webnovel

Ang Pagpapabuti ay Tapos Na!

Éditeur: LiberReverieGroup

Wala pang nakakakita kay Elder Xi na sobrang masaya dati. Maririnig na ang kanyang masasayang halakhak ng buong araw.

Ang lahat ay pumila para paulanan si Ruobing ng mga papuri, para mapalapit dito…

Maliban lamang sa iisa. Tumayo si Mubai sa labas ng pintuan ng conference room, kinuha ang kanyang telepono para tumawag kay Xinghe.

"Nasaan ka?" Tanong niya.

Itinapat ni Xinghe ang telepono sa kanyang tainga pero ang kanyang pansin ay nakatutok sa panonood sa galaw ng mga technician. "Tinatapos ang produkto sa lab."

"Narito na si Ruobing dala ang kanya, magsisimula na ang operasyon."

May bahagyang katahimikan sa pagsagot ni Xinghe, pero wala ng iba pa bukod doon. Nagtanong ito, "Anong oras magsisimula ang operasyon?"

"1 pm."

Bahagyang kalalampas lamang ng 12 pm kaya may natitira pang oras.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Salamat. Nariyan na ako bago ang 1 pm."

"Sige, tawagan mo ako kung kailangan mo ang anumang tulong."

"Salamat."

Nagbaba sila ng tawag ng sabay. Sa oras na umikot si Mubai, nakita niya si Tianxin na papalabas ng silid.

"Mubai, sino ang kausap mo sa telepono? Si Xia Xinghe ba?" Tanong ni Tianxin habang naniningkit ang mga mata nito sa kanya.

Hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Mubai. Wala siyang interes na magsimula ng anumang usapan kay Tianxin.

Nang magsimula na siyang umalis, hinarangan ni Tianxin ang daraanan niya. "Mubai, nagtagumpay na si Ruobing kaya bakit ka pa din nagtitiwala kay Xia Xinghe? Natalo na siya!"

Napasimangot ng kaunti si Mubai. "Ano ang pinupunto mo?"

Nagtatampong idinagdag ni Tianxin na, "Gusto ko lang ipaalala sa iyo ang pangako mo sa Old Madame Xi…"

Napatawa ng marahan si Mubai. "Ano ang tungkol sa pangako?"

Nalukot ang mga kilay ni Tianxin. "Ano ang ibig mong sabihin ano ang tungkol sa pangako? Hindi ka na maaring umatras pa sa mga salita mo at manatili kasama ang babaeng iyon kapag nabigo siya. At sa bagay na iyon, bakit ba masyado kang nahuhumaling sa kanya? Mas mabuti naman ako ng milyong beses sa kanya at…"

"Wala itong kinalaman sa iyo." Bruskong pagtatapos ni Mubai sa usapan at pumasok na sa conference room.

Nanlalamig na napako sa kinatatayuan niya si Tianxin. Ang mukha niya ay punung-puno ng galit.

Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay ng mahigpit para pigilan ang sobrang galit, kabaliwan at sama ng loob na pumupuno sa kanyang puso!

Sa kanya si XI Mubai, kailangang mapasakanya ito! Hindi niya makakayang isipin na mapunta ito sa iba.

Kaya naman, kahit ano pa ang maging resulta, may kalamidad na paparating kay Xinghe, na kagagawan ni Chu Tianxin…

"Ate, hindi ko pa din maintindihan. Nalaman ko na ang disenyo mo ay may kaunting pagkakaiba mula kay Ruobing, pero ano ang dahilan?" Tanong ni Xia Zhi habang nakatitig ito sa disenyo na nasa screen.

Ang buong grupo niya ay nalilito.

Ang pagbabago sa kanyag disenyo ay maliit lamang. Halos katulad ito ng gawa ni Ruobing.

"Ang pinaka naiiba ay ang tibay nito," pagbubunyag ni Xinghe.

Ang sagot ay hindi nakatulong na maalis ang kalituhan.

Ang mga materyales na ginamit ay pareho, kaya paanong hindi magiging matibay ang kay Ruobing?

Natutunan na ni Xia Zhi na huwag tanungin ang kapatid kaya tumigil na siyang tutukan pa ang tanong.

Hindi ginawa ni Xinghe ang artipisyal na braso mula sa wala. Mayroon lamang siyang ipinasok na ilang mga pagbabago sa ginawang prototype ni Ruobing.

Sa pakikipagtulungan ng lahat, ang mga pagpapabuti ay natapos ng wala pang isang oras!

"Miss Xia, handa na ito!" Masayang tumakbo na lumapit si Luo Jun sa kanya para ipaalam ito, "Ano na ang gagawin natin ngayon, pumunta sa ospital?"

Hindi na siya makapaghintay na masimulan ang pananampal at para mabawi ni Xinghe ang karangalan na dapat ay sa kanya sa simula pa lamang.

Chapitre suivant