webnovel

Matagumpay na Unang Hakbang

Éditeur: LiberReverieGroup

Lubos ang kontrol sa buhay nila ang Xi Empire. Kung gusto niyang makaligtas ang Bao Hwa, kailangan niyang makiusap sa Xi Empire na maawa pero imposible iyon!

Hindi niya gustong mawala ang kumpanyang itinayo din niya, dahil kung wala ang Bao Hwa, wala na din siya…

Hindi, hindi niya mapapayagang mawala sa kanya ang lahat. Maaaring may paraan pa para maisalba ang mga ito.

"Xia Xinghe, maghintay ka lang!" Tumalikod na si Lin Jing para umalis, wala nang punto pa para magsayang ng oras na makipagtalo, kailangan niyang agad na makaisip ng paraan. Ang Lin family ko ay makapangyarihan, maaaring may paraan sa amin na mapabagsak si Xia Xinghe.

Tinawag ni Xinghe si Lin Jing habang nagmamadali ito patungo sa pintuan, "Lin Jing, tandaan mo ang paalala ko dahil hindi ako magpapakita ng kabutihan sa mga taong gumawa ng mali sa akin."

Mahigpit na ikinuyom ni Lin Jing ang kanyang mga kamao, pinipilit na kontrolin ang kanyang sarili na bumalik para sakalin si Xinghe. Pinakalma niya ang sarili sa pagsasabi sa sarili na hindi magtatagal ay makukuha din ni Xinghe ang kanyang parusa. Pagbabayaran ni Xinghe ang pagtrato sa kanya ng ganito.

Walang pakialam si Xinghe sa pagkamuhi ni Lin Jing sa kanya dahil ang pagkasuklam niya tungo sa kanila ay mas higit pa, sisiguraduhin niya na magbabayad ang buong Lin family.

Gayunpaman, ang paghihiganti laban sa isang makapangyarihang katunggali ay hindi maaaring madaliin, at ang unang hakbang ay naging matagumpay, kaya naman hindi na mabubuhay pa ng matagal ang Lin family. Madilim na sumimangot sa likuran ni Lin Jing si Xinghe, ang mga araw ng Lin family ay bilang na.

Matapos umalis ni Lin Jing, ang showcase ay nawalan na ng dahilan. Ang mga mag-aalahas ay nag-alisan na isa-isa; kailangan nilang gumawa ng pahayag na wala silang kinalaman pa sa Bao Hwa. Hindi nila inisip na nagbibiro sa kanyang babala si Xinghe. Kapag nagpatuloy sila sa pakikipagtulungan sa Bao Hwa, talagang hahabulin sila ng Xi Empire.

Nagbago na ang mga bagay, ang Xi Empire na ngayon ang masasabing pinuno, ang pumanig pa sa Bao Hwa ay magdadala lamang ng pagkawasak sa kanila.

Isa pa, hindi naman santo si Lin Jing. Hindi sila trinato nito ng maganda habang nasa ituktok ito at pinilit silang dilaan ang mga bota nito. Kaya naman tuwang-tuwa sila na pabagsak na ang Bao Hwa.

Ito na ang huli nilang pagkakataon na kuminang dahil mayroong aakyat para kuhanin ang lugar na binakante ng Bao Hwa. Habang tinitingnan kung paano nasampal ang mukha ni Lin JIng sa showcase, alam na ng lahat kung ano ang magiging kahihinatnan ng Bao Hwa sa hinaharap.

Alas, ito ay ang simula pa lamang para kay Xinghe.

"Sis, napakagaling noon! Ang Lin Jing ay galit na galit na akala ko ay lilipad na ang ulo niya. Isang salita: kahanga-hanga!" Binigyan pa siya ni Xia Zhi ng dalawang thumbs up at walang patid na pinuri siya.

Kahit si Ou Yang Qin ay hindi maiwasang hindi ngumiti. "Miss Xia, sa tingin ko ay hindi ito papalampasin ni Lin Jing. Ang Lin Family ay isang malakas na pwersa; kailangan mong mag-ingat."

Tumango si Xinghe. "Alam ko. Mr. Ou Yang, salamat sa tulong mo sa pagkakataong ito."

"Hindi na kailangan pa ng pasasalamat, magkakampi tayo, hindi ba?" Nakangiting sabi ni Ou Yang Qin, masaya na tama ang pinili niyang tao na kampihan.

Ang babaeng ito ay talagang kahanga-hanga.

Noong una nang hinanap siya ni Xinghe para maglabas ng isang pagtutulungan sa Ou Yang Family, gusto niya itong tanggihan. Kaunti ang tiwala niya sa Xi Empire kapag wala si Xi Mubai. Gayunpaman, nagawa siyang makumbinsi ni Xinghe gawa ng katalinuhan nito at ang pruweba ay ang komisyon ng diyamante ng Country Y. Sa bandang huli, pinili niyang makipagtulungan dito.

Chapitre suivant