webnovel

Isang Buwang Palugit

Éditeur: LiberReverieGroup

Parehong nabigla sina Lu Qi at Mubai sa pangako niya.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Lu Qi. "Isinusumpa ko sa buhay ko, ibabalik kita!"

"Alisin mo na ang memory cell ngayon!" Biglang sambit ni Mubai.

Hindi na siya makakahintay pa ng matagal. Gusto na niyang makabalik si Xinghe sa dati nitong sarili agad-agad.

Alas, hindi siya ang nagdedesisyon sa relasyong ito. "No way." Tinanggihan agad ni Xinghe ang desisyon niya ng hindi man lamang binigyan ito ng panahon para pag-isipan. "Hindi ko ilalagay sa peligro ang mga dati kong alaala."

Ang bawat isa sa mga alaala niya ay mahalaga sa kanya. Hinubog ng mga ito kung sino siya bilang isang tao. Kung mawawala niya ang kahit sa sa mga ito, pakiramdam niya ay isang parte niya ang nawawala. Hindi niya gusto ang ideya ng hindi buo.

"Pero paano kung ang memory cell research ay matigil at hindi na matapos?" Nag-aalalang tanong ni Mubai, "Mananatili ka na lamang bang ganito ng habambuhay?"

"Siyempre hindi, kung walang progreso sa susunod na buwan saka natin piliin ang isa pang paraan," sabi ni Xinghe habang tinitingnan niya si Mubai. Nakita nito ang matigas na determinasyon sa kanyang mga mata. Seryoso siya at wala ng iba pang makakpagbago ng isip niya.

Tahimik na tumango si Mubai. "Sige, ilagay natin ang palugit ng isang buwan."

Dahil hindi din niya gustong mapasama ang alaala ni Xinghe…

Naiintindihan niya ang punto nito, natatakot ito na ang pagkawala ng memorya ay makaapekto dito.

"Gagawin ko ang lahat sa loob ng isang buwan na ito!" Pangako ni Lu QI.

"Sabihin mo sa akin kung may kailangan ka," naiinis na sabi dito ni Mubai. Kahit na galit pa siya kay Lu Qi pero para sa kapakanan ni Xinghe, handa siyang tumulong dito.

Tumango si Lu Qi. "Kung ganoon, tatanggapin ko ang alok mo, Mubai. Kailangan mong maintindihan na ito ay isang importanteng pananaliksik. Kulang kami ng mga magagaling at mahusay na kaisipan, lalo na sa bagong panahon na tulad ng sa atin, pero kung mapepreserba natin ang kanilang alaala, makakatulong ito sa pag-unlad ng sangkatauhan…"

"Wala itong kinalaman sa akin!" Malamig na deklara ni Mubai bago ito lumabas paalis ng lab.

Wala siyang pakialam sa ikauunlad ng sangkatauhan… ang tanging gusto lamang niya ay makabalik sa dating sarili si Xinghe ng ligtas at maayos!

Matapos makabalik sa kotse sina Xinghe at Mubai, hindi agad nito binuhay ang makina ng sasakyan. Imbes ay nagtanong ito, "Pwede ba akong manigarilyo?"

"Sige lang."

Nagsindi si Mubai ng sigarilyo at ang kotse ay agad na napuno ng amoy ng usok ng sigarilyo ngunit agad naman itong nawala dahil sa air purifier na nasa loob.

Walang ideya si Xinghe kung ano ang nasa isip ni Mubai at hindi naman talaga siya interesado na malaman kaya tahimik lamang silang nakaupo at sinasamahan ang isa't isa.

Pagkatapos maubos ni Mubai ang sigarilyo niya, mahina niyang sinabi dito na, "Lumayo ka muna sa Ye Family sa ngayon, tutulungan kitang makahanap ng lugar na titirahan at mga taong magbabantay sa iyo. Pagkatapos makumpleto ni Lu Qi ang pananaliksik niya, ibabalik natin agad ang mga alaala mo."

Ito na ang pinakaligtas na pagsasaayos ng lahat, pero may ibang plano sa isip si Xinghe…

"Makikipagpalitan ako kay Xia Meng, ang diborsyo mula kay Ye Shen para sa mga bagay na nasa pagmamay-ari niya."

"No way!" Agad na tinanggihan ni Mubai ang plano niya. "Hindi ka na pupwedeng magkaroon pa ng interaksyon doon sa Ye Shen na iyon, gagawa ako ng paraan para makuha iyon mula kay Xia Meng."

"Anong paraan?" Diin ni Xinghe. "Kahit na nahaharap na siya na papatayin siya ni Ye Shen, tumanggi siyang ibigay ito doon. Ano pa ba ang magagaling na ideya mo ang naiisip mo na magagawang isuko ni Xia Meng ang mga bagay na iyon?"

"Kahit na ano ang mangyari, hindi ka na pupwedeng magkaroon pa ng interaksyon pa sa mga tao ng Ye Family," mariing sambit ni Mubai.

Kahit na ang babae sa kanyang tabi ay hindi talaga si Xinghe pero hindi niya maaatim na maisip na nakikipag-ugnayan pa ito kay Ye Shen.

Kahit na isa lamang itong alaala ni Xinghe, tumatanggi siya na may isa pang lalaki na makihalubilo sa ugnayan nilang dalawa.

Chapitre suivant