Ang biglang pag-atake ng dokumento ay nagpadilim pa sa pagmumukha ni Lin Jing. Hindi niya tiningnan ang dokumento na lumapag sa kanyang paanan.
"Xia Xinghe, paano ka nangahas na gawin ito?!" Galit na sigaw ni Lin Jing kay Xinghe.
Ngumiti si Xinghe. "Bakit ngayon ay kilala mo na ako?"
Tama iyon, hindi ba't sinabi ni Lin Jing na hindi niya kilala kung sino ang hostess? Paanong biglang bumalik ang alaala niya ngayon? Mukhang sinasadya niyang pahirapan ang hostess kanina.
Ang impresyon ng mga tao kay Lin Jing ay lalo pang bumaba.
Galit na kumibot ang mukha ni Lin Jing. Kung kailan may sasabihin na siya, pinutol siya ni Xinghe, "Pinapayuhan kitang suriin ng maigi ang dokumento o baka magsisi ka."
"CEO Lin…" ang isa sa mga alalay niya ay pinulot ang dokumento at nagulat habang pinasadahan niya ng tingin ang dokumento. "Bilis, kailangan mo itong makita!"
Hindi gustong tingnan ito ni Lin Jing pero hindi sinasadyang napatingin siya dito, at nang gawin niya, nanigas ang kanyang mukha. Hinablot niya ang dokumento at tinitigan ang mga pahina ng hindi makapaniwala!
"Imposible ito—" nahihirapang sambit ni Lin Jing.
"Ano ba ito?"
Ang lahat ay nagkumpulan ng husto kay Lin Jing para magbigay ng mas malapit na tingin.
"Zhi, bigyan mo ang lahat ng tig-iisang kopya," mayuming utos ni Xinghe. Si Xia Zhi, na sabik na naghihintay sa likod ng entablado, ay kumilos para sumunod. Hiyaw ng hindi pagkapaniwala ang umalingawngaw sa buong bulwagan.
"Ang itinalagang bagong ahente ng Country Y?! Ang Xi Empire ang naging bagong ahente ng mga diyamanteng inaangkat mula sa Country Y?"
"Kailan pa ito nangyari? Bakit wala sa atin ang nakaalam tungkol dito?"
Ang lahat ay nagulat; paanong hindi nila nalaman ang ganito kalaking balita? Ang naunang ahente ay ibang tao, kailan pa ito naging Xi Empire?
Ito ang bagay na nagpagulat ng husto kay Lin Jing. Pinag-aralan niya ng malapitan ang dokumento at sinusubukang alamin ang katunayan nito. Kahit na gaano pa niya tingnan ito ng mariin, ang dokumento ay mukhang tunay. Ang Xi Empire ang naging bagong ahente ng diyamante, ito ang katotohanan.
Sa madaling salita, kakailanganing magmakaawa ng Bao Hwa sa Xi Empire para sa kanilang diyamante sa hinaharap kung hindi ay wala silang magagawang produkto!
Kung gusto nilang magbenta ng mga diyamanteng alahas sa hinaharap, kailangan nilang humingi sa Xi Empire ng mga hilaw na materyales.
Ang Country Y ay kilala sa kanilang mga diyamante, ang karamihan sa mga diyamante sa Hwa Xia ay mula sa kanila. Kaya naman, ang katotohanan na ang Xi Empire ang naging ahente nila ng diyamante ay malaki ang itinaas na antas nito.
At doon nalagay ang problema. Kung ang Xi Empire ang naging ahente, hindi ba't ibig sabihin nito ay kailangang mapalapit ng husto ang Bao Hwa sa Xi Empire para magpatuloy ang kanilang kumpanya?
Umalingawngaw muli ang maliwanag na boses ni Xinghe, "Sa nakikita ng lahat, ang aming Xi Empire ang naging pangunahing ahente para sa mga diyamanteng inangkat mula sa Country Y. Sa madaling salita, magkakaroon ng mga patuloy na pakikipagtulungan sa ating lahat sa hinaharap. Ang paghohost ng showcase na ito ay para ipahayag ang mabuting balita na ito, para magkakilala ang lahat, at para magkaroon ng magandang relasyon sa pagtutulungan sa hinaharap."
"Miss Xia, siya nga ba? Kailan pa ba ito nangyari?" Tanong ng isa sa pagkabigla.
Mahinang sumagot si Xinghe, "Hindi ganoon katagal, kalahating buwan pa lamang ang nakakaraan."
Ito ay noong isang buwan na ipinahayag ng Xi Empire na magsasagawa sila ng isang jewelry showcase. Marahil ay alam na nila na sila ang magiging pangunahing ahente.
Noong nakaraang buwan, ang Xi Empire at ang Bao Hwa ay nasa rurok ng kanilang kumpetisyon.
Sa panahong iyon, ang nagwagi ay ang Bao Hwa, at ang lahat ay inisip na pabagsak na ang Xi Empire at naniniwala sila na kakainin na ng Bao Hwa ang Xi Empire.
Sino ang makakapagsabi na ang Xi Empire pala ay naghahanda na para maging bagong ahente na taga-angkat ng diyamante…
Siguro ay tinatawanan nila ang kayabangan ng Bao Hwa na iniisip na tinalo na nila ang Xi Empire. Siguro ay sabik na silang maghintay na igawad ang pananampal sa pagkakataong ito.