"At maganda ang pagkakakumplemento ninyo sa isa't isa. Masaya ako na may magaganda pa ding nangyayari sa akin sa aking katandaan. Napakainam naman nito…"
Nagsimula na namang maluha si Elder Shen, pero ang mga ito ay luha ng kaligayahan. Dati, naiinggit siya na may mahusay na tagapagmana si Elder Xi. Hindi talaga niya inasahan na napakaswerte din pala niya.
Nagpapasalamat siya na nahanap niya si Xinghe at, bilang ekstensiyon, si Mubai. Ang araw na iyon na marahil ang pinakamasaya niya sa mahabang panahon.
Ang tanging pinagsisisihan niya ay hindi niya makita ang kanyang anak pero ang nakuha niya si Xinghe ay higit pa sa sapat. Sa kotse, tinawagan ni Elder Shen ang kanyang asawa at panganay na anak na babae para ibahagi ang mabuting balita.
Nang matanggap niya ang balita, nagmamadaling nagpunta sa family house si Madam Presidente. Ang tungkol sa katotohanan na si Xinghe ay isang Shen, nasorpresa sila at nagulat. Gayunpaman, ang DNA test ay hindi magsisinungaling.
Isa pa, may magandang impresyon si Madam Presidente kay XInghe kung hindi ay hindi niya ito tatanggapin bilang kanyang stepdaughter. Ngayon, hindi na ito kailangan dahil ito pala ay ang bayolohikal niyang pamangkin!
"Paano nagkakataon ang mga bagay-bagay? Mahirap na paniwalaan na ang lahat ay naitadhana na."
Tumingin si Madam Presidente kay Xinghe at hindi makapaniwalang napabuntung-hininga.
Napahimutok din si Old Madam Shen, "Tama ka, siguro ay itinadhana na nga ito. Marahil ay binabantayan pa din tayo ng ating mga ninuno kung hindi ay hindi na natin sila mahahanap sa buhay na ito."
Hinablot ni Madam Presidente ang kamay ni Xinghe at magiliw na sinabi, "Xinghe, kaya naman pala malapit na talaga ako sa iyo, iyon pala ay ikaw ang anak ng aking kapatid. Hindi mo na dapat akong tawaging stepmon, tawagin mo akong Auntie Yu."
Masunuring sumagot si Xinghe, "Auntie Yu."
"Mabuti! Napakabait na bata!" Sabik na sabik si Madam Presidente; may mga luha sa kanyang mga mata. Kahit si Old Madam Shen ay hindi mapigilan na hindi maluha. Masaya sila na ang hinaharap ng Shen family ay sa wakas ay sigurado na.
Kung ikukumpara kay Tong Yan, si XInghe ay isang milyong beses na mas mainam. Marahil ay mas malapot nga ang dugo kaysa sa tubig, mas madali nilang natanggap si Xinghe. Pinaulanan nila ito ng pagmamahal at atensiyon.
Naiintindihan ni Xinghe ang kanilang mga nararamdaman. Kahit na hindi siya sanay na nasa kanya ang buong atensiyon ng lahat, tahimik itong nakiisa.
Matapos ang ilan pang lambingan, ang paksa ay sa wakas na natuon sa ibang bagay.
Biglang nagtanong ng may antisipasyon si Old Madam Shen, "May mga larawan ka ba ng iyong ina? Gusto ko sana siyang makita."
"Tama iyon, may larawan ka ba niya?" Dagdag ni Elder Shen.
Umiling si XInghe. "Sa kasamaang palad, wala akong larawan niya dahil hindi siya nag-iwan ng kahit na anong larawan niya, pero magagawa kong imodelo ang hitsura niya para sa inyo."
"Imodelo ang kanyang hitsura?"
Tumango si Xinghe. "Tama iyon, pero kailangan ko ng computer."
"Ikuha ninyo ng computer ang young miss, madali!" Utos ni Elder Shen, at isang katulong ang agad na nagdala ng laptop.
Binuhay na ni Xinghe ang laptop at nagsimulang magtrabaho.
Nakita ni Elder Shen at ng iba pa ang mahusay na paraan ng paggamit niya ng computer at sila ay napahanga. Kahit na alam na nila noon pa na may talento siya sa computer, ang makita ito ng sarili nilang mga mata ay nakakagulat pa din.
Hindi naman sila binigo ni Xinghe. Pagkatapos ng ilang minuto, nagawa niyang imodelo ang isang 3D na imahe ng isang babae.