Makikita ang hindi pagkapaniwala sa mukha ng lahat. Dahil totoo naman na napakabata pa ni Xinghe…
Mayroong stereotype na ang mga eksperto ay mga matatandang lalaki na narating ang kanilang kinalalagyan dahil sa taon ng karanasan sa kanilang likuran.
Humakbang palapit si Gu Li para magtanong, "Boss, hindi ka nagbibiro?"
Sumagot ng may seryosong hitsura si Munan, "Mukha ba akong nagbibiro?" Siguradong hindi siya nagbibiro, pero…
"Paano ba siya naging isang computer expert?" Hindi nasisiyahang reklamo ni Yan Lu, "Boss mukhang naloko ka ng ibang tao."
"Ano'ng kalokohan iyan!" Masungit na pinagalitan siya ni Munan, "Wala ba kayong tiwala sa akin?"
"Naniniwala kami, pero… masyado kasi itong hindi kapani-paniwala…" bumubulong na reklamo ni Yan Lu.
"Ipagpaumanhin mo Miss Xia, kung hindi mo mamasamain ang pagtatanong ko, saang unibersidad ka nagtapos?" Nagdesisyon si Gu Li na bigyan ng pagkakataon si Xinghe.
Kalmadong sumagot si Xinghe, "Dati akong estudyante ng Academy S pero nag-drop out ako."
Napahanga si Gu Li. "Magandang paaralan ang Academy S, hindi lahat ay nakakapasok, pero bakit kailangan mong mag-drop out?"
"Personal na problema." Ang sagot ni Xinghe ay may distansiya.
Inisip ni Gu Li na may ugali nga si Xinghe ng isang eksperto. "Kung gayon ay nag-major ka sa computer science?"
"Mathematics."
Hindi maiwasan ni Yan Lu na tumutol, "Isang drop out na nagmajor sa mathematics, paano na may kinalaman ito sa computer science? May kakayahan ba ang babaeng ito o wala? Kailangan natin ang pinakamahusay sa mga mahuhusay, hindi isang baguhan na ang tanging alam ay sumulat lamang ng mga pipitsuging programa!"
"Tama iyon, Boss. Sigurado kang magagawa niya ito?"
Ang pagdududa ay agad na kumalat sa silid. Alam ni Munan na hindi ito maiiwasan. Kung hindi niya lubusang kilala si Xinghe, magdududa din siya. Gayunpaman, dahil dumating siya sa rekomendasyon ng kanyang big brother, siguradong mahigit na mahusay siya. Naniniwala si Munan sa mata ni Mubai na makakuha ng mga talento. Gayunpaman, ibang istorya ito sa kanyang mga tauhan.
"Wala sa inyo ang naniniwala sa kanya? Kung ganoon, subukan natin siya! Gu Li, bigyan ninyo siya ng pagsusulit at subukan ninyo siya," direktang sinabi ni Munan.
Mabilis na pumayag si Gu Li. "Sige, ayos lamang sa akin na magkaroon ng kaalaman ng isa o dalawang bagay mula kay Miss Xia."
"Please," kalmado pa rin tulad ng dati si Xinghe, walang bahid ng pagkataranta o pagkainis ang makikita sa kanyang mukha.
Tumango na may pagsang-ayon si Gu Li, at least mukhang matalinong tao si Xinghe.
Si Gu Li ang computer expert sa lupon ni Munan. Kung nagsisinungaling si Xinghe o hindi, malalaman niya ito sa isang pagsubok. Ang lahat ay interesado ding malaman, nagtipon sila sa opisina, walang gustong umalis.
Nakipagpustahan pa si Yan Lu sa pangyayari, para malaman kung makakapasa si Xinghe sa pagsubok ni Gu Li.
Habang hinaharap ang pagdududa ng buong lupon, pinanatili ni Xinghe ang kanyang kahinahunan. Hindi na niya kailangang ipagtanggol ang sarili gamit ang mga salita dahil mas matimbang ang aksyon kaysa sa salita.
Si Gu Li, dahil sa kanyang kabaitan, ay ibinigay sa kanya ang pagsubok na i-hack ang password ng isang computer bilang ang una niyang pagsubok.
"Ang mga computer namin dito ay nalalagyan ng pinakamahusay na security. Kung magagawa mo itong malusutan, ibig sabihin ay nakapasa ka sa unang pagsubok." Sabi ni Gu Li.
Tumango si Xinghe bago nagsimula sa mga computer. Sa sandaling nangyari ito, nakumbinsi si Gu Li na hindi nagsisinungaling si Munan. Ang bilis ni Xinghe ay isang bagay na hindi magagawa ng isang baguhan. Nasorpresa siya sa bilis ng pag-crack ni Xinghe ng mga password. Lumilipad ng mabilis ang kanyang mga daliri sa keyboard na nahihirapan na siyang sundan ang paggalaw nito…
Ang code na lumilitaw sa screen ay nahihirapan na din silang sundan!