Ang iba pang tao ay nagtataka na din. Ano ang kanyang susunod na hakbang?
Bumaling si Xinghe para harapin ang mga nagtatanong nilang tingin at inanunsiyo na, "Para pamunuan ang Xi Empire na pasukin ang industriya ng pag-aalahas."
"Ano?!" Ang buong silid ay nagitla. Seryoso ba siya? Isa tayong internet company!
Maaaring maraming produkto ang Xi Empire, pero ang kanilang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ay palaging mga computer at online na negosyo.
"Xinghe, ano ba talaga ang pinaplano mo?" Tanong ni Jiangsan na nakakunot ang noo.
Naguluhan si Xinghe, hindi ba't malinaw naman ang sinabi niya sa simula pa lamang? Natural na sumagot siya, "Para kainin ang Bao Hwa."
"Ang Bao Hwa ang kingpin sa negosyo ng pag-aalahas. Kung gusto mong makipagkumpetensiya sa kanila gamit ang ating sariling produkto na alahas, ito ay imposible," mapagpasensiya na paliwanag ni Jiangsan sa kanya. "Kahit na may sariling jewelry brand ang ating Xi Empire, maliit lamang ito. Halos hindi tayo matatawag na middle-tier na luxury item. Ang mga gawa natin kung ikukumpara sa Bao Hwa ay napakalayo ng distansiya."
"Alam ko." Tumango si Xinghe. "Kaya nga pagtutuunan ko ng pansin na pagandahin muna ang mga alahas ng Xi Empire. Tungkol dito ay may nagawa akong mungkahi. Ipapadala ko sa lahat ang dokumento ng mungkahi na ito mamaya, kaya kung maaari ay sundan ninyo ng maigi ang plano."
Mayroong sumubok na ibigay ang kanyang opinyon.
"Pero, Miss Xia…"
Tumayo si Xinghe at pinutol siya, "Alam ko ang ginagawa ko kung maipapaliwanag ko ito sa iyo ay gagawin ko, pero may mga tainga sa likuran ng mga pader na ito, kaya hindi ko maaaring ilahad ang kahit ano sa ngayon. Paumanhin, pero pakiusap ko ay habaan pa ninyo ang pasensiya ng kaunti pa."
Matapos noon, tumalikod na si Xinghe para umalis. Palagi siyang ganito, tahimik at walang pakialam na ipaliwanag ang kanyang sarili. Kahit na gustong makipagtulungan sa kanya ng mga manggagawa, wala pa din silang alam sa kung ano ang tunay niyang plano.
Ang misyon niya ay iligtas ang Xi Empire, pero mukhang tutok din siya sa pagkain sa Bao Hwa. Hindi ba't mas naging kumplikado ang mga bagay?
Hindi mapigilan ni Haoran ang kanyang sarili at hinabol siya at sinukol siya sa pasilyo.
"Miss Xia, mayroon akong ilang bagay na gustong sabihin. Seryoso ka ba talaga na sagipin ang Xi Empire dahil hindi mo pa kami binibigyan ng taktikang magagamit? Ang lahat ng iyong plano ay nakatuon sa pagkain sa Bao Hwa. Sige, isa iyon sa mga paraan na maisasalba ang Xi Empire, pero magdadagdag lamang ito ng panibagong problema dahil hindi ganoon kadaling kainin ang Bao Hwa. Sa isang banda, ang tangi mong nagawa ay gumawa na naman ng panibagong problema para sa Xi Empire habang ang kumpanya ay hinaharap na nito ang problema niya. Hindi mo ba nakikita na nagdadagdag ka na lamang ng mas maraming isyu?"
Ang mga sama ng loob na kinimkim ni Haoran sa panahong ito ay lumabas sa kanya. Gayunpaman, hindi natinag si Xinghe. Tahimik siyang tumayo para makinig dito.
Matapos niyang makita na tapos na ito, nagtanong siya, "May iba ka pa bang gustong sabihin sa akin?"
Laban sa hindi natitinag na ugali nito, pakiramdam ni Haoran ay sumuntok siya sa bulak; wala itong katuturan.
"May isang tanong lamang ako para sa iyo, buo ba ang tiwala mong masasalba mo ang Xi Empire?!"
"Tiwala ako," sagot ni Xinghe nang buong kumpiyansa.
Nagulat si Haoran dito, ang akala niya ay isasawalang-bahala lamang siya. Ang malinaw na pares ng mga mata ni Xinghe ay tinitigan siya at inuli, "Tiwala ako, sapat na ba iyon?"
"Kung ganoon ay ano ang plano mo?"
"Ang kainin ang Bao Hwa."
"Ikaw…" napabuntung-hininga sa pagsuko si Haoran. "Imposible iyon!"
Biglang nanalim ang mga mata ni Xinghe. "Walang imposible, at ang Bao Hwa ay ang simula lamang!"
Matapos noon ay kalmado itong naglakad palayo.