webnovel

Isang Bigo sa Buhay

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang reaksyon ni Mrs. Ye ay tulad ng tumitingin siya sa isang bagay na marumi. Sumimangot siya habang inuutusan si Auntie Ding, "Kumuha ka ng palayok na may apoy. Huwag mo siyang papapasukin sa bahay kapag hindi niya dinaanan ang palayok, malas ang isang ito!"

Ang pinaka matandang manugang niya ay umuwi matapos ng mahabang karamdaman at ang unang bagay na bumati sa kanya ay hindi pag-aalala kundi pandidiri.

Sigurado na si Xinghe na si Xia Meng ay hindi nagkaroon ng magandang buhay.

Mabilis na bumalik si Auntie Ding na may hawak na palayok na may apoy.

Ang palayok ay malaki at sa loob ng palyok ay ang mga papel na talisman at sagebrush…

Trinato talaga nila si Xinghe na tulad ng isang masamang espiritu.

"Sindihan mo iyan!" Nananabik na utos ni Ye Qin. Masayang sumunod si Auntie Ding at ang mga bagay na nasa loob ng palayok ay nasunog ng may tunog na 'whoosh'.

Agad na umakyat ang apoy, halos kalahati ng isang matandang lalaki.

"Hakbangan mo na ng mabilis," utos ni Ye Qin tulad ng isang batang may masamang asal na masyadong napapagbigyan.

Hakbangan ito?

Ngumisi si Xinghe. Sa nag-aalab na apoy, ang laki ng palayok mismo ay magbibigay sa isang normal na tao na hakbangan ito, lalo na kung isang may kapansanan pang tulad niya.

Ginawa nila ito para sadyain na ipahiya siya.

"Xia Meng, ano pa ang itinatayo-tayo mo diyan? Hakbangan mo na ito kung hindi ay hindi ka papayagang pumasok sa bahay na ito!" Bruskong utos sa kanya ni Ye Qi.

Malupit ding dumagdag si Mrs. Ye, "Ano? Gusto mong magdala ng malas sa bahay ko?"

"Sa paraan ng pagkakita ko, ang Ye Family ang may dalang kamalasan," malinaw na umalingawngaw ang boses ni Xinghe sa loob ng sala, "Kung hindi, susubukan ko bang magpatiwakal sa loob ng bahay?"

Nanlaki sa pagkagitla ang mga mata nila Ye Qin at Mrs. Ye. Normal na hindi magsasalita ng kahit ano si Xia Meng kahit na gaano pa nila ito pagmalupitan, pero ngayon, nangahas ito na hayagan silang kontrahin…

Si Mrs. Ye na nagpakita na may permanenteng simangot sa kanyang mukha ay nanuya, "Nawala ka na yata sa katinuan para masabi iyan. Sige, kung ganyan kababa ang tingin mo sa aming Ye family, lumayas ka na at huwag nang babalik pa!"

"Tama iyon, lumayas ka at huwag nang umasa pa sa Ye family kung kaya mo," dagdag ni Ye Qin, ginagatungan ang apoy.

Ngumisi si Xinghe at tumalikod para umalis.

Wala talaga siyang intensiyon na manatili sa lugar na ito. Hindi ito nararapat sa kanyang presensiya!

Masayang tumili si Ye Qin habang pinapanood siyang umalis, "Ang tangang babae na wala kahit ano sa kanya, ay magiging isa lamang pulubi kapag wala ang awa natin! Hindi na ako makahintay na makitang mangyari iyon!"

Inutusan ni Mrs. Ye si Auntie Ding, "Alalahanin mo na magbantay mamaya. Huwag mong hayaan na patakas siyang pumasok dito."

"Yes, madam," malakas na sagot ni Auntie Ding.

Ang grupo ng mga babeng ito ay naghihintay na makitang mabigo si Xia Meng; tuwang-tuwa sila na makita siyang naghihirap at naghihintay ang mga ito na makita siyang gumapang pabalik sa mga ito, na nagmamakaawa at humihingi ng tawad.

Dahil hindi ito ang unang beses na naglayas si Xia Meng. Palagi itong bumabalik sa bahay matapos ang buong araw na pagpapalabuy-laboy sa labas.

Eksakto na wala talagang pinanghahawakan si Xia Meng at walang kakayahan kaya naman wala na siyang pagpipilian kundi tanggapin ang pahirap ng Ye family.

Ito ang dahilan kung bakit si Mrs. Ye at ang grupo ng mga babaeng ito ay hindi nag-aalala na umalis si Xia Meng dahil kalaunan ay babalik ito ng bahag ang buntot sa pagitan ng mga hita nito. Mamamatay siya sa gutom kung wala ang Ye family.

Pero hindi nila alam, ang kaharap nila ay hindi si Xia Meng kundi si Xia Xinghe!

Nang marating ni Xinghe ang gate, nakasalubong niya ang isang pareha na papauwi pa lamang.

Ang lalaki at babae ay nagulat ng makita siya.

"Saan ka papunta?" Tanong na may pandidiri ng lalaki. "Maupo ka na lamang kung masyado kang malaya, bakit ba nagpapakalat-kalat ka sa lugar na ito?"

Base sa mapagmataas na ugali nito, nahulaan ni Xinghe na ito ang asawa ni Xia Meng.

Ang babae sa tabi nito ay sumandal sa katawan nito na tila isang ahas na walang buto. Ngumisi pa ito ng nang-iinis kay Xinghe.

Napabuga ng hangin sa isip si Xinghe. Base sa lahat ng naobserbahan niya, ang Xia Meng na ito ay isang bigo sa buhay.

Chapitre suivant