webnovel

Ligtas na sa Wakas

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang naluluhang mga mata ni Xinghe ay nakapako sa kanya. Si Mubai din, ay nakatitig ng husto sa kanyang mga mata. Tulad ng isang magkapareha na nagkahiwalay ng libong taon, sinuri nila ang bawat pulgada ng mukha ng bawat isa, hindi pumapayag na mag-aksaya ng sandali kahit na sa pagkurap man lamang. Natatakot sila na ang bawat isa ay maglaho sa hangin kung sila ay kukurap.

Sinubukang tumayo ni Xinghe, nais na makita pa ito ng mas malapitan. Ngunit sa sumunod na segundo, ay napunta na siya sa mga braso ni Mubai; mahigpit siyang niyayakap nito!

Hinigpitan pa ni Mubai ang kanyang pagkakayakap, na tila ba hinihiling na magsanib ang kanilang mga katawan. Hindi man sadya, niyakap din siya ni Xinghe…

Nanatili sila sa ganoong posisyon ng tahimik ng ilang sandali. Hindi na kailangan pa ng salita habang tinitingnan nila ang presensiya ng bawat isa. Sa wakas, ang kanilang mga puso na mabibilis ang tibok ay nagsimula nang kumalma.

Mula noong pagsabgo, isang natatagong kaba ang umusbong sa puso ni Xinghe; natatakot siya na may masamang mangyayari na hindi inaasahan dito. Ganoon din ang kaparehong naramdaman sa kanya nito nang malaman nito ang sitwasyon ni Xinghe.

Sa wakas, matapos na masiguro na ligtas ang bawat isa, ay mayroong sabay-sabay na napabuntung-hininga sa ginhawa.

Hindi mapigilan ni Xinghe na hindi ngumiti. Nagtanong siya, "Kailan ka pa gumising?"

"Ngayon."

Bahagyang nanginig ang mga mata ni Xinghe. Gumising ito nang araw na iyon at ang unang bagay na ginawa nito ay magmadali na iligtas siya. Paano nito nagawa ang isang bagay na ganito?

Nagsimula nang mag-alala si Xinghe na baka masyado nang napapagod ang kagagaling na katawan lamang nito. Mabilis niya itong itinulak patabi at sinabi, "Ayos lamang ako; umalis na tayo dito."

"Okay!" Mahigpit na hinawakan ni Mubai at iginiya siya palabas. Ang basement ay hindi isang maayos na lugar kung saan maaaring mag-usap. Isa pa, gusto niyang dalhin si Xinghe sa ospital para masuri; natatakot siya na baka nagtamo ito ng mga pinsala.

Umalis si Xinghe sa basement ng may gabay ni Mubai at doon lamang niya nakita ang nagibang pader. So, talagang intensiyon ng salarin ay ang gutumin siya hanggang sa mamatay. Gayunpaman, pumalpak ang kanyang plano!

Siyempre ito na ang oras para gumanti. Kumislap ang masidhing determinasyon sa kanyang mga mata, at sa sandaling nakita niya si Madam Presidente, ang pangalan ng salarin ay lumitaw sa kanyang isipan.

Lumapit sa kanila si Madam Presidente at nag-aalalang nagtanong, "Xinghe, okay ka lang ba?"

Dahil personal na nandoon si Madam Presidente, kung ganoon ang salarin ay walang iba kundi si Tong Yan.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Ayos lang ako. Madam, sino ang taong gustong pumatay sa akin?"

Ginamit niya ang terminong 'pumatay' para igiit ang kanyang punto.

Napabuntung-hininga ang Madam Presidente. Kahit na may intensiyon siyang salagan si Tong Yan, hindi na ito posible. Sino ang maniniwala na walang intensiyon ang dalaga na patayin si Xinghe?

Kahit ang entrada papunta sa basement ay selyado sa likod ng makapal na pader. Kung hindi ito tangkang pagpatay, ano naman ito?

Sumiklab ang galit kay Madam Presidente nang inisip niya ang ginawa ni Tong Yan, pero sa bandang huli, ito ay ang kanyang pamangkin; hindi niya gugustuhin na habambuhay itong makulong…

"Si Tong Yan iyon. Gayunpaman, nagtataka ako, bakit naman gugustuhin akong patayin ni Miss Tong?" Kalmadong tanong ni Xinghe, nang walang bakas ng anumang nahahalatang emosyon. "Wala akong alitan sa kanya at hindi naman siya mukhang malisyosong tao. Hindi ko maintindihan, bakit ba kinasusuklaman niya ako ng husto?"

Nagulat ang Madam Presidente. Tama si Xinghe; kahit na ba gusto siyang turuan ng leksiyon ni Tong Yan, walang dahilan para gawin nito na pagtangkaan ang buhay nito...

Chapitre suivant