webnovel

Hindi Magandang Paghahambing

Éditeur: LiberReverieGroup

Umuwi na nga si Mubai pagkatapos niyon.

Bago pa pumasok ang kotse nito sa Purple Jade Villa, si Xia Zhi, ang naatasang magmatyag dito, ay agad na nakita ito.

"Ate, narito na ang kotse ni Mubai!" Nagmamadaling balita ni Xia Zhi kay Xinghe.

Lumabas si Xinghe sa kanyang silid ng nakaayos. Natigilan si Xia Zhi.

"Ate, nagmukha kang milyonarya!"

Nagpaayos ng buhok si Xinghe ng umagang iyon at ang bago nitong gupit ang nagpalambot ng kanyang hitsura at nagbigay sa kanya ng elegante anyo.

Nakasuot siya ng isang simple na puting bestida na umaabot sa kanyang tuhod, at kaunting make-up. Tila ba ang ganda niya ay dalisay na maihahalintulad sa niyebe.

Humahangang sinabi ni Xia Zhi, "Ate, dapat ay nagdadamit ka ng ganito ng mas madalas! Sigurado akong maraming manliligaw sa iyo!"

"Sige na, aalis na ako." Malayo pa rin si Xinghe kahit na patuloy siyang pinauulanan ni Xia Zhi ng papuri.

Nakakailang hakbang pa lamang si Xia Zhi ng bigla itong nagtanong, "Ate, bakit kailangan mong maghintay hanggang sa umuwi si Mubai bago ka pumunta roon?"

Sumagot si Xinghe ng hindi lumilingon, "Dahil parte siya ng plano."

"O-okay!" Malokong ngumiti si Xia Zhi.

Kahit na wala siyang ideya kung ano ang plano ni Xinghe, masaya siya para dito.

Dahil kahit na ano pa ang plano na ito, siguradong magagawa ito ni Xinghe.

Mayroong mapapahiya ng ate niya ngayong gabi at hindi na siya makapaghintay kung sino at paano.

Ang bagong bili na puting Maserati ni Xinghe ay bumagal at tumigil sa labas ng bahay ng Xi Family.

Ang security guard ay nakita ang kanyang kotse at nasorpresa. Wala siyang ideya kung sino ang nagmamaneho ng ganoon kagandang kotse.

At hindi din niya inaasahan na ang nagmamaneho ay ang ina ng Young Master!

Si Xinghe na nakasuot ng puti na may takong, ay maginhawang kumilos para patunugin ang doorbell.

"Madam, narito na po si Miss Xia!" Pumunta ang isang katulong para ibalita.

Tinutulungan ni Ginang Xi at Tianxin ang mga katulong na ayusin ang hapag-kainan ng marinig nila ang balita. Saglit na natigilan si Ginang XI. "Narito si Xia Xinghe?"

"Opo, madam. Naroon po siya sa pintuan."

"At narito naman ako na iniisip na hindi siya darating ngayon. Papasukin ninyo siya, gusto kong tanungin siya kung alam niya ang ibig sabihin ng pagpunta sa tamang oras!" Agad na nagalit si Ginang Xi.

Napasigaw sa alarma ang isip ni Tianxin.

Bakit kakaiba ang oras ng pagpunta ni Xinghe? Pumunta siya rito kung kailan malapit ng umuwi si Mubai…

Mas lalo niya itong iniisip, mas lalo siyang kinakabahan. Patitigilin na sana niya ang katulong pero nakaalis na ito.

"Auntie, bakit pupunta si Xinghe sa gabi at hindi sa umaga o sa hapon?" Pilit pinapaalalahanan ni Tianxin si Ginang Xi pero masyadong galit ang huli para makuha ang pahiwatig nito.

"Sino ang makakapagsabi ng iniisip niya? Kahit na, tanungin na lamang natin siya!" Mapagmataas na pumunta si Ginang Xi sa sala at nasaktuhan naman na kakapasok lamang ni Xinghe.

Si Tianxin, na sumunod sa likod ni Ginang Xi, ay naramdamang nahulog ang kanyang puso ng makita si Xinghe!

Kaswal na nakasuot ng damit si Xinghe pero nagawa nitong magmukhang maganda at elegante.

Kung ikukumpara naman, ang kanyang magarbong damit ay masyadong makulay at wala sa lugar!

Para matalo si Xinghe, sinadya niyang isuot ang pinakabagong labas na evening gown ng Chanel.

Mahal ang damit, nagkakahalagang 50,000 RMB.

Ngunit, hindi ganoon kaganda ang hubog ng katawan ni Tianxin. Ang damit ang nagdadala sa kanya at hindi siya ang nagdadala rito.

Ang damit ni Xinghe ay nasa 10,000 RMB ang halaga, hindi masyadong mahal pero ang tabas at materyal na ginamit dito ay akma sa katawan ni Xinghe.

Tila ba ang damit ay sinadyang ginawa para kay Xinghe. Akmang-akma ito sa kanyang katawan at ugali.

Imbes na ipinangangalandakan nito ang presyo ng damit, ang buong suot ni Xinghe ay nakakakuha ng atensyon ng mga tao sa kung paano niya dalhin ang kanyang sarili.

Chapitre suivant