webnovel

Ayain Siyang Lumabas

Éditeur: LiberReverieGroup

"Sister Mei, sa tingin mo ay talagang may kakayanan siya?" Isang binata ang nagtanong sa babae sa kanyang tabi. Si SHu Mei ang pinakamahusay sa iilang babae na nagtatrabaho doon. Maraming lalaki doon ang hindi makapaghintay na mapalapit sa kanya. Dahil dito ay lumaki ang tiwala nito sa sarili. Kaya naman, ang biglaang pagdating ni Xinghe ay nagpainis ng husto sa kanya.

Walang sigla na sumagot si Shu Mei, "Sino ang makakapagsabi, pero nagawa niyang maging second-in-command sa araw na dumating siya, pusta ko na ang ganda at koneksiyon ang may dahilan noon."

"Ganoon din ang tingin ko, pero ang ating pinuno ay hindi gumagawa ng mga ganoong bagay."

"Hindi ba't sinabi niya na ang babaeng ito ay panauhin ni Major Xi?"

"Pero si Major Xi ay hindi ang klase ng tao na babaliin ang mga patakaran dahil sa koneksiyon din ng kung sino lamang."

"Nagawa ni Major Xi na maging Major sa kanyang murang edad. Pag-isipan mong maigi, maliban sa kanyang kakayahan, ano pa bang ibang dahilan ang maaaring nandoon?" Bulong ni Shu Mei ng may kahulugan.

Nagbigay ng kakaibang ekspresyon ang lalaki at bumalik na sa trabaho. Ang pahiwatig ng mga salita ni Shu Mei ay halata naman. Ang dahilan kung bakit naging Major si Munan at ang pagkakataon na mamuno sa Flying Dragon Unit ay hindi lamang dahil sa abilidad nito. Nakasalalay din ito sa katauhan ng kanyang pamilya.

Kaya naman, ang Xia Xinghe na ito ay may mabigat na pangalan ang pamilya na tumutulong din dito…

Ang mga pagdududa tulad nito ay hindi maiiwasan, dahil ang mga taong ito ay nauunawaan na natalo sila buhat ng sila ay ipinanganak, at hindi nila maiwasan na hindi mainggit sa mga ipinanganak sa may magagandang pamilya….

Ang pagdating ni Xinghe sa kampo militar ay nagpagulo ng kaunti, kung kaya maski ang partido nina Saohuang ay natanggap ang balitang ito. Gayunpaman, nagawa lamang malaman ni Saohuang na si Munan ay nakakuha ng bagong computer scientist ngunit walang paraan na malaman kung sino ang taong ito. Dahil masyadong mataas ang depensa ng dalawang partido kaya naman ang mga pag-iingat ay mabuti ang pagkakalagay.

"Doon lamang nila nalaman ang lugar kung ano ang pagkukulang nila, pero mula ngayon na nakikita ko, kahit sino pa ang makuha nila, wala pa din itong kwebta," mayabang na sabi ni Sun Yu.

Ito ay dahil ang computer skill niya ay walang katulad; hindi niya naisip na isang karapat-dapat na karibal ay nabubuhay pa sa Earth. Isa pa, ang kanyang grupo ng mga technician ay mahuhusay na klase ng mga tao. Sila ay maituturing na pwersang mahirap harapin.

Malamig na sinabi ni Saohuang, "Nasa kritikal na panahon tayo ngayon, hindi natin dapat maliitin ang kahit anong impormasyon. Sino ang taong ito at gaano siya kahusay, kailangang malaman natin agad."

"Kailangan ba nating i-hack muli ang kanilang system?" Tanong ni Sun Yu.

Tinapunan siya ni Saohuang ng nakakalantang tingin at binalaan. "Ang isang beses ay sapat na para sa isang delikadong paraan! Wala ng pwedeng magsabi niyan kung wala ang utos ko!"

"Yes, sir!" Seryosong sagot ni Sun Yu, "Pero boss, magiging mas mahirap ito dahil maaaring hindi totoo ang balita. Si Xi Munan ay mataas ang depensa laban sa atin kung kaya maaaring isa lamang itong smokescreen."

Ngumisi si Saohuang. "Eh ano ngayon? Hindi imposibleng hindi mapapasok ang grupo niya, mayroong espiya doon na magagamit ko."

Nasorpresa si Sun Yu. "Sino?"

Natural, ito si Shu Mei!

Dati ay nagtrabaho si Shu Mei kasama si Saohuang. Humaling na humaling sa pagmamahal si Shu Mei para kay Saohuang, at hanggang ngayon ay hindi pa din ito nawawala. Ngunit, ang relasyong ito ay sa pagitan lamang nina Shu Mei at Saohuang. Kaya naman, magagamit niya ang lihim na relasyong ito para sa kanyang pakinabang ng hindi sila mabubuking.

Kumurba sa isang ngiti ang mga labi ni Saohuang habang inilalabas nito ang telepono para magpadala ng isang mensahe.

Katapusan ng linggo bukas, ano kaya at sabay tayong mananghalian ng magkasama?

Ang biglaang mensahe mula kay Saohuang ay halos magpahimatay kay Shu Mei sa sobrang kaligayahan!

Hindi niya inaasahan na aktibo siyang yayayain ni Saohuang na lumabas. Ito ay isang bagay na hindi niya maisip. Nagsimulang mamula ni Shu Mei at ang puso niya ay nagsimulang tumibok na tila isang batang babae na kakatagpuin ang kanyang nagugustuhan.

Hindi na siya makapaghintay pa na dumating ang bukas.

Chapitre suivant