"Sinundan namin ang mga bakas para mapalabas ang traydor. Sa madaling salita, kung hindi sa katalinuhan ni Xinghe, hindi tayo makakaligtas sa problemang ito."
Habang nagtatapos siya, nagmamalaking tiningnan ni Mubai si Xinghe. Ipinagmamalaki niya ito. Nanlaki ang mga mata nina Lolo Xi at ng iba pa sa pagkagulat. Hindi nila inaasahan na ang makakatulong sa kanilang lutasin ang problema ay si Xinghe. Hindi lamang iyon, ginawa niya ito ng walang kahirap-hirap.
Ang solusyon na matagal ng hindi makuha ng buong Xi family ay madali lamang nitong naisip; lahat sila ay nag-alala para lang sa wala. Lalo na si Lolo Xi na naglakbay pa patungo sa kapitolyo para magmakaawa ng tulong mula sa iba! Sa bandang huli, ni hindi na ito kailangan…
Kapag iniisip nila ito, ang solusyon ni Xinghe ay hindi ganoon kakumplikado. Masyado lamang sila natataranta sa sitwasyon para maunawaan na ang kalaban nila ay hindi nagplano na paglaruan sila ng unti-unti ngunit nagplano na durugin sila ng isang pagsalakay lamang. Siyempre, hindi rin nila inaasahan na hayagan silang ipi-frame.
Tama si Mubai, kung hindi dahil kay Xinghe, nasa mas malaking problema ang kakaharapin ng Xi family. Habang inaalala nila kung gaano kayabang ang hitsura ni Feng Saohuang kanina, kung talagang nadakip si Mubai, maaaring may 'aksidenteng' mangyari dito habang nasa kustodiya ng mga ito. Kapag wala sina Munan at Mubai, maaring mawasak talaga ang Xi family…
Salamat na lamang at naunawaan agad ni Xinghe na mahulaan kung ano ang kilos na gagawin ng kanilang kalaban at mabilis na naresolbahan ang krisis. Ang paraan kung paano nila tingnan si Xinghe ay nagbago. Napahanga na sila ni Xinghe sa artipisyal na braso at ngayon ay tuluyan na nitong nakumbinsi silang lahat.
Pinahahalagahan na nila ito at nagsimula na ding magustuhan siya.
Hindi magaling sa pagbibigay papuri si Lolo Xi; tumango lamang ito at sinabi, "Magaling, isang mahusay na trabaho sa oras na ito. Lalo ka na Xinghe, malaki ang ginawa mong tulong sa aming Xi family sa oras na ito."
Hindi nagpakita ng kahit kaunting kayabangan si Xinghe. Kalmado pa din ito tulad ng dati. "Wala naman po yon, bigla ko lamang naisip iyon."
"Kahit na, hindi maikakaila na isa kang malaking tulong sa aming Xi family. Kung wala ka, maaaring nasa malaking panganib na sina Mubai at Munan," nagpasalamat ng husto si Jiangnian.
Ngumiti si Ginang Xi at sinabi, "Siya nga, Xinghe. Sa oras na ito, ang lahat ay salamat sa iyo."
Bahagyang natigilan si Xinghe sa mabait at magiliw na ngiti ni Ginang Xi pero hindi siya nagkomento dito. Nahihiya si Ginang Xi. Siya ang may pinaka-ayaw kay Xinghe at nagbalak ng masama laban dito ng maraming beses. Ngayon, pinagsisisihan niya ang kanyang maling pag-intindi ng lubusan. Sa wakas, nalaman na niya na ang totoong gold digger ay ang tanong gusto niya, si Chu Tianxin, at hindi si Xinghe. Hindi totoo na walang silbe si Xinghe, isa itong kahanga-hangang babae na kakayaning tumayo sa sarili nito at nararapat lamang ng respeto ng lahat.
Sa pangwakas, ginamit ni Xinghe ang kanyang kakayahan para mapagtagumpayan ang Xi family at natanggap ang lahat ng papuri ng mga ito. Masasabi na din na walang tututol kung magkakabalikan pa silang muli ni Mubai. Ang totoo, mas gusto nga nila ito.
"Gayunpaman, maaaring nakuha nga natin si Zhou Jiaming pero magagamit ba natin siya para masupil ang huling salarin?" Biglang tanong ni Jiangsan.
Napakunot-noo si Mubai. "Hindi pa iyan malinaw. Naniniwala ako na ang Feng family ay hindi madaling pabagsakin ng basta-basta."