webnovel

Dati Ko Siyang Asawa

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi lamang nito sinabi na hindi siya nito gustong pakasalan sa simula pa pero ang pumayag na pakasalan siya ngayon ay ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay nito?

Paano nito nagagawang tratuhin siya ng ganito?

Masyado nitong minamaliit ang halaga niya, ang lahat ng kanya!

Ang akala ni Tianxin na ang balita tungkol sa pagputol ng kanilang kasunduan sa pagpapakasal ang pinakamalaking dagok na matatanggap niya ng araw na iyon pero mas malala pa pala ito…

Paano nito nagagawang tratuhin siya ng ganito!

"Xi Mubai, ang lakas ng loob mong sabihin ang bagay na ito sa aking anak!" Nawala na sa galit si Ginang Chu at sumigaw na ito ng ubod-lakas, "Ang lakas ng loob mong ipahiya ang anak ko kahit na wala siyang ibang ginawang masama kundi maging isang perpektong babae. Kung hindi mo ipapaliwanag ang sarili mo, personal kitang tuturuan ng leksyon!"

"Ganito pala tinuturuan ng prestihiyosong Xi Family ang kanilang anak?" Galit na pinandilatan ni Ginoong Chu si Ginoong Xi na nakaupo sa tapat niya.

Mabigat na ibinagsak ni Ginoong Xi ang kanyang palad sa mesa at pinandilatan si Mubai. "May ideya ka ba kung ano ang ginawa mo ngayon? Si Tianxin ang iyong katipan at wala siyang ginawang masama, paano mo nagawang tratuhin siya ng ganito ngayon? Huwag mong sabihin sa akin na dahil ito para kay Xia Xinghe?"

"Hindi na ito mahalaga dahil ito ang tanging paraan para mailagay ang mga bagay sa tama," deretsong sagot ni Mubai.

"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Napasimangot si Ginoong Xi.

Malamig na nagpaliwanag si Mubai, "Ang ibig kong sabihin ay simple. Ito ay dahil sa nakakasirang istorya na ginawa nila kung bakit pinili ni Xinghe ang diborsyo, inisip niya na pinagtaksilan at ipinagpalit ko siya kay Tianxin!"

Nagulantang si Ginoong Xi, may nangyari palang ganoon?

Hindi na nagpakita ng pagkabigla sina Ginoo at Ginang Chu na tila ba ito ay lumang balita para sa kanila.

Nahapis ang mukha ni Ginang Xi pero dumeretso siya ng tindig at sinita ang kanyang anak, "Ito ang rason kung bakit pinuputol mo na ang kasunduan?"

"Mother, sa tingin mo ang rason na ito ay hindi sapat?" Sinagot ng tanong ni Mubai ang tanong ng kanyang ina.

Sumiklab ang galit ni Ginang Xi at sumagot ito, "Oo! Paano mo nagawang putulin ang kasunduan ng dahil lamang sa walang halagang detalyeng tulad nito? Oo tama, may mga ginawa kaming bagay para mapilitang mapaalis si Xinghe, pero hindi naman ito nakasakit. Isa pa, totoo naman na hindi siya nababagay sa iyo. Sa bandang huli, ikaw lamang ang inaalala ko, anak, hindi kita mahahayaang magkaroon ng asawa na walang kwenta tulad ng babaeng ito! Kaya naman, ang lahat ng nangyari ay ideya kong lahat, kung naghahanap ka ng masisisi, magalit ka sa akin, walang kinalaman ito kay Tianxin."

"Kung wala siyang kinalaman dito, bakit umarte siya para lokohin si Xinghe kasama mo?" Nakitaan ng sakit at pagkabigo ang boses ni Mubai. "Mother, wala kang karapatan na magplano at sirain ang kasal ko kahit na si Chu Tianxin! Ang pagsasama namin ang pinag-uusapan natin dito, na walang halaga sa iyo na handa kang magplano laban sa sarili mong anak?"

Natakot sa mga salita ni Mubai, nagbago ng taktika si Ginang Xi.

"Sa madaling salita, tinuturing mo ako at si Tianxin na nagmamahal sa iyo hanggang kamatayan ng ganito dahil kay Xia Xinghe?" Malungkot niyang tanong.

"Mubai, patawad sa ginawa ko, hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na iyon pero ginawa ko lamang iyon dahil mahal kita!" Hinagpis ni Tianxin dahil nakakuha siya ng hudyat kay Ginang Xi, at umagos ang mga luha niya tulad ng isang bukas na gripo. "Minahal kita ng maraming taon, pero nagawa ng puso mo na tratuhin ako ng ganito dahil kay Xia Xinghe?"

Inisip niya na aapela ito sa simpatya ni Mubai.

Gayunpaman, ang balasik sa kanyang titig ay lalo lamang tumindi.

"Sa isip mo, si Xinghe ay walang kwenta kaya malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo sa kanya, hindi ba?"

"…" Well, masama ba iyon?

Kahit na si Ginoong Xi ay ganoon ang iniisip. Hindi niya ito ipinahalata tulad ng sa asawa niya pero hindi rin niya ikinunsidera si Xinghe bilang isang taong mahalaga.

Sa kanilang mga mata, isang hindi nakikitang tao si Xinghe, isang maliit na nilalang na madaling isawalang-bahala.

Kaya naman, hindi talaga inisip na ang ginawa ni Ginang Xi at Tianxin kay Xinghe ay seryosong bagay.

Ito ay tulad nga ng sinabi ni Ginang Xi, masamang tingnan pero hindi sobra…

"Kahit na hindi mahalaga ang tingin ninyong lahat sa kanya pero siya ay akin, kay Xi Mubai, legal na asawa at ina ng aking anak!"

Chapitre suivant