"Sa mundong ito, ikaw lang ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan namin ng husto," dagdag ni Sam ng nakangiti. Ang iba pa ay tumango.
Natimo si Xinghe sa walang-sawang suporta ng mga ito. Sumumpa siya na hindi niya bibiguin ang mga ito. Ang grupo ni Xinghe ay iginiya palayo ni George patungo sa panibagong sikretong base.
Matapos na ma-hack ni Xinghe ang launch base system ng He Lan family, ay agad na siyang nakaisip ng solusyon para kalabanin si He Lan Yuan. Ang disenyo ng mga satellite na ibinunyag ng system ay nakumpirma ang kanyang duda.
Matapos na marinig ang kanyang plano, pinili ng United Nations na lubos siyang suportahan. Ang bawat isa sa kanila ay walang pagod na nagtrabaho para matupad ang kanyang plano. Ang United Nations ay binigyan siya ng walang katapusang kontrol sa bawat resource sa mundo. Sa napakalaking suporta na ito, ang plano ni Xinghe ay nagiging napakaayos ng takbo.
Hindi masukat ang mga naging progreso sa bawat araw. Matapos ang tatlong araw, sa wakas ay nakagawa silang makapagtayo ng isang malaking signal tower sa isang sikretong lokasyon. Ang signal tower na ito ay mangangailangan ng isang buwan para gawin sa ilalim ng normal na mga sirkumstansiya. Gayunpaman, sa suportang nakukuha niya, inabot lamang ito ng tatlong araw.
Ang lahat ay sabik na nang matapos maitayo ang tore. Naghihintay sila sa mga himala na madadala ng toreng ito. Binigyan pa nga nila ng pangalan ang tore, ang Galaxy Control Centre!
Nagulat si Xinghe sa paraan ng pagpapangalan nila. "Bakit nila ito tinawag na ganoon?"
Tumawa si Mubai at sinabi, "Ito ay disenyo mo, kaya natural lamang, na ipangalan ito sa iyo."
May ngiting dumagdag si Ee Chen. "Isa pa, ito ay para makontra ang Project Galaxy kaya dinisenyo mo ang tore, kaya naman perpekto para dito ang pangalan nito."
"Sumasang-ayon ako! Kapag nagtagumpay ang plano, magiging isang makasaysayang simbulo ang signal tower na ito, isang simbulo na magiging tanda ng isang henerasyon," sabik na sabi ni Ali.
Nagbiro si Sam, "Bakit hindi na lang din nating tawagin na Project Galaxy ang plano? Ang labanan sa pagitan ng dalawang 'Project Galaxy' at makikita natin kung alin ang mas mahusay!"
"Hindi na masamang ideya." Tumatango bilang pagsang-ayon si Cairn. "Pero kapag tinawag sila sa parehong pangalan, hindi ba't mas nakakalito ito? Ano kaya kung Xinghe's Project vs Project Galaxy?"
"Sa ganitong kaso, maaaring tawagin mo na lamang itong Good Project Galaxy vs Bad Project Galaxy," biro ni Ali.
"Sa tingin ko ay mas madali pa din na tawagin ang dalawa na Project Galaxy, dahil magkatunog naman talaga ang pangalan dito," idinagdag din ni Wolf ang kanyang opinyon.
Napabulalas ng tawa si Xinghe. "Hindi naman na mahalaga ang pangalan; ang punto dito ay kung magtatagumpay ang plano ngayong gabi o hindi?"
"Sigurado akong magtatagumpay ito," buong tiwala na sambit ni Mubai. "Ang kabutihan ang palaging magwawagi. Isa pa, plano mo naman ito, hindi ko ito nakikitang pumapalya."
"Salamat." Tumango ng may resolusyon si Xinghe. Wala na silang pagpipilian kung hindi ang magpatuloy. Wala nang iba pang puwang kundi tagumpay lamang.
Sumeryoso ang tingin ni Xinghe at pagkatapos ay sinabi niya, "Tara na, malapit nang magsimula ang plano."
"Okay!"
Ang iba pa ay sabay-sabay na sumagot. Pagkatapos, sumunod sila kay Xinghe habang pumasok na ito sa control room.
Ang loob ng Galaxy Control Centre ay napakalawak. Ang control room ay maraming monitor na natatakpan ang apat na pader. Sa sandaling iyon, hindi mabilang na mga satellite ang lumiligid sa Earth.
Ang mga satellite na ito ang pinakamahusay na imbensiyon ng makabagong panahon. Salamat sa kanila, ang panahong ito ay umuunlad ng malaki sa halos araw-araw.