webnovel

2,000,000 Para sa Diborsyo

Éditeur: LiberReverieGroup

"Xia Meng, tumigil ka diyan—" sinubukan siyang hilahin pabalik ni Mrs. Ye pero naharangan ito ng mga guwardiya.

"Wala sinuman ang maaaring pumasok ng walang pahintulot ni Miss Xia!" Anunsiyo ng guwardiya habang pinandidilatan sila nito.

"Ako ang biyenan niya, ano at nangahas kang harangan ako?!" Galit na balik ni Mrs. Ye.

Umismid ang guwardiya. "Ikaw ba ang nagpapasweldo sa amin? Hindi? Kung ganoon, lumayas na kayo!"

"Ikaw…" galit na galit si Mrs. Ye at si Ye Qin ay malakas na nagmumura.

Gayunpaman, kahit ano pa ang gawin nila, hindi sila pinapasok ng mga guwardiya.

"Mom, sumosobra na ang p*tang babae na si Xia Meng ha. Tumanggi tayo na makakuha siya ng diborsyo at makikita natin kung ano ang pangahas niyang gagawin sa atin!" Galit na reklamo ni Ye Qin pero sa loob-loob ay sobra ang kanyang inggit.

Inggit na hindi lamang kilala ni Xia Meng si Xi Mubai kundi dahil sa magandang trato sa kanya. Ang villa na ito, ang mga guwardiya, kung hindi sila mula kay Mubai, kanino pa ito manggagaling?

Pareho ang opinyon ni Mrs. Ye tulad ng anak niya. Hindi siya papayag agad-agad at ibigay ang diborsyo kay Xia Meng dahil ang babaeng ito ay pagmamay-ari ng anak niya at, bilang pagpapatuloy, ay sa pamilya niya. Kahit na mamatay si Xia Meng, dapat ay maging isa siyang multo ng pamilya Ye!

Gayunpaman, totoo nga na malulugi na ang Ye Corps…

Sinulyapan niya ang mga papeles para sa diborsyo na nasa sahig at inutusan si Ye Qin habang nagtatangis ang mga ngipin, "Pulutin mo ang mga iyan; tara na!"

"Huh?" Reklamo ni Ye Qin, "Pero bakit?"

Ang papeles ay may dura niya… kaya nakakadiri ito.

"Gusto mo bang manirahan sa kalye?"

"…" pinag-isipan ito ni Ye Qin pero sa kinalaunan ay dinampot ang nakakadiring dokumento. Sa bandang huli, mas nakakatakot ang pagkalugo kaysa sa sarili niyang dura.

Dumating sina Mrs. Ye at Ye Qin na may intensiyong turuan ng lekisyon si Xia Meng ngunit ang nangyari ay umalis sila matapos na maturuan sila ng leksiyon.

Iniinda pa din nila ang galit nang makarating sila sa bahay kung saan hinihintay sila ni Ye Shen.

Tumakbo ito palapit sa kanya para tanungin kung ano ang nangyari ng makita silang pumasok sa pintuan. "Mom, ano ang nangyari? Nagawa ba ninyong makausap ng maayos si Xia Meng?"

Umaasa si Ye Shen na nagawa ng nanay niya na makaganti sa p*ta na iyon sa lugar niya dahil sa pamamahiya nito sa kanya.

"Huwag mo nang ipaalala sa akin, ayaw makinig sa akin ng p*ta na iyon," naupo si Mrs. Ye sa sofa, na galit pa din, "Anak, akala talaga niya ay iba na siya ngayong nasa likuran niya si Xi Mubai! Hindi niya ako pinakitaan ng respeto!"

"Kung gayon ano ang gagawin natin?" Napasimangot si Ye Shen sa pagkataranta. "Malapit ng bumagsak ang kumpanya. Kung ayaw pa niya tayong tulungan ay ito na ang katapusan natin!"

"Kuya, sabi ni Xia Meng, kung pumapayag kang makipagdiborsyo sa kanya, maaari daw niya tayong tulungan." Ibinato ni Ye Qin sa kanya ang mga papeles sa diborsyo.

Nagulantang si Ye Shen at mabilis na pinasadahan ang mga papeles. Nalaman niya na mayroong clause sa papeles na nagsasabi na, matapos ang diborsyo, ay babayaran siya ng 2,000,000 kabayaran.

Hindi nabasa ni Ye Shen ng maayos ang mga papeles dahil pinunit niya ito noong nakaraan kaya hindi niya nakita ang takda na ito.

"Kuya, ano ba ang eksaktong relasyon nila Xia Meng at Xi Mubai? Isipin mo handa siyang magbayad ng 2,000,000 RMB para tulungan ito sa diborsyo. Masyado itong kakaiba," sabi ni Ye Qin ng may nag-aalab na inggit.

Ipinilig ni Ye Shen ang ulo niya. "Wala akong ideya. Pinaimbestiga ko na sa mga tauhan ko ang relasyon ng dalawa pero wala silang nakita."

"Hindi kaya nagkagustuhan silang dalawa?" Marahas na umiling si Ye Qin matapos sabihin ito, "Imposible! Walang lalaki ang gugustuhin ang isang lumpo na tulad niya, lalo na at sa kalibre pa ni Xi Mubai!"

Ganoon din ang iniisip ni Ye Shen. Sa kanilang mga mata, isang depektibong produkto si Xia Meng, walang ibang lalaki maliban kay Ye Shen ang magiging mabait na tatanggapin ang isang depektibo na tulad nito.

Kaya naman, marahil ay may iba pang dahilan ang relasyon ng dalawa…

Bigla, isang posibilidad ang naisip ni Ye Shen.

Ibinenta ni Xia Meng ang bagay na hawak niya kay Xi Mubai? Pero wala itong kwenta sa isang taga-labas. Ang paggamit nito ay isang natatagong sikreto. Hindi isa si Xi Mubai sa amin kung hindi ay malalaman ko ito.

Gayunpaman, ito na lamang ang natitirang dahilan kung bakit handang tulungan ni Xi Mubai si Xia Meng.

Chapitre suivant