Sinalubong ng kanyang tingin ang titig ni Saohuang. Ang mga mata ni Saohuang ay dumilim, naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Xinghe. Kung natalo ng lubusan si Sun Yu, siya din ay tuluyan ng natalo!
Mabagal na tumayo si Xinghe at sinabi, "Well, kuntento na ba kayo ngayon?"
"Hindi ako naniniwala…" nagmamadaling tumingin si Sun Yu para tingnan ang computer ni Xinghe. Hindi siya makapaniwala na angawa niya ito talaga, kaya paanong posible niya itong natapos?
Tulad ng inaasahan, nang makita niya ang software ni Xinghe, tumawa siya sa labis na kagalakan. "Hindi mo ito nakumpleto. Xia Xinghe, hindi ka nanalo!"
Tumawa siya, tinuturo si Xinghe. "Huwag mong isiping makakapagsinungaling ka sa akin, sinungaling ka, hindi ka nanalo!"
Kung naramdaman niyang napunta siya sa kailaliman ng impiyerno kanina, ngayon ay nakalutang siya sa alapaap ng langit. Sa anumang kaso, maganda ang pakiramdam na magkaroon ng ebidensiya ng pandaraya laban kay Xinghe.
Hindi natinag si Xinghe. Nag-uusisang nakatitig sa kanya si Xinghe na tila nakatingin ito sa isang hangal. "May patakaran ba na nagsasabing hindi ako maaaring gumamit ng software?"
Natigilan si Sun Yu pero agad na nangatwiran ito, "Maaaring walang malinaw na patakaran pero isa itong karaniwang kaalaman na ang mga software ay hindi pwedeng gamitin. Kung hindi, gagamit din ako ng isa rin, tama?"
"Walang pumipigil sa iyo."
"Kahit na, pandaraya ito, ang buong kumpetensiya na ito ay may daya! Xia Xinghe, umasa ka sa isang external program para tulungan ka, at minamaliit nito ang bisa ng kumpetensiya na ito!" Pinangatawanan ni Sun Yu ang katwirang ito, kahit na ano ang mangyari, hindi niya maaaring manalo si Xinghe.
Biglang tumawa si Xinghe. "Sa unang pagsubok pinagdudahan mo na may insider job at sa pagkakataong ito, bigla mong pinagdesisyunan na hindi kami pupwedeng gumamit ng external program. Kung ganito na wala ka sa katwiran, sana ay pinangalanan mo na ang sarili mo na panalo kanina pa."
"Wala akong pakialam, isa itong katotohanan na kumuha ka ng tulong mula sa isang external program. Ang pagkapanalo mo ay walang bisa," pagtatapos ni Sun Yu. Ang mga tauhan niya ay sumusuporta din sa kanya.
"Tama iyon, ang pagkapanalo sa pamamamagitan ng external support ay hindi patas!"
"Ang inakala namin ay napakahusay mo, pero nandaraya ka pala kanina pa."
"Sa pagkakataong ito at sa nauna pa ay hindi bibilangin dahil diskwalipikado ka na sa pandaraya at pagsisinungaling."
"Ginamit ko ang sarili kong dalawang kamay para gawin ang software na ito, kaya paano ito mabibilang na external support?" Biglang tanong ni Xinghe. Lahat ay natigilan.
Si Gu Li na nakita ang lahat ay matagumpay na idinagdag, "Tama iyon, isinulat ni Miss Xia ang program software na ito sa gitna ng paligsahan, kaya paano magiging posible na idiskwalipika siya? Sisihin ninyo ang sarili ninyong tauhan dahil hindi nila ito naisip."
Si Yan Lu, matapos na malaman ang sitwasyon, ay dumagdag din matapos tumawa, "Ngayon, ano pa ba ang sasabihin ninyong mga tanga? Si Miss Xia namin ay ginamit ang sarili niyang abilidad sa paggawa ng software habang nagpapaligsahan. Ang tauhan ninyo ay masyadong tanga para maisip na pwede din niyang gawin ito. Sipain na ninyo siya paalis dahil ang military ay hindi kailangan ang isang taong hindi alam gamitin ang utak niya!"
"May utak at kakayahan si Xinghe, ang pagkapanalo niya ay patas, sino pa ang nangangahas na tumututol?!" Maawtoridad na tanong ni Munan. Natahimik ang madla.
May gusto pa sanang sabihin si Sun Yu pero tinakot siya ni Saohuang, "Tama na, o sa tingin mo ay hindi ka pa din napapahiya ng lubusan?! Ang katotohanan ay natalo na tayo at kailangan na nating tanggapin ng may dignidad ang ating pagkatalo!"
Kuyom ang kanyang mga kamao, maasim na inamin ni Sun Yu na, "Sige, sa oras na ito ay natalo ako sa isang teknikalidad!"
Hindi na napigil pa ang mga salitang lumabas sa bibig ni Yan Lu. "Ano ang ibig mong sabihin na 'sa isang teknikalidad'? Natalo ka na ng lubusan! Kung alam lang namin na mahirap para sa iyo na tanggapin ang pagkatalo, hindi na sana namin pinayagan pa si Miss Xia na tanggapin ang walang kwenta mong pakikipagpaligsahan. Ang madawit kasama ka ay nagpapababa lamang sa pangalan ng aming Miss Xia!"