Para sa kapakanan ng kaligayahan, handa silang isuko ang lahat!
Kapag isinuko nila ang lugar na ito, ang kanilang mga pangarap ay maaabot na nila, kaya bakit hindi nila gagawin ito? Kaya naman, nagdesisyon sila na bumalik at huwag nang manatili pa dito!
"Miss Xia, pakiusap, kailangan mo kaming iligtas. Ikaw ang champion ng aming pag-asa," sabi ni Shi Jian ng may mabigat sa puso.
"Tama iyon, Miss Xia, kailangan mo kaming tulungan!"
Lahat sila ay nakikiusap na tumingin sa kanya. Tumayo si Xinghe at seryoso silang sinabihan, "Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makabalik na tayong lahat ng sama-sama!"
"Yes!" Nagbunyi bilang ganti sina Shi Jian at ang iba pa, ang kanilang mga dugo ay kumukulo sa kanilang damdamin. Para sa kapakanan ng kanilang hinaharap at tahanan, nagpasya silang ibigay din ang lahat ng mayroon sila!
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Xinghe at agad na nagtanong para makita ang defense system ng base. Ang control center ay makikita sa ikalimang palapag ng bahay ni He Lan Yuan. Kahit na ang base ay punung-puno ng mga computer genius, at hindi mga normal na klase, wala sa kanila ang nagawang mapabagsak ang security system dahil ang system ay masyadong kumplikado at magdudulot ng masamang kahihinatnan kapag hindi naging maingat ang isa. Kaya naman wala pang nakagawang ma-crack ito kahit na maraming oras na ang lumipas.
Gayunpaman, dahil nagawang mapabagsak ni Xinghe ang system na kumokontrol sa mga satellite, dapat ay madali na para sa kanya ito. Inilagay nina Shi Jian at ng iba pa ang kanilang pag-asa kay Xinghe. Kung hindi niya ito magagawa, wala ng iba pang nabubuhay ang makakagawa nito. Gayunpaman, matapos na pasadahan ito ng tingin ni Xinghe, napakunut-noo siya ng husto. Tila ang mga bagay ay hindi umaayon sa kanila. "Ang sistemang ito ay mas lalong kumplikado mula sa sistemang kumokontrol sa mga satellite."
napasinghap si Shi Jian. "Mas kumplikado kaysa doon?"
"Oo." Tumango si Xinghe. "Pero huwag kang mag-alala, magagawa ko pa din ito, iyon lamang ay kakailanganin ko ng mas marami-raming oras."
Nakahinga ng maluwag sina Shi Jian at ang iba pa ng marinig iyon.
"Miss Xia, gaano katagal ang kakailanganin mo?"
"Siguro ay mga dalawa hanggang tatlong araw; siguro ay may sapat na oras pa tayo nito."
Tumango si Shi Jian. "Oo, mayroon pa tayong hindi bababa sa sampung araw bago ang pagsabog, kaya naman ayos lang siguro ito."
"Kung gayon, gamitin na natin ang oras para maghanda. Sa sandaling ito ay ma-hack, aalis na tayo," mungkahi ni Xinghe.
"Okay!"
Umalis na si Shi Jian at ang iba pa para mag-empake, plano nilang dalhin ang lahat ng importanteng dokumento kasama nila. Habang sinusubukan ni Xinghe ang lahat ng makakaya niya para malutas ang defense system, tumutulong sa kanya si Mubai sa pagtatanong tungkol sa lokasyon ng kanyang ina. Wala namang ginagawa si Sam, kaya naman sinubukan nitong maranasan ang lahat ng makabagong teknolohiya na naroroon.
Ang bagay na nakaakit ng kanyang interes ng husto ay ang virtual reality device; ang bagay na ito ay sobrang masayang gamitin!
Napakaraming mundo na maaari niyang maranasan at ang bawat mundo ay kakaiba at tunay. Mayroong mundo ng mga wuxia, xianxia, makalumang mundo, mundo ng pagsasaka, at kahit mundo ng mga zombie. Gayunpaman, ang isang mundo na mas kilala sa mga lalaki doon ay ang mundo ng mga harem.
Ang mundo ng harem ay puro babae lamang ang naroroon kaya naman desperado sila sa mga lalaki. Kaya naman, kapag may lalaking dumating sa mundong iyon, tinatrato ito na tila isang Diyos…
Matapos mapansin ni Sam ang mundong ito, patagong sinubukan niya ito matapos na masigurong walang iba na nakatingin. Pagkatapos, ginugol niya ang natitirang oras ng araw na iyon ng nakangiti sa kanyang sarili at mamumula ito ng basta-basta. Hinanap pa nito si Shi Jian para tanungin kung madadala nila ang virtual device na ito pauwi kasama nila.
Sinabi ni Shi Jian na wala sa mga produktong naroon ang maaaring dalhin, pero magagawa nilang magdisenyo at gumawa muli nito kapag nasa Earth na sila ulit. Ang huling bahagi ng kanyang paliwanag ang nagpangiti ng husto kay Sam ng buong kasiyahan.