webnovel

Out of this World

Éditeur: LiberReverieGroup

Tulad ng kasabihan, minsan ang apat na ulo ay mas maigi kaysa sa dalawa. Sina Xinghe at Mubai ay abala na ma-crack ang system at wala na silang panahon para alalahanin pa ang ibang bagay at doon na pumapasok ang SamWolf.

Dahil wala naman silang ginagawa para abalahin ang mga sarili, siguro ay mainam ng mag-isip. Habang nagtatrabaho sa mga computer sina Mubai at Xinghe, nagtipon ang SamWolf para magkaroon ng palitan ng kuro-kuro. Nagbigay sila ng ilang suhestiyon, pero wala sa mga ito ang tila gumagana. Dahil nga naman, ang buong mundo ay naghahanap ng mga paraan para kaharapin si He Lan Yuan. Ilang bilyong tao ang hindi makaisip ng solusyon paano pa kaya silang aapat lamang.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito ay susuko na sila. Habang nagpapahinga para sa tanghalian sina Xinghe at Mubai, sina Ali at ang grupo niya ay pumunta para ibigay ang kanilang mga ideya. Bahagyang nasurpresa si Xinghe. "May ilang ideya ba kayo para malutas ito?"

Tumango si Sam. "Meron, pero duda kami kung magagamit ba ito."

Nagpasya si Mubai na paluguran sila at sumagot, "Kung gayon, hayaan ninyong mapakinggan namin."

Umubo si Sam at sinabi, "Ang una naming ideya ay ang gumawa ng isang super weapon at pagkatapos ay hayaan ang bawat bansa na paputukin ito sa parehong oras at wasakin ang lahat ng mga satellite na iyon sa kalawakan! Ano sa tingin ninyo dito? Siyempre, wala kaming alam kung anong klase ng armas ba ito."

Umiling si Xinghe. "Ang ganitong klase ng ideya ay maaaring naisip na sa United Nations, pero napakahirap na gawin nito. Ang paggawa ng mga armas ay hindi mahirap, pero kakailanganin nito ng oras at ang isang buwan ay hindi sapat. Isa pa, ang mga satellite ay masyadong nakakalat at malayo sa kalawakan, kakailanganin natin ng maraming armas. Isa pa, sa sandaling gumawa tayo ng ganito kalaki, malalaman ito ni He Lan Yuan."

"Nakita na naman ninyo kung gaano siya mag-reak," dagdag ni Mubai. Agad na dumilim ang mukha ng grupo ni Sam. Ang mga satellite na dinesenyo ni He Lan Yuan ay maaaring magpaputok sa isang iglap lamang. Wala na silang pagkakataon na paputukin pa ang kanilang mga armas bago pa pabagsakin ni He Lan Yuan ang mga satellite niya mula sa kalangitan.

Kahit naano pa, may ilan pa silang ideya kung hindi gagana ito.

"Ano naman kung ganito?" Sabik na inihayag ni Ali ang kanyang ideya. "Maaari tayong gumawa ng isang klase ng anti-air system na tila isang higanteng magnetic field para ma-repel ang mga satellite na ito pabalik sa kalawakan. Sa ganitong paraan ang mga satellite na ito ay hindi na makakabalik pa sa Earth at maaari pa natin itong gamitin para atakihin si He Lan Yuan."

Dumagdag si Cairn, "Pero wala kaming alam kung paano makakagwa din ng anti-air ystem, pero napakaraming eksperto sa mundo, siguro ay alam na nilang gawin ito."

Napahanga si Xinghe. "Hind na masamang ideya."

"Talaga?!" Sabik na sambit ni Ali, "Xinghe, pumapayag ka talaga sa ideyang ito? Ideya ko ito; sa tingin mo ay gagana ito?"

Ngumiti si Xinghe. "Maaari itong gumana pero hindi ito isang bagay na magagawa sa panahong ito. Isa pa, ang epekto ay hindi gaano halata dahil wala naman tayong teknolohiya para gawin ang malalaki at malalakas na magnetic field. Kahit na sumabog pa ng ilang libong metro sa langit ang mga satellite, magdudulot pa din ito ng malaking pinsala sa mundo."

Kung sobra na ang hibang ni He Lan Yuan para punuin ang ilan sa mga ito ng asido para makabuo ng acid rain, ang mundo ay siguradong matatapos. Kaya naman, tinanggihan din nila ang planong iyon.

Bigong napapabuntong-hininga si Ali, "Hindi din pala ito gagana."

Biglang sumabat si Wolf, "Kaya nga sinabi ko ang lahat ng mga ideyang ito ay masyadong out of this world. Mula sa nakikita ko, kailangan nating magkunwari na susuko para mapalabas si He Lan Yuan at pagkatapos ay hulihin natin at patayin ito! Ito na ang pinaka epektibo at direktang solusyon!"

Chapitre suivant