Nawawala si Xinghe!
Ang mga bodyguard na ginising ay nag-ulat kay Mubai, "Nagsimulang yumanig ang bahay at akala namin ay isa itong lindol. Lahat kami ay nagmamadaling umakyat para tulungan si Miss Xia na makatakas ngunit bago namin magawa ito, lahat kami ay nawalan ng malay."
Ininspeksiyon ni Mubai ang bahay at ang mukha nito ay seryoso.
"Mayroong gumamit ng shock bomb," seryoso nitong sinabi.
Nagulat ang bodyguard. "Pero hindi ba at isa itong military-grade weapon…"
Tama siya, ang granadang ito ay tanging militar lamang ng Hwa Xia ang makagagamit, normal na ginagamit para ma-neutralize ang mga terorista. Walang magagawang pinsala o makakamatay ang granada pero makakagawa ito ng mga pagyanig na magpapawalang-malay sa lahat sa loob ng isang lugar.
Nagulat si Mubai na mayroong taong gagamit ng armas na ito laban kay Xinghe. Pero bakit siya?
"Tingnan ninyo si Ye Shen, mabilis!" utos niya habang inilabas niya laptop para magsaliksik ng sarili.
Ang kalaban, kung sino man iyon, ay halatang handa noong pumunta. Ang mga security cable sa paligid ng villa ay putol lahat. Wala na siyang paraan kung paano matukoy kung sino ang pumasok sa villa at tumangay kay Xinghe.
Hindi nagtagal ay natanggap na ni Mubai ang balita na nagbigti si Ye Shen sa loob ng piitan!
Kababalik lamang ni Xinghe mula sa pagbisita dito at namatay ito kaagad? Kahina-hinala itong masyado.
Pero sino ang makakagawa nito ng hindi naka-trigger ng mga alarma? Kung sinuman ito, isa siguro itong eksperto dahil magagawa nila ang mga bagay na ito ng hindi man lamang nakikita.
Ang suspetsa ni Mubai ay ang itim na kahita na nasa kamay ni Ye Shen ang pakay ng mga ito.
Bahagyang nakahinga ng maluwag si Mubai na katawan ni Xia Meng ang nakuha at hindi ang tunay na Xia Xinghe. Gayunpaman, ang alaala ni Xinghe ay nasa katawan pa ni Xia Meng, kaya kailangan niyang mahanap ito sa lalong madaling panahon. Kahit na alaala lamang ito ni Xinghe, nangako siya na ipagtatanggol ito gamit ang kanyang buhay.
May nakuha sigurong bagong impormasyon si Xinghe at kailangan niyang malaman kung ano ito kung hindi ay mananatili pa din ang panganib. Makakahinga lamang siya ng maluwag kapag ang bawat posibleng panganib ay naalis na.
Pero ngayon ay kailangan niyang mahanap si Xinghe. Hanggang wala ng iba pang paraan hindi niya gustong buhayin ang alaala ni Xinghe sa orihinal nitong katawan. Ang kaalamang iyon ay nagpakalma sa kanya ng bahagya at ito na lamang ang tanging bagay na nagpapakalma sa kanya upang hindi magalit ng husto sa mundo.
Gayunpaman, nag-aalala pa din siya. Kahit na ang katawan ay kay Xia Meng, nag-aalala pa din siya na ang mga dumukot ay may gagawing masama sa kanya dahil ang taong masasaktan ay si Xinghe pa din!
…
Walang ideya si Xinghe kung gaano katagal siyang walang malay.
Iminulat niya ang mga mata sa isang silid na may malamlam na ilaw. May kadiliman ang silid at may kakaunti lamang na ilaw.
Ilang sandali lamang ang kinailangan ni Xinghe para maunawaan kung ano ang nangyari. Dinukot siya, pero wala siyang ideya kung sino. Sa silim, ang malaki nitong katawan na naaninag niya ay nagbibigay ng pakiramdam ng panganib.
Naupo si Xinghe at kalmadong tumingin dito. "Sino ka?"
Nasorpresa ang lalaki at pinuri siya, "Hindi na masama, akala ko ay matataranta ka."
"Ano ang makukuha ninyo sa pagdukot sa akin?" patuloy ni Xinghe, ang tono niya ay kalmado na tila sila ay dalawang magkaibigang nagkukuwentuhan sa parke.
Hindi sumagot ang lalaki, imbes ay sinabi nito, "Mas kahanga-hanga ka kaysa sa asawa mo, hindi na nakapagtataka na ibinigay niya ang bagay na iyon sa iyo."