"So, ano ngayon kung totoo ito? Kung ngayon ang katapusan natin, hayaan na nating mangyari!" Sagot ni Sam ng may malamig na ngisi. Si Ali at ang iba pa ay handa nang umatake sa kahit anong sandali. Sa oras na ito, kailangang sila ang magkusang umatake.
Tumawa si Philip. "Napahanga ninyo ako sa pagmamahal ninyo sa isa't isa, pero ikaw babae, gusto mo ba talaga silang mamatay ng dahil sa iyo?"
Ang mga salita niya ay nakadirekta kay Xinghe.
"Isinusumpa mo ba na papalayain mo sila kapag sumuko ako?" Biglang tanong ni Xinghe. Nagulat si Philip sa kalmadong pagsagot ng babae. Ang mga mata ni Mubai ay bayolenteng nanginig. Sigurado na siya na si Xinghe iyon…
Sa sandaling ito ay si Mubai ang sumagot sa kanya, "Tama iyon, kung masunurin kang susunod sa amin, palalayain namin sila ng ligtas."
Nahihirapan na si Xinghe na pigilan ang ngiti na nagbabantang lumitaw sa kanyang mukha. Agad niyang tinanggap ang alok, "Deal!"
Kumurba din ang mga labi ni Mubai para ngumiti. Nagiging interesado na din siya sa pagkukunwaring ito. "Kung gayon, bakit nagtatago ka pa din sa likod ng bato?!"
Handa nang lumabas si Xinghe.
"Xinghe, ano ang ginagawa mo?!" Mabilis na hinila siya pabalik ni Ali. Nagulat silang lahat dahil handa talaga siyang isakripisyo ang kanyang sarili para sa kanila.
"Manatili ka dito!" Hinawakan ni Sam ang kanyang braso at taimtim na sinabi, "HIndi ba't sinabi namin na wala kaming iiwan na kasama? Ano ba ang iniisip mo?"
"Sa ganitong paraan lahat kayo ay maliligtas," magaang sagot ni Xinghe. Ang kanyang pagbibiro ay hindi pinansin ng mga ito.
"Maililigtas namin ang mga sarili namin! Pero manatili ka dito at huwag kang pupunta sa kung saan. Kung mangangahas kang isakripisyo ang sarili mo para iligtas kami, hindi kita mapapatawad kahit na matapos akong mamatay!" Seryosong babala sa kanya ni Sam.
Galit na tumango din si Ali. "Tama iyon, hindi ka namin mapapayagang gawin ito!"
"Xinghe, baka may iba pang paraan," alo sa kanya ni Cairn. Kahit si Charlie at Wolf ay hindi pumapayag sa kanyang kagustuhan na isakripisyo ang kanyang sarili.
Tiningnan silang lahat ni Xinghe at sinabi, "Pero ito lamang ang tanging paraan para mabuhay tayo."
"Masyado kang simple! Hindi nila tayo papalayain, nagsisinungaling sila sa iyo," sermon sa kanya ni Ali.
Umiling si Xinghe at siguradong sinambit, "Hindi sila nagsisinungaling. Totoo ito sa oras na ito. Lahat kayo ay magiging ligtas kung isusuko ko ang sarili ko."
"Kahit na totoo ito, hindi ako makakapayag na gawin ito. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa hayaan kang gawin iyon!" Determinadong sinabi ni Sam. Ang lahat ay tumango bilang pagsang-ayon.
Nagulat si Xinghe at nagtanong siya, "Ang lahat sa inyo ay mas gugustuhing mamatay kaysa isakripisyo ko ang sarili ko?"
"Tama iyon!" Sabay-sabay na sagot ng lahat. Nagsimulang lumuha ang mga mata ni Xinghe, talagang natimo ang puso niya. Isang bagay na ang tratuhin siya bilang kasama nila pero mas naantig siya na pinahahalagahan siya ng husto ng mga ito.
Binigyan sila ni Xinghe ng isang bihirang ngiti at sinabi, "Salamat sa inyo, wala akong pinagsisisihan. Mula sa ngayon, lahat kayo ay mga kaibigan ko, mga kasama ko, hanggang sa araw na mamatay ako pero kailangan ko nang umalis ngayon dahil…"
"Tama na!" Putol sa kanya ni Sam at malakas na sumigaw kay Philip, "F*cker, ang babaeng gusto ninyo ay akin na, babae ko na siya ngayon kaya hindi namin siya isusuko sa mga kagustuhan ninyo! Kung nangangahas kayong kaharapin kami hindi kami natatakot na makipaglaban hanggang kamatayan sa inyo!"