"Inaakala ko na walang makakagawa nito, hindi sa napakaiksing panahon. Pero nagawa ninyo ang imposible, talagang minaliit ko kayo."
Ang pagkagulat ay mahahalata sa tinig ni He Lan Yuan, pero hindi nagtutunog na binabantaan niya ang mga ito. Ang nakakakilabot niyang tinig ay pinasadahan ng tingin ang lahat ng naroroon at nagtanong si He Lan Yuan ng nakakurba ang mga labi, "Ngayon, may makapagsasabi ba sa akin na sino ang taong nang-hack ng sistema dito? Kailangan kong makilala ang kakaibang talento na ito."
Sinubukan ng lahat na huwag tumingin sa direksiyon ni Xinghe. Natatakot sila kay He Lan Yuan pero ang lahat ng naririto ay mga taong may prinsipyo. Tinulungan na ni Xinghe ang buong mundo sa pamamamagitan ng pag-crack ng computer system, paano naman nila ito ilalaglag? Gayunpaman, alam nila na kapag hindi nila sinabi ang totoo, hindi sila palalampasin agad-agad ni He Lan Yuan.
Tulad ng inaasahan, inosenteng ngumiti si He Lan Yuan at nagmungkahi, "Kung walang mabait na magsasabi sa akin ng totoo ay maglalaglag ako ng panibagong satellite. Gaano kaya karami ang mamamatay mula sa pagsabog ng isang bomba atomika."
"Ako iyon."
Sabay na binuksan ni Xinghe at Mubai ang kanilang mga labi para sumagot sa magkaparehong oras. Pareho pa silang nagulat na marinig na sabihin ng bawat isa ang parehong bagay.
Tiningnan ni Mubai ng masama si He Lan Yuan at seryosong sinabi, "Ako ang nanghack ng iyong system, handa akong akuin ang lahat ng responsibilidad."
Ang lahat sa silid ay nagitla dahil hindi naman siya ang gumawa nito. Gayunpaman, naiintindihan nila ang ginagawa nito, isinasakripisyo niya ang sarili para iligtas si Xinghe.
Hindi naman gusto ni Xinghe na dumanak ang dugo nito sa kanyang mga kamay, kaya pinandilatan din niya si He Lan Yuan at sinabi, "Ako ang gumawa nito, wala itong kinalaman sa iba pang tao."
"Paanong ang isang babaeng tulad mo ay may kinalaman sa ganito kalaking bagay? Umatras ka na ngayon," utos sa kanya ni Mubai ng may sobrang inis. Hindi gumalaw si XInghe at mariing tumingin kay He Lan Yuan.
Pinag-aralan sila ni He Lan Yuan at tumawa. "Hindi na kailangan pang magtalo, sabihin na lamang natin na kayong dalawa ang may gawa. Ngayon, sabihin ninyo sa akin ang mga pangalan ninyo at kanino ninyo natutunan ang mga computer skill ninyo."
"Walang dahilan para sabihin namin sa iyo ang mga pangalan namin at minaliit mo ng husto ang kakayahan ng sangkatauhan. Ni hindi nga kami ang pinakamahuhusay na maibibigay ng mundong ito," kalmado at buong kumpiyansang sambit ni Mubai.
Biglang nagtanong si He Lan Yuan, "Tila ba hindi ka natatakot sa akin."
"Tao ka din naman tulad ko, bakit ako matatakot sa iyo?"
"Mainam na sagot!" Tumawa si He Lan Yuan habang pumapalakpak. "Palagi kong hinahangaan ang mga taong tulad mo, pero kinamumuhian ko din ng husto ang mga taong tulad mo!"
Maligalig si He Lan Yuan na tila hangin sa hatinggabi at ang tingin niya ay naging kasing lamig ng yelo habang ang mga labi nito ay kumurba na tila buntot ng alakdan. "Alam mo ba kung gaano ko kinamumuhian ang isang tulad mo?'
Walang takot na sumagot si Mubai, "Ikinalulungkot ko, pero hindi ko alam."
"Hindi na bale dahil sinasabi ko sa iyo ngayon, ang mga taong tulad mo ay ang klase ng tao na papatayin ko sa bawat oras na makasalubong ko, ganoon ko kinamumuhian ang mga taong tulad mo. Ikunsidera mo na malas ka dahil ipinagtatanggol mo pa ang babaeng ito, tutuparin ko na ang kagustuhan mo. Patayin mo siya ngayon kung hindi sa isang minuto, isang satellite ang mahuhulog mula sa langit!"
Ang utos niya ay nakadirekta kay George at sa iba pa. Napasimangot si George. Hindi niya paraan na pumatay ng isang inosente, pero isang baliw ang He Lan Yuan na ito, maaari talagang magbagsak ito ng isang satellite bomb sa kanila.
Sa ngayon, nagagawang malaman ni He Lan Yuan na si George ang may pinakamataas na ranggo militar doon. Pinandilatan niya ito at malamig na ngumiti. "Bakit nakatayo ka pa diyan? Ganyan ka ba kawalang puso? Ang gamitin ang buhay ng isang tao para iligtas ang buhay ng ilang milyon, hindi ba't magandang palitan na iyon?"
"Hindi ko siya maaaring hawakan dahil sa kakaiba niyang katauhan," direktang sagot ni George.