Iyon ang mga salitang hinihintay ni Auntie Ding. Inirolyo niya pataas ang kanyang kuwelyo, handang gantimpalaan si Xinghe ng ilang sampal.
Ginamit ni Xinghe ang walis na nasa kanyang kamay para hatawin ng malakas si Auntie Ding sa braso nito.
Hindi inaasahan ni Auntie Ding ang biglaang hataw. Napasigaw ito, at ang mukha niya ay nalukot sa matinding sakit.
Sa oras na ito, ang hataw ni Xinghe ay mas malakas kaysa sa nauna. Pakiramdam ni Auntie Ding ay nag-aapoy sa sakit ang kanyang braso.
"Xia Meng, dapat ay tumayo ka na lamang diyan at tinanggap ang parusa mo, ang lakas ng loob mong gumanti!" Hiyaw ni Mrs. Ye na mukhang kaya na niyang lunukin ng buo si Xinghe sa galit.
Ang tingin ni Xinghe ay kasing lamig ng yelo. "Bakit? Hindi nagpakita ng paggalang si Ye Qin sa mas nakakatanda sa kanya, kaya dapat lang na maparusahan siya! Sinubukan ni Auntie Ding na saktan ang amo ng bahay, kaya dapat ay ikunsidera niyang maswerte siya na pinalo ko lamang siya ng isang beses!"
"Ikaw…" sina Mrs. Ye at ang dalawa ay hindi makapagsalita sa sobrang galit.
Hindi nila inisip na magiging agresibo si Xia Meng.
Nangahas ito na sabihang dapat lamang silang mapalo…
Pagod na siguro siyang mabuhay, ang lakas ng loob niyang kumprontahin kami ng ganito!
"Ikaw ay hindi rin gumagalang sa mas matanda sa iyo, kaya nararapat lang din na ikaw ay maparusahan!" Lumapit si Mrs. Ye para subukang kuhanin ang walis mula kay Xinghe. Gayunpaman, itinulak ni Xinghe ang huling parte ng walis sa mukha nito, na ikinatakot ng husto ni Mrs. Ye kaya hindi na ito nakalakad papalapit muli.
"Ano ang ginagawa mo?" Galit na sigaw ni Mrs. Ye.
Malamig siyang nginitian ni Xinghe, ang kanyang katawan ay naglalabas ng malaharing pakiramdam. "Huwag mong isipin na magagamit mo ang seniority mo para supilin ako; gaganti ako."
Ano? Nanlaki sa pagkabigla ang mga mata ni Mrs. Ye. Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang mga tainga at mata. Ang babaeng nakatayo sa aming harapan ay si Xia Meng bang talaga?
Ang Xia Meng na kilala nila ay susuntukin ang sarili sa galit, hindi nito pinangahasan na ilabas ang gali. Sa harap ng mga kababaehan ng pamilya Ye, siya ang palaging naaapi.
Pero ngayon, gumaganti na si Xia Meng sa kanila.
At mayroon ng lakas sa mga mata nito ngayon na dati ay wala. Nagulat sila sa pagbabagong ito ni Xia Meng, pero kahit na ano pa ang sumanib dito, hindi nila mapapatawad si Xia Meng sa hayagang paglaban nito.
"B*tch, pagsisisihan mo ang lahat ng ito!"
Nang tumalon patungo si Ye Qin sa kanya, may pinalidad na sinabi ni Xinghe, "Hindi ako magdadalawang-isip na palubugin ang barkong ito kasama kayong lahat!"
Natigilan at hindi na nakakilos pa si Ye Qin.
Nakita na ni Xinghe kung ano ang mga babaeng ito. Lahat ng mga ito ay papel na tigre lamang, palaging tumatahol pero hindi nangangagat.
Malamig niyang tiningnan ang mga ito at idinagdag na, "Dahil hindi naman ako takot mamatay, sa pinakamalala, mamamatay tayong sama-sama. Kung hindi kayo takot mamatay, sige lumapit kayo sa akin!"
Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, sina Mrs. Ye at ang mga alipores niya ay nagsimula na siyang tingnan ng may pag-iingat.
Napaatras ng hindi sinasadya si Ye Qin at tinuya siya nito, "Xia Meng, mamamatay ka din ng kusa! Papatayin ka ng kapatid ko sa pagkakataong ito, maghintay ka lamang at makikita mo!"
Kahit si Mrs. Ye ay bahagyang napaatras habang galit na nag-uutos ito, "Security, pigilan ninyo siya, madali! Auntie Ding, tawagin mo ang mga guwardiya."
Habang tumatakbo patungo sa pintuan, isang guwardiya ang nagmamadaling pumasok. Makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Mabilis itong nagbalita, "Madam, may bisita tayo. Ito po si CEO Xi Mubai mula sa Xi Empire. Sinasabi niya na naririto siya para makita ang Young Mistress!"
Ano?
Si Ye Qi ang unang nakabawi mula sa pagkakabigla ng lahat. Nananabik na nagtanong ito, "Sino ang sinasabi mong naririto?"
Inulit ng guard ang sarili, "CEO Xi Mubai mula sa Xi Empire."
"Si Xi Mubai talaga?!" Halos hindi na mapigilan ni Ye Qin ang kasiyahan dahil ang lalaking kanyang pinapangarap ay si Xi Mubai mismo.