webnovel

Lumayas Ka Sa Aming Pamamahay!

Éditeur: LiberReverieGroup

Kahit na hindi nila ito naiintindihan, sa andaling nakita ni Saohuang ang mga larawang iyon ay naunawaan na niya ang ibig sabihin ng mga ito…

Hindi siya makapaniwala, ang operasyon kagabi ay nakuhanan lahat!

Kailan nalaman ni Xi Mubai at ng pamilya nito ang tungkol dito, paano ko hinayaan ang sarili ko na ma-set up tulad nito?

"Mukhang masyado kang pamilyar sa mga larawang ito," obserba ni Xinghe habang tinititigan niya ito. Itinaas ni Saohuang ang kanyang mga mata mula sa mga larawan para salubungin ang kanyang mga mata, at sa ibang kadahilanan, nakita niya ang pagkamuhi pati na rin ang pagiging pamilyar nito…

Gayunpaman, magaling siyang magkunwari kaya wala siyang isiniwalat mula sa kanyang ekspresyon. Imbes ay malamig itong nag-utos, "Ano ang pinalalabas ninyo? At ano ang ibig sabihin ng mga larawang ito? Bakit, akala ninyo ay makakaligtas na kayo sa kriminal na demanda gamit ang mga ito?"

"Siyempre hindi, maliban sa mga larawan, nakuha namin ang lahat sa tape at nakuhanan ang tunay na salarin!" Dahan-dahang ibinunyag ni Xinghe ang lahat.

Bahagyang nanginig ang mga balintataw ni Saohuang. Napansin ni Mubai ang kaunting pagbabago sa hitsura nito at walang saya na tumawa. "Feng Saohuang, ang traydor ay nakilala na at naipadala na sa istasyon ng pulisya kasama ang ebidensiya. Mali ang ginawa mong pagkilos ngayon. Nasasabi na lamang ngayon, gusto mo bang sabihin ko sa iyo kung sino ang tunay na salarin, para madali mong mahuhuli ang tamang tao sa susunod?"

Naaasiwang ngumiti si Saohuang. "Ganun a? Kung gayon, sino ang salarin?"

"Ito pala ay ang second-in-command ni Munan na si Zhou Jiaming."

"…"

"Mukhang nasorpresa din si Major Feng sa mga pangyayari." Sabi ni Mubai ng may bahagyang ngiti. "Ang totoo niyan ay isa din itong malaking sorpresa para sa amin. Pero pakiramdam namin ay may mas malaking kriminal na nasa likuran nito. Sa kasamaang-palad ay wala pa kaming ideya kung sino ito… sa ngayon."

Nanigas ang ngiti sa mukha ni Saohuang.

"Mabuti pang sabihin mo na ang totoo o wala sa inyo ang makakaligtas sa maliit na kaparusahan dahil pamemeke ng ebidensiya!" Babala nito ng masungit. Maaaring galit siya sa katotohanan na ang lahat ng plano niya ay nasira.

"Well, ang ilan sa amin dito ay alam kung ang mga ebidensiya ay pineke o hindi." Hindi umaatras si Mubai. "Sa kaparehong oras, gusto ko ding paalalahanan si Major Feng na ang lahat ng tao na sinubukang kantiin ang aking Xi family sa mga nakaraan ay nakatagpo ng kahindik-hindik na katapusan!"

Pinandilatan ni Saohuang si Mubai gamit ang pares ng mga matang walang buhay. "Isa ba itong banta na nakadirekta sa akin?"

Tinawanan ni Mubai ang sarili. "Nasa sa iyo iyon kung gusto mong tanggapin ang mabuti kong paalala bilang isang pagbabanta."

Ang hangin sa paligid ni Saohuang ay agad na nanigas.

"Pero, ang katotohanan na sumugod ka sa lugar ng aming pamilya na ang pinagbasehan ay isang maling impormasyon, iyon ay dapat na sinuri mo ng maigi, ay malaki ang naging pinsala sa pangalan ng aking pamilya. Pero huwag kang mag-alala, hahabulin namin ang tamang bayad sa mga pinsalang natamo namin," sabi ni Mubai na may mariing babala tulad ng hari na ibinibigay ang kanyang hatol sa kanyang mga tauhan.

Hindi natatakot si Saohuang sa banta nito. Malamig na ngumisi ito. "Sige, maaari mo itong ihala sa militar. Sa susunod ay huwag mong hayaan na makahuli pa ako ng maling gawain ng iyon pamilya sa hinaharap kung hindi ay hindi na ako magiging magalang sa susunod!"

"Ang palabas ngayon ay ipinapakita ang pagiging magalang mo?" Sarkastikong obserbasyon ni Mubai, "Kahit na, salamat pa din sa iyong babala. Ngayon, kolektahin mo na ang mga tauhan mo at lumayas ka na paalis sa pamamahay naming mga Xi family!"

Nagpukol ng isang masamang simangot si Saohuang habang malupit na kumikislap ang mga mata nito. Pero totoo ito na wala siyang dahilan para manatili pa sa lupain ng Xi family.

"Tara na!"

Mabilis itong tumalikod at umalis nang nagngangalit ang mga ngipin. Walang nakakita kung gaano kadilim ang mukha nito sa bandang huli.

Pero, lahat ay makikita kung paano ang kaawa-awang hitsura nito habang umaatras ito. Wala namang masyadong ginawa ang Xi family, nasampal siya dahil sa sarili niyang kapabayaan at sobrang tiwala sa sarili.

Ang galit na natatago kay Saohuang ay masyadong malaki na nahihiling nito na pupwede niyang patayin ang bawat isa sa kanila na naroroon!

Chapitre suivant