webnovel

Ang Babaeng Makapal ang Mukha

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang iniisip ni Ruobing ay masyadong diretso na kahit ang tatlong propesor ay mababasa ito. Ang kaunting respeto nila para dito ay biglang naglaho.

Ang mga nag-oobserba sa sitwasyon ng may malinaw na pagtingin ay malalaman agad kung sino ang may pagkakamali rito. Agad nilang napagtanto kung sino ang may higit na kasalanan ng pagkapalalo!

Gayunpaman, wala ng pakialam pa si Ruobing sa mga opinyon nila.

Ang tanging layunin niya ay mapalayas si Xinghe!

Sa kahit na anong kaso, hindi niya matatanggap na matalo sa araw na iyon dahil ang posisyon niya sa lab ang nakataya!

Kailangan niyang puwersahin si Xinghe na tumanggap pa ng mga hamon.

Mas madali itong gawin kaysa sa inaakala niya dahil si Xinghe ay hindi tumututol sa plano niyang ito.

"Dahil mayroon ditong duda, tinatanggap ko ang mas maraming pagsusulit. Ngunit, sa oras na maipasa ko ang pagsusulit na ginawa mismo ni Leader Yun, ikunsidera mo na ang ipinagbabawal ka na sa lab na ito ng habambuhay!"

Natigagal si Ruobing…

Mataman siyang pinandilatan ni Xinghe. "Bakit, ikaw lamang ba ang pwedeng magbigay ng mga banta dito? Kahit sino ay pupwedeng gawin ito sa larong ito! Ikaw ang naunang gumawa nito sa akin kaya asahan mong lalaban ako!"

Isa pang pagkagulat ang dumating sa madlang nanonood.

Hindi nila inaasahan na harapang gaganti si Xinghe kay Ruobing.

Gayunpaman, kumpara sa nauna, mas humanga sila sa naging aksyon nito. Ang kanyang matatag na personalidad na hindi agad nagagalit ay unti-unti na nilang nagugustuhan.

Matapang siya na lumaban at iyon ay talagang kahanga-hanga.

Sapagkat, ang mga tao ay hindi naman talaga kumakampi kay Ruobing ng totohanan.

Kung pagbabasehan kung paano niya tratuhin si Xinghe kanina, masasabi na may mga kinalaban siya para marating ang ituktok.

Kanina, kinakampihan nila ang mga propesor, at hindi siya.

Ang ilan sa mga maiingay niyang kritiko ay kinuha ang pagkakataon na ito para sulsulan siya.

"Tama iyon. Leader Yun, dapat ay tanggapin mo ang hamon. Patunayan mo ang sinabi mo na nandaya siya!"

"Leader Yun, naniniwala kami na isa kang tao na may integridad, ano naman kung habambuhay na pagbabawal sa lab ito? Hindi ka dapat mag-alala tungkol doon dahil tiwala ka namang nagsisinungaling siya, hindi ba?"

Sa pagkakataong ito, may silbi din ang madla…

Nagtangis ang mga ngipin ni Ruobing sa galit pero hindi niya maaaring ibaling ang galit sa mga ito.

Naroroon ang takot sa kanyang puso. Sa ibang rason, nag-aalangan siyang tanggapin ang hamon ni Xinghe pero wala ng paraan para umatras siya dito.

Tama, hindi ba't mayroon pang computer science na pagsusulit?

Agad na sinunggaban ni Ruobing ang kaisipan na ito tulad ng isang salbabida na magsasalba sa kanya sa karagatan ng walang katiyakan.

"Sige, nangako ako na subukan siya! Pero, kailangan niyang ipasa ang computer science na pagsusulit muna, at magbibigay din ito ng oras sa akin para makapaghanda!" Buong tiwalang sabi ni Ruobing, hindi man lamang siya tinablan ng hiya.

Tahimik na nilibak siya ni Professor Wong.

Sa wakas ay nakita ng mga propesor kung sino talaga si Ruobing, na isang babaeng sobrang kapal ng mukha.

Sinubukang huwag pansinin ni Ruobing ang kanilang mga masusungit na tingin at nagtatanong na sulyap. Sa ibang salita, walang hiya niyang hindi sila pinansin.

Nagbago ang hanging sinusuportahan ng madla. Ang pagiging walang hiya ni Ruobing ng harapan ay nagpawala ng suporta ng madla sa kanya.

Sa ibang salita, ito na siguro ang huling oportunidad na mayroon siya sa pagpapalayas kay Xinghe!

Kapag naipasa ni Xinghe ang pagsusulit na ito, mawawalan na siya ng ibang pagkakataon para gipitin si Xinghe. Hindi rin makakapayag ang madla dito…

Bahagyang ngumiti si Xinghe habang pinapanood ang kalaban na desperadong lumalaban. "Sige, sabihin mo na kung anong pagsusulit ito. Sino ang susubok sa kaalaman ko sa computer science?"

"Ee Chen, pumarito ka!" Anunsiyo ni Ruobing.

Ang mga mukha sa madla ay nagbigay ng 'Sinasabi ko na nga ba' na tipo ng ekspresyon.

Nakikini-kinita na nilang tatawagin ni Ruobing ang computer expert na ito para subukan si Xinghe.

Nakuha na niya ang pinakamagagaling na propesor para subukan si Xinghe sa mathematics at ngayon naman ay ang pinakamahusay na siyentipiko sa computer para subukan siya sa computer science.

Kahit ang bulag ay alam kung ano ang ginagawa niya.

Kahit siya mismo ay hindi makakaligtas sa mga pagsusulit na ibinibigay ng mga talentadong tao na nahanap niya.

Muli, isang babaeng makapal ang mukha.

Chapitre suivant