Nagsumiksik si Tong Yan kay Elder Shen at binuksan ang kanyang bibig para magmakaawa.
"Grandpa, gusto din naming manatili para sa hapunan.
"Grandpa, pakiusap huwag mo akong hindi pinapansin.
"Grandpa, namimiss na talaga kita at hindi ko na matagalan na malayo pa sa iyo."
Napakabihira para kay Tong Yan na magmakaawa.
Tumingin sa kanya si Elder Shen at napabuntung-hininga ito. "Kung gayon ay manatili ka kung gusto mo. Ying Ying, manatili ka na din para sa hapunan. Oo nga pala, kumusta na ang mga magulang mo at kailan ka pa dumating sa Hwa Xia?"
Naupo si Chui Ying at sumagot ng may ngiti, "Grandfather Shen, kahapon ako dumating. Ang mga magulang ko po at grandparents ay mabuti, ang totoo nga po niyan, ipinapakumusta ka nga po nila sa akin. Kumusta naman po si Auntie Yu, ano naman po ang lagay niya?"
"Mabuti naman siya, lahat kami. Tandaan mong iparating ang mga pagbati ko sa mga magulang at grandparent mo din."
"Mabuti naman po. Ang totoo nga niyan, narinig namin ang nangyari sa inyong pamilya nito; ang mga grandparents ko ay nalungkot nang mabalitaan ito. Alam ninyong kami ni Little Yan ay magkaibigan na mula pagkabata, kaya hindi ko maiwasan na maawa sa kanya. Grandfather Shen, si Little Yan ay isa ding inosenteng biktima sa lahat ng ito at hindi talaga niya magawang ilayo ang sarili sa inyo." Nagbigay ng magagandang salita si Chui Ying para kay Tong Yan. Alam niyang magagawa niyang mabago ang opinyon ni Elder Shen.
Dahil malinaw ang isipan ni Elder Shen para malaman na hindi niya dapat ibunton ang kasalanan ng naunang henerasyon kay Tong Yan. Isa pa, lumaki sa kanyang paningin si Tong Yan, kaya naman kinikilingan siya nito. Kapag nagawa nilang mapalambot ang pakitungo ni Elder Shen kay Tong Yan, ay maipapagpatuloy ni Tong Yan ang pagiging isang Shen.
Nangahas si Chui Ying na sabihin ito dahil sa napansin niya ang paraan ng pagtrato ni Elder Shen kay Tong Yan. Masyado pa ding malambot ang puso nito tungo sa apong pinalaki niya.
Tulad ng inaasahan niya, napabuntung-hininga si Elder Shen. "Wala sa amin ang sinisisi siya pero maraming bagay na hindi mo naiintindihan ang nangyari. Huwag na nating pag-usapan ang mga nakakalungkot na bagay na iyon. Ang totoo, napahanga nga ako na nanatili kayong magkaibigan ng maraming taon."
"Siyempre, dahil kinilala ko na siya bilang kaibigan ko, ay magiging kaibigan ko siya ng habambuhay," buong pagmamalaking sambit ni Chui Ying.
Nakuha ni Tong Yan ang hudyat at itinaas ang kanyang kamay para sabihin na, "Grandpa, ako din! Kinikilala kita bilang lolo ko at palagi ka pa ding magiging lolo ko! Ang Shen family ay palaging magiging kapamilya ko; isa akong Shen hanggang may hininga pa ako!"
Natigilan si Elder Shen na tila ba natimo siya ng sinabi ni Tong Yan. Nakita ni Chui Ying ang tugon na ito at mabilis na binigyan ng hudyat si Tong Yan.
Naintindihan ito ni Tong Yan at mabilis na lumapit para yakapin ang braso ni Elder Shen at nagsimulang umiyak. "Grandpa, alam kong matigas ang aking ulo, pero nangangako ako sa iyo na magbabago na simula ngayon! Pwede bang huwag mo po akong ipagtabuyan palabas? Ayokong mawala ang kahit sino sa inyo. Gusto kitang maging lolo ko ng habambuhay!"
"Grandfather Shen, bakit hindi mo ampunin pabalik si Little Yan, natutunan na talaga niya ang kanyang leksiyon at hindi niya gustong mawalay sa kahit sino sa inyo. Si Little Yan ang inyong nag-iisang apo, kahit na hindi kayo magkadugo, lumaki siya sa inyo. Sigurado akong hindi mo siya gugustuhing itatwa dahil lamang sa kamaliang hindi naman niya ginawa, tama?" Patuloy ni Chui Ying.
Halatang natimo naman si Elder Shen. Tama si Chui Ying; nami-miss na din ni Elder Shen si Tong Yan. Dahil sa ito lamang ang kanyang apo, ang nag-iisang pinagbuhusan niya ng lahat ng kanyang pagmamahal.
Ang totoo, wala sa puso niya na itatwa din si Shen Ru.
Gayunpaman, ang patuloy na makasama ang mga ito ay nagpapaalala lamang kay Elder Shen ng lahat ng ginawa ng Lin family. Kaya naman, sa ngayon, hindi niya magagawang tanggapin sina Shen Ru at Tong Yan ng bukal sa kanyang kalooban.