Ngumiti si Mubai, gusto din niya ang pagkakalma ni Xinghe na ito. Kahit ano pa ang harapin niya, napapanatili niya ang anyo ng tiwala sa sarili at pagiging kalmado. Sa bawat oras na kausap niya ito, pakiramdam niya ay nawawala ang mabigat niyang nararamdaman.
"Matagal ka nang nandidito sa loob ng bahay. Gusto mo bang samahan kita na maglakad-lakad sa labas?" magiliw niyang tanong.
Buhat ng oras na naging Xia Meng si Xinghe, nanatili lamang ito sa loob ng villa. Hindi sa ayaw ni Xinghe na lumabas, ito ay dahil sa pakiramdam niya ay hindi niya kailangang lumabas. Mas gusto niya ang tahimik at pag-iisa.
"Hindi na, salamat…" Kakatapos lamang sumagot ni Xinghe nang makarinig sila ng malakas na komosyon na nagmumula sa labas.
Ito ay isang matinis na boses ng isang babae at ang ingay nito ay naririnig nila kahit na nasa malayo pa.
It was a shrill female voice and the person was loud because they could hear it from so far away.
Nanigas ang ngiti sa mukha ni Mubai at galit itong bumulong, "Nandidito na naman ang mga babaeng iyon!"
Hindi na kailangan pang sabihin, marahil ay ito ang mga babae ng Ye family na nagpunta para manggulo na naman. Matapos maaresto ni Ye Shen, pumupunta si Mrs. Ye para manggulo halos araw-araw. Sigurado siya na si Xia Meng ang nangbitag sa kanyang anak kaya pumupunta ito araw-araw para hingin ang paliwanag mula kay Xia Meng. At dahil hinaharang siya ng mga guwardiya, nagsimula na siyang siraan ang pangalan ni Xia Meng. Ang mga salita na hindi mo iisiping nagmumula sa bibig ng isang kapita-pitagang ginang ng isang pamilya ay lumabas sa bibig nito na tila isang rumaragasang talon.
"Xia Meng, ikaw na p*ta ka, lumabas ka dito at harapin ako! Ikaw na malandi ka, paano mo nagawang makipagsabwatan sa isang lalaki na gantihan ang sarili mong asawa? Karmahin ka sana!"
"Xia Meng, ilabas mo ang malandi mong katawan dito, hindi mo ba ako naririnig? Lumabas ka at ipaliwanag ang sarili mo! Nakipagsabwatan ka sa babaero mong kalaguyo na si Xi Mubai, para bitagin ang anak ko, hindi ba? Alam ko na iyan ang katotohanan, huwag mo nang ipagkaila pa. May lihim na relasyon kayong dalawa sa likuran ng anak ko at ngayon ay ang kapal ng mukha mong gantihan siya. Isang pokpok at isang babaero, dalawang walang pusong nilalang! Kidlatan sana kayong dalawa kung saan kayo nakatayo! P*ta ka at p*tang ina ang buong Xi Family! Ang Xi Family ay nagkaroon ng isang malaking kabiguan dahil nagpalaki sila ng isang anak na lalaki na kumakabit sa asawa ng ibang lalaki! Ang bawat isa sa kanila ay isang baboy na nararapat lamang ipadala sa pinakailaliman ng impiyerno…"
Tuluy-tuloy si Mrs. Ye, at ang bawat insulto ay narinig nila Mubai at Xinghe. Nasa likuran lamang sila ng front door kaya maliwanag nila itong naririnig.
Galit na galit si Mubai, hinihiling niya na sana ay hugasan ang bibig ng matandang babae gamit ang sabon. Hindi lamang niya iniinsulto ang buo niyang pamilya kundi pati na din si Xinghe!
Akala nila ay magagawa nilang huwag nang pansinin ang isang baliw na babaeng tulad nito at di malaon ay aalis na din ito, pero nagpursige pa rin ito.
"Mukhang hinihiling ito ng babaeng ito. Buksan ninyo ang pintuan, gusto kong sabihin niya ang mga iyan sa akin ng harapan!" utos ni Mubai sa mga guwardiya.
"Hindi namin magagawa iyan, Young Master. May mga reporter sa labas," agad na sinabi ng mga guwardiya sa kanya.
Matapos siyang palayasin ng ilang beses noong mga nakaraan, sa oras na ito ay handa na si Mrs. Ye. Gagamitin niya ang kapangyarihan ng media para mapilitan sina Xia Meng at Mubai. Ang mga tabloid at tsismis ay sapat na para makagawa ng problema sa paraiso. Sa madaling salita, dahil sa pinahirapan nila ang buhay ng kanyang anak, gagawin din niyang impiyerno ang buhay nila Xia Meng at Mubai.
Gayunpaman, bago magpakita si Mubai, hindi nangahas ang mga reporter para magsulat ng mga akusasyong walang basehan. Pero, sa oras na ginawa niya, mas lalong magiging kumplikado ang lahat.
"Buksan ninyo ang pintuan." Hindi alintana ni Mubai ang mga implikasyon kaya iniutos niya ito ng may diin sa oras na ito.
Pinigilan siya ni Xinghe. "Hayaan mong ako ang humawak dito."
"Hindi na kailangan!" Hinila siya pabalik ni Mubai at sinalubong ang kanyang mga mata, "Ayoko nang mag-alala ka pa sa maliit na bagay tulad nito."
Nagtaas ng kilay si Xinghe. Maliit na bagay? Kung talagang iniisip ng publiko at pagsuspetsahan na may ugnayan kaming dalawa ay magiging isang malaking dagok ito sa pangalan ng Xi Empire.
Gayunpaman, mukhang wala namang pakialam si Mubai sa mga bagay na ito.
"Buksan ninyo ang pintuan—" utos niyang muli. Binuksan na ng mga guwardiya ang pintuan at hindi na nangahas na suwayin siyang muli.