webnovel

Isang Nakakulong Na Pamumuhay

Éditeur: LiberReverieGroup

Tumango si Shi Jian. "Oo, maliban sa istruktura mismo, ang lahat dito ay isang panlalansi. Pakiusap ay sumunod kayo sa amin, ipapasyal namin kayo dito sa base."

Ito talaga ang imumungkahi ni Xinghe. Ang totoo, nagtataka sila tungkol sa lugar na ito. Tila ba nakakadiskubre sila ng panibagong mundo.

Ang base ay malaki, pero malilibot pa din ito ng naglalakad. Habang naglalakad sa ibabaw na pinatag, habang tinitingnan ang mga tanawin, ang pakiramdam ng tatlo ay nasa Earth pa din sila. Gayunpaman, alam na nila na ang tanawin ay pekeng lahat.

Nagpaliwanag si Shi Jian, "Ang base ay mayroong sariling gravity system at oxygen circulation. Matapos ang ilang dekada ng pagpapaunlad at paggawa dito, sa ibabaw, ang lugar na ito ay nagmumukhang tulad ng sa Earth. Siyempre, hindi naman talaga ito ang Earth. Ang simulated na kapaligiran ay talaga namang walang sigla. Dahil ang lahat ng naririto ay inaasahan na ibubuhos ang kanilang buong buhay sa pananaliksik, walang sinuman ang dapat na masiyahan sa kalikasan. Kaya naman, ang ganitong klase ng kalikasan ay dapat sapat na para masiyahan kami."

Hindi makapaniwalang nagtanong si Sam, "Paano ninyo nagawang makaligtas dito sa mga nakaraang dekada?"

Mapait na napangiti si Shi Jian. "Halos lahat ng ipinadala dito sa lugar na ito ay m bata pa noon. Ginugol namin ang aming kabataan sa isang nakakulong na lugar, kaya wala kaming masyadong alam sa mundo sa labas. Kaya naman nagagawa naming mamuhay sa isang nakakulong na buhay, pero…"

Tumigil si Shi Jian bago bumuntung-hininga, "Pero tao pa din kami, humihiling pa din kami ng isang normal na buhay. Sa kaibuturan ng aming mga puso ay ang pag-asa na makabalik muli sa Earth, para makahawak ng tunay na damo, at maramdaman ang tunay na hangin. Ang kahilingang ito ay hindi sapat para maistorbo ang pananalisik namin, pero nakakaapekto pa din ito sa amin minsan. At ang kahilingang ito ay mananatili hanggang napipiit kami dito. Natatakot ako na baka mabaliw kami balang araw kapag hindi kami pinayagang bumalik sa Earth para matamasa ang kalayaang nararapat sa amin. Halos karamihan sa amin ay magagawa pang tiisin ang ganitong klase ng pamumuhay sa ngayon, pero nakikita ko na malapit na din itong matapos."

Agad na natahimik si Sam. Nararamdaman niya ang siphayo sa mga salita ni Shi Jian. Ang mapiit ka sa isang lugar na walang emosyon ng habambuhay ay hindi nalalayo sa aktuwal na pagpapahirap. Kung napigilan siya na maranasan ang kalikasan at kalayaan ng habambuhay, siguradong mababaliw siya.

"Wala akong alam na ito ang sitwasyong kinalakihan ninyo," mahinang sambit ni Xinghe. Ang ibig sabihin ay lumaki din sa ganitong kapaligiran ang kanyang ina…

Tumingin si Shi Jian sa kanya at may kasabikang nagsalita, "Kaya naman, nagmamakaawa kami sa iyo na iligtas mo kami! Miss Xia, ikaw lamang ang makakapaglabas sa amin sa lugar na ito at matutulungan kaming makabalik sa Earth!"

Tumango si Xinghe. "Huwag kang mag-alala, nangangako ako na gagawin ko ang aking makakaya."

Sumeryoso si Shi Jian at yumukod ito ng malalim sa kanya. "Miss Xia, kung matutulungan mo kami, habambuhay ka na naming magiging tagapagligtas. Susunod kami sa mga utos mo mula ngayon bilang tanda ng aming pasasalamat!"

Mahinang sinabi ni Xinghe, "Hindi na kailangan pa iyan, ginagawa ko lamang ang aking responsibilidad. Isa pa, hindi ko magagarantiyahan ng isang daang porsiyento na matutulungan ko kayo."

Idinagdag pa din ni Shi Jian ng may pasasalamat, "Kahit na hindi mo magawa, palagi naming maaalala ang iyong kabutihan."

Chapitre suivant