Wala sinuman ang makakaligtas sa karma. Kahit ang makapangyarihang pamilya tulad ng Lin family ay bumagsak ng isang magdamagan. Ang pagsaksi sa katapusang ito ng Lin family, ang iba pa ay hindi makarelax pero mas naging alerto at mapagsuri sa sarili.
Natuto na silang maging maingat sa kanilang mga kilos kung hindi ay maaari silang matulad sa Lin family!
Ngayong naayos na nila ang Lin family, ang panganib sa Xi family ay tapos na sa wakas.
Nagpapasalamat sa kanilang pagtulong si Madam Presidente. "Kung hindi dahil sa inyong kontribusyon, ang mga krimen ng Lin family ay hindi agad maibubunyag. Kung ang plano nila ay nahayaang mangyari, ang bansang ito ay manganganib sa kanilang pamumuno."
Tama nga naman, kung ang Lin family ang nanalo sa pagkapresidente, ang Hwa Xia ay siguradong magiging isang bansa na impyerno. Dahil pinayagan ng Lin family si Lin Xuan na pamunuan ang IV Syndicate, nangangahulugan nito na wala silang moral guidelines kapag kita na ang pinag-uusapan.
Napabuntung-hininga si Elder Xi. "Ang totoo, hindi namin inaasahan na si Lin Xuan ang magiging pinuno ng IV Syndicate. Wala talagang umaasa na siya ay direktang may kaugnayan sa IV Syndicate."
"Marami pa siguro doon ang hindi pa nabubunyag sa ngayon. Susubukan kong mabunyag ang mga iyon gamit ang mga tao ko," determinadong sambit ni Madam Presidente.
Tumango si Elder Xi. "Kung ganoon, iiwan na namin ang iba kay Madam Presidente dahil tapos na ang aming misyon. Kung kailangan ninyo ang tulong ng Xi family sa hinaharap, huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa amin."
"Salamat."
"Kung gayon, aalis na kami," diplomatikong sabi ni Elder Xi. Naiintindihan na niyang ito na ang oras para ayusin ng mga ito ang bagay sa kanilang pamilya. Naiintindihan na nina Shen Ru at Tong Yan na ito na ang pagkakataon nila…
Ang sunud-sunod na pangyayari ay nagpabigla sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ay pakiramdam nila ay nananaginip sila. Kung anupaman, umaasa sila na isa lamang itong panaginip, pero imposible ito.
Lumabas na ang Xi family mula sa silid at naiwan na lamang doon sa loob ang Shen family, Tong family, at ang babaeng dinala doon ni Xinghe, na si Xie Xiaoxi, sa silid.
Tumingin si Elder Shen kay Shen Ru at Tong Yan ng may nasasaktang hitsura. Malungkot nitong ipinahayag na, "Wala nang kailangan pang sabihin sa inyo ngayon at sisiguraduhin ko na walang masamang mangyayari sa inyong dalawa! Para masigurado ang katotohanan ng sitwasyon, uulitin natin ang DNA test na ito! Pag-uusapan natin kung paano ang susunod na hakbangin kapag lumabas na ang katotohanan."
Isang mapagpasalamat na pakiramdam ang bumangon kay Tong Yan. Marahil ay peke ang DNA test ni Lu Qi, at ang kanyang ina ay talagang anak na babae ng Shen family. Kung iyon ang kaso, mananatili pa din siyang apo ng Shen at ang pamangkin ng Madam Presidente!
Hindi magbabago ang kanyang katauhan, at siya pa din ang pinakamakapangyarihang eredera sa Hwa Xia. Nagsimula nang ngumiti ulit si Tong Yan; ang kanyang puso ay napupuno ng pagkasabik at antisipasyon.
Gayunpaman, nang makita niya kung paano kausapin ni Elder SHen si Xie Xiaoxi, nakaramdam siya ng depresyon at lungkot.
"Child, susunod ka sa amin pauwi at susunduin na natin ang iyong ina. Ngayong ang madidilim na sikreto ng Lin family ay nabunyag na, ang araw ng paghihirap ninyong mag-ina ay tapos na," nakatingin si Elder Shen kay Xiaoxi at madamdamin itong sinabi.
Kahit na hindi pa kumpirmado na magkadugo sila, matapos na marinig ang kwento ng buhay ng mga ito, hindi maiwasan ni Elder Shen na maging mabait sa kanila. Siyempre, kung si Lin Shuang ay talagang ang anak niya, gagawin niya ang lahat ng nasa kanyang kapangyarihan para humingi ng tawad sa lahat ng hirap na dinanas ng mga ito dahil sa kapabayaan niya.
Namula ang mga mata ni Xiaoxi dahil sa ngayon lamang naramdamang kabutihan sa tanang buhay niya. Tumango siya at nauutal na sinabi, "Salamat. Umaasa din ako na sana nga ay magkapamilya tayo!"