webnovel

Babaeng Walang Hiya

Éditeur: LiberReverieGroup

Agad na nagbago ang mukha ni Philip at ang mga salita niya ay halos pinipiga palabas ng kanyang mga ngipin. "Ang video ay online din?!"

Nag-aalab ang kanyang mga mata dahil sa kagustuhang pumatay!

Naramdaman ng babae ang pagbabago sa kanya at bahagyang ngumiti. "Tama iyon, nakalagay din iyon online. Siguro ay nakita na ito ng buong bansa. Pero huwag kang mag-alala, hindi nila kilala ng personal si Kelly kaya naman hindi nila malalaman na asawa mo iyon."

Inilabas ni Philip ang kanyang baril, itinutok ito sa babae at nagtanong, "Ano ang ibig mong sabihin dito? Hindi ba't binalaan ko na kayo na huwag gagawa ng kahit ano kung hindi ay dudurugin ko ang inyong organisasyon?"

Hindi natinag ang babae. Gumanti din ito ng titig at sinabi, "Wala kaming ginawang kahit ano, gumawa lang kami ng video. Gayunpaman, hindi namin maipapangako kung ano ang susunod na mangyayari kapag tumanggi ka pa ding makipagtulungan. Philip, bakit ba napatigas ng ulo mo para lang sa isang babaeng tulad ni Kelly? Hindi siya karapat-dapat na manatili sa tabi mo; tanging ako lang ang nararapat. Kung makikipagtulungan ka sa akin, ang buong bansa na ito ay magiging atin. Pero maaaring mawala sa iyo ang lahat dahil kay Kelly; tanungin mo ang sarili mo, talaga bang sulit ang lahat ng ito?"

Ngumisi si Philip habang ang mga mata nito ay napuno ng paghahamak at pagkamuhi.

"Aliyah, ginagawa ko ito hindi lamang dahil kay Kelly kundi para na din sa mga magulang ko!"

"Isa lamang iyong aksidente; palaging magkakaroon ng mga kamatayan kapag naglaban ang dalawang malalaking pwersa. Hindi mo dapat sisihin ang organisasyon kundi dapat ang mga magulang mo sa pagharang nila sa landas," natural na sagot ni Aliyah na tila ba siya ang palaging tama.

Ang tingin na ipinupukol ni Philip ay lalong tumitindi ang pandidiri. "Narito ka lamang ba para sabihin sa akin ang lahat ng ito?"

Bahagyang ngumiti si Aliyah. "Syempre hindi, narito ako bilang kinatawan ng IV Syndicate na payuhan kang makipagtulungan sa kanila kung nagpaplano kang sumali sa darating na eleksiyon. Kung hindi ka makikipagtulungan, hindi ko masisiguro ang mangyayari kay Kelly pero sigurado naman akong mahuhulaan mo ang mangyayari. Kaya naman, pinapayuhan kita na makipagtulungan ka sa kanila."

Hindi maiwasan ni Philip na hindi tumawa sa kalokohan ng lahat ng ito. Pinatay nila ang mga magulang niya ng walang awa at dinukot ang kanyang asawa, kaya paano siya makikipagtulungan sa mga ito?

Hindi niya ito magagawa kahit na ano pa ang mangyari. Pero kung hindi niya gagawin, ano ang mangyayari kay Kelly?

Ang isipin ito ay nagpataas na naman ng kagustuhan niyang pumatay. Tiningnan siya ni Aliyah at magiliw na sinabi, "Philip, bakit hindi ka muling makipagtulungan sa kanila? Tingnan mo ako, walang nawawala sa akin, tanging mga kalamangan lamang ang nakukuha ko. Makipagtulungan ka sa kanila at maaari mo pang mailigtas si Kelly. Siyempre, bakit mo nga naman gagawin iyon? Hindi siya ang nararapat na kapareha mo sa simula palamang at ngayon ay isang video niya ang lumabas. Hindi na siya karapat-dapat pang maging asawa mo." Humakbang palapit si Aliyah kay Philip at idinaiti ang katawan niya rito. "Philip, bakit ba kailangan mo pang piliin ang mahirap na daan? Sumama ka sa akin at makukuha nating dalawa ang buong mundo ng magkasama, hindi ba't ito ang mas mainam na pagpipilian?"

Ang buong silid ay nanigas ng sabihin ito ng babaeng iyon. Gaano ba kawalang-hiya ang babaeng ito para imungkahi ang isang bagay na ito sa harap nila kay Philip?

Ang opinyon ni Sam at ng iba pa sa babaeng ito ay nahulog hanggang sa pinakaibaba kaya naman mas masahol pa siguro kay Philip na siyang direktang kasali dito.

"Aliyah, makinig ka sa akin." Tinitigan siya ni Philip at nagdeklara, "Kahit na piliin kong makipagtulungan sa kanila, hindi ako makikisama sa iyo dahil ang halaga mo ay wala pa sa kalingkingan ng hinliliit ni Kelly!"

"Ikaw…" ang hitsura ni Aliyah ay nalukot sa sobrang galit at selos. "Kahit na ginamit na si Kelly ng maraming lalaki, gugustuhin mo pa ding makasama siya?!"

Chapitre suivant