Ang pagproseso ng kanyang isip sa mga data ay madali lamang sa kanya tulad ng paghinga.
Ang mga formula, graphs, at halos lahat ay automatikong napapalitan bilang data sa kanyang isip.
Tulad ng isang computer, ang utak niya ay kayang gamitin ang lahat ng klase ng algorithm.
Sa totoo lamang, kaya niyang humiram at gumamit ng mga angkop na algorithm para maresolba ang mga kumplikadong tanong.
Sa madaling salita, isa siyang henyo sa data processing!
"Ang desisyon ko na lapitan ka ay tama!" Masayang bulalas ni Ee Chen, "Xia Xinghe, didikit na ako sa iyo na tulad ng pandikit mula ngayon."
"Depende iyan sa kung gaano kahalaga ang impormasyong ibibigay mo sa akin bilang kapalit," sabi ni Xinghe ng may diin. Maaaring pumapayag siya na tanggapin ang tulong nito pero hindi ito nangangahulugan na lubusan na niya itong pinagkakatiwalaan.
Sumagot si Ee Chen ng may malawak na ngiti, "Huwag kang mag-alala, sinisigurado ko sa iyo – ang impormasyon na nasa akin ay napakahalaga."
Itinaas ni Xinghe ang kanyang mga kilay pero sinarili na lang ang kanyang mga opinyon.
Maaaring malapit na siyang mamatay pero mayroon pa din siyang nag-aalab na kagustuhan na may malaman pa tungkol sa Project Galaxy.
May kaugnayan ito sa misteryosong pagkawala ng kanyang ina.
Ngayon na may maliit na tanda na siya, natural lamang na hindi niya ito pakakawalan. Umaasa siya na tutuparin ni Ee Chen ang salita nito at ang impormasyong hawak niya ay hindi magdadala ng kabiguan sa kanya.
Biglang tumunog ang telepono ni Xinghe.
Sa kanyang sorpresa, mula ito sa lumang mansiyon ng Xi Family.
Ipinahayag ni Old Madame Xi ang kanyang intensiyon na makita siya!
…
Kahit na walang ideya si Xinghe kung bakit siya ipinatatawag ni Old Madame Xi pero nahuhulaan niya na may kinalaman ito sa artificial limb technology.
Nagmaneho si Xinghe patungo sa lumang mansion.
"Naghihintay sa iyo ang old madam sa drawing studio malapit sa hardin, naroroon na din si madam," paliwanag ng katulong na naghatid sa kanya sa hardin sa mababang tinig.
"Nandirito ba ang little master?" Tanong ni Xinghe.
"Nasa paaralan po ang little master."
Alam ni Xinghe na paaalisin muna nila ito bago siya ipatawag.
Si Xi Lin ay estudyante sa pinakakilalang paaralan sa City T. Maraming mayayaman at aristokrata ang pumipili sa paaralang iyon kaya ang seguridad ay napakataas. Kahit ang pagpasok ay hindi madaling mabigyan ng permiso.
Kaya naman, hindi masasalubong ni Xinghe si Lin Lin sa paaralan nito kahit na subukan niya.
Kaya naman ang tanging magagawa niya ay pagtuunan ng pansin ang mga disenyo.
Matapos noon, maaari na niyang maialis ang anak sa lugar na ito…
"Narito na tayo, please," sabi ng katulong habang binubuksan nito ang pintuan ng studio para kay Xinghe. Yumuko ito at kumaway na sumenyas para pumasok na siya.
Pumasok si Xinghe at may mga pamilyar na mukha na sumalubong sa kanya.
Hindi lamang naroon si Old Madame Xi at Ginang Xi pati na rin si Yun Ruobing at Chu Tianxin!
Ang elegante at kumportableng studio ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang kanang bahagi ng silid ay nadedekorasyunan ng isang set ng purong balat na puting sofa habang ang kabilang bahagi ng silid ay naglalaman ng mga kabalyetae at isang malawak na mesang kahoy.
Nakakalat sa ibabaw ng mesa ang mga gamit sa pagpipinta tulad ng mga color palettes, tinta at mga pinsel…
Ilang mga naggagandahang postmodern na oil paintings ang nakasabit sa mga pader ng estudyo.
Ang mga larawan ay marahil orihinal na gawa ng Old Madame Xi.
Ang misteryosong matriarch ng Xi Family ay nakapuwesto sa gitna ng sofa, at eleganteng sumisipsip sa tasa ng tsaa.
Ito ang unang pagkakataong na nakaharap siya ni Xinghe!
Kahit na noong kasal niya, hindi nagpakita si Old Madame Xi.
Kilala si Old Madame Xi na namumuhay ng mag-isa. Ginugugol niya ang kanyang mga araw na nakakulong sa kanyang painting studio; halos imposible na humiling na makipagkita sa kanya.
Ang unang bagay na napansin ni Xinghe tungkol kay Old Madame Xi ay ang kanyang kabataan!
Halatang maraming ginawang proseso para mapanatili ang kanyang hitsura. Ang katawan niya ay maayos ang porma, ang balat niya ay may kinang ng tila sa isang kabataan, at – maliban sa ilang hindi pansining kulubot sa palibot ng mata – ang mukha niya ay napakakinis. Kahit ang kanyang buhok na nakaitaas ay kasing itim ng isang onyx.
Ang hitsura niya ay tila sa isang babaeng malapit nang magsingkwenta kahit na alam ni Xinghe na ang edad nito ay higit pa sa pintumpu.