Umalis na si Saohuang ng may ngiti. Ang mga adjutant nito ay umalis na din ng nakangisi. Ang kayabangan nila ay maliwanag na maliwanag. Ito ay isang bagay na nagpalungkot ng husto sa mga tauhan ni Munan. Ang lahat ay nakaramdam ng galit at pang-aapi!
"F*ck! Gustung-gusto ko nang suntukin ang mukha ng lalaking iyon!" Angil ni Yan Lu ng pagalit. Ang galit na ito ay pinagsaluhan ng bawat sundalo sa lupon ni Munan…
"Sir, nabigo ka namin sa pagkakataong ito, ipinahiya ka namin!"
"We're sorry, sir. Nangangako kami na pagbubutihan pa namin sa susunod."
Walang nanisi kay Munan, imbes ay inako nila ang kasalanan nila. Tiningnan ni Munan ang grupo ng mga taong ito na nakasama na niya sa mga delikadong sitwasyon kung saan maaari silang mamatay, ang mga brother-in-arms na masaya siyang isakripisyo ang kanyang buhay, at nakaramdam siya ng hiya.
"Hindi, kasalanan ko itong lahat! Minaliit ko ang ating kaaway, hindi ko inisip na madali nilang malalaman ang mga istratehiya natin, binigo ko kayo bilang inyong pinuno. Ako ang nagdala ng kahihiyan sa lupon na ito. I'm very sorry!" Yumuko si Munan ng siyamnapung degree para humingi ng tawad sa kanyang mga tauhan. Naantig ang mga tao niya.
"Sir, hindi mo ito kasalanan, ang totoo niyan ay walang may kasalanan dito. Natalo tayo ng minsan pero mananalo na tayo sa susunod!"
"Tama iyon, ipakikita natin sa kanila sa susunod!"
Buong tiwala ding sinabi ni Yan Lu, "Boss, siguradong tatalunin namin sila sa susunod, dahil kami ang pinakamahusay sa lahat!"
"Tama iyon, kami ang pinakamahusay!"
Tiningnan ni Munan ang mukha ng lahat ng mga taong ito at naantig siya. Ngumiti siya. "Salamat. At oo, sa susunod ay mananalo tayo! Sigurado na ako doon!"
Wala sa kanila ang susuko matapos ang maliit na pagkatalo. Kapag ginawa nila, hindi sila mabubuhay ng ganoon katagal. Gayunpaman, ang pagkatalo ay isang pagkatalo. Ang katotohanang iyon ay hindi maikakaila.
Imposible na hindi maapektuhan ang morale. Ang iba ay nawalan ng pag-asa, ang iba naman ay tumamlay. Ang pinakamalala ay may ibang nagsimula nang magduda sa kakayahan ni Munan…
Isang military child si Munan, ang kanyang pag-aaral ay ginugol sa loob ng isang military school. Tumatanggap na siya ng mga asignatura mula pa noong isa siyang binatilyo at mayroon na siyang walong taon ng karanasan sa pakikipaglaban. Maaaring bata pa siya pero ang kakayahan niya ay hindi maikakaila. Gayunpaman, para sa mga taong hindi siya kilala ng personal, inakala nila na ang dahilan kung bakit nagawa niyang marating ang kanyang mataas na ranggo ay dahil sa kanyang family background.
Bakit pa siya matatalo ng ganito kalala sa panahong ito?
Nagdulot ito ng kahihiyan kay Jiangnian sa kanyang mga kasamahan. Sa panahong ito, ang pagkatalo ni Munan ang nagdala ng malaking kahihiyan sa karangalan ng Xi family.
Ang Xi family ang nasa ituktok sa maraming taon, nararapat at nag-uutos ng respeto ng lahat. Gayunpaman, nito lamang, patuloy na ginagambala sila ng mga problema. May ilan pa ngang nagsasabi na ito na ang simula ng katapusan ng Xi family.
Si Lolo Xi, noong siya ay bata pa, ay isang decorated general, maabilidad sa parehong digmaan at sa pulitika ng Hwa Xia. Ngayong narating na niya ang katandaan, nagsisimula nang tapakan ng ibang tao ang Xi family. Napabuntung-hininga siya sa kalungkutan at pagkainis. Siyempre, hindi siya susuko ng ganun-ganun na lamang.
Marami nang pinagdaanan ang Xi family para marating ang kasalukuyang kinalalagyan nila ngayon, kaya paano niya hahayaan na bumagsak sila ng basta-basta ng isang magdamag? Kahit na sa kanyang huling hininga, hindi siya susuko ng hindi lumalaban!
Kaya naman, ang tanging magagawa nila ngayon ay ang magpagpg, magpagaling, at sumubok muli.
"Magsabi ka ng matapat sa lolo mo, may tiwala ka ba sa iyong sarili?!"
Sa loob ng study, tinanong ni Lolo Xi si Munan ng isang malawak na katanungan. Ang pares ng matatalino niyang mata ay pinag-aralan ang mukha ni Munan ng masinsinan.
Sumagot ng walang bahid ng takot o pag-iwas si Munan sa kanyang mga mata, "Definitely!"
"Very good." Nasisiyahang tumango si Lolo Xi. "Hanggang may tiwala ka sa iyong sarili at sa iyong grupo, mapapasaiyo din ang tagumpay. Alam ng lolo mo kung gaano ka kahusay at susuportahan ka sa bawat hakbang mo. Make us proud dahil ang kinabukasan ng Xi family ay nasa balikat ng ating bagong henerasyon."