"Wala naman akong gustong hilingin," matalinong sambit ni Sam. "Ang tanging dahilan kung bakit ako nagpunta sa buwan ay para protektahan ang kaibigan ko, sinabi ko naman na wala na akong ibang gusto maliban doon."

Ngumiti ang embahador. "Ang kababang-loob ni Mr. Sam ay kahanga-hanga. Kahit na, kapag nakaisip ka ng bagay bilang gantimpala sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling sabihin sa amin. Tungkol naman kay Mr. Xi at Miss Xia, mayroong bagay ba kayong gustong hilingin?"

Nagkasalo ng tingin si Xinghe kay Mubai, at umiling ito. "Hindi namin kailangan ng kahit na ano, gusto ko lamang malaman kung ano ang mangyayari sa kanila."

Halatang nag-atubili ang embahador. Nakita ito ni Xinghe at nalaman niyang may bagay na mali. Ipinagdiinan niya, "Ang tanging bagay na hiling ko bilang ganti ay malaman kung ano ang planong gawin ng United Nations sa mga tao na mula sa buwan. Gusto kong malaman ang totoo."

Nagkatinginan ang mga embahador at nagsimula nang mag-usap-usap. "Sige, karapat-dapat mo namang malaman ang totoo. Matapos ang ilang araw ng pag-uusap, walang ibang planong gawin sa kanila ang United Nations."

"Wala kahit na ano?" Nalilito si Xinghe. "Nais ninyong mabuhay sila ng sarili? Ayos lang din iyon, kami na lamang ang magiging responsable sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan."

"Miss Xia, hindi mo kami naintindihan," sabi ng pinakamatandang embahador. "Wala kaming gagawin sa kanila, pero hindi din namin sila hahayaan ng sila lamang din na mag-isa."

"Ano ang ibig ninyong sabihin diyan?" Naibulalas ni Sam ang kanyang tanong. Ang mga ekspresyon nina Xinghe at Mubai ay sumeryoso din. Ang naunang masayang ere ay naging seryoso.

Piniling magsabi ng totoo ng mga embahador. "Ibig sabihin nito ay lilimitahan namin ang kanilang kalayaan at aalagaan sila habambuhay. Pero hindi kami magtatalaga ng trabaho sa kanila dahil hindi sila magiging parte ng lipunan ng mga tao."

"Bakit hindi?" Nagtataka si Sam. "Tao din naman sila, kaya bakit hindi sila maaaring maging parte ng lipunan ng mga tao? Sa tingin ba ninyo ay alien talaga sila? Tao din sila, tao tulad natin."

"Alam namin, pero hindi sila normal na tao; sila ay mga tao na miminsang nagplano na wasakin ang Earth."

"Pero si He Lan Yuan ang tunay na utak sa lahat ng iyon. Hindi nila iyon intensiyon. Nagpalit sila ng kinampihan sa pamamamagitan ng pagtulong sa aming mapabagsak si He Lan Yuan."

"Kaya nga, pinili naming huwag silang saktan at hayaan silang magkaroon ng mapayapang pamumuhay. Imposible para sa amin na magkunwaring walang nangyari at hayaan silang magkaroon ng normal na buhay. Kailangan muna namin na unahin ang kaligtasan ng mga tao," pagdidiin ng pinakamatandang embahador; lohikal naman ang kanilang sinabi.

Nanatiling tahimik ang grupo ni Xinghe matapos niyon.

Inalo sila ng embahador, "Alam kong sa tingin ninyo ay hindi patas ang lagay na ito, pero hindi namin sila maaaring pagkatiwalaan ng lubusan. Walang makakapagsabi kung mayroon pa ding mga alagad ni He Lan Yuan na kasama nila. Hindi namin mapapayagan ang mga ticking time bomb na ito na mamuhay kasama ng mga tao, walang sinuman ang makakaatang ng responsibilidad na iyon. Kaya naman, nagdesisyon kaming ihiwalay sila, iyon na ang pinakamainam na solusyon."

"Ano ang kongkretong plano para sa kanila?" Mahinang tanong ni Xinghe sa seryosong tono.

Sumagot ang embahador, "Ang United Nations ay bubuo ng isang isla para sa kanila at ilalagay silang lahat doon. Magkakaroon ng mga guwardiya doon para bantayan sila, pero bibigyan sila ng kalayaan na lumibot sa isla, at ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan ay maibibigay sa kanila. Hanggang hindi sila aalis sa maliit na isla at walang gagawing isyu, magiging maayos ang buhay nila."

Isa pang embahador ang dumagdag, "Iyon na ang pinakamainam na katapusan na maibibigay namin sa kanila."

Chapitre suivant