"Para makita si Xia Wushuang," sagot ni Xinghe.
…
Naospital din sa parehong lugar si Wushuang. Nang pumasok na si Xinghe sa silid nito, doon lamang niya nakita kung gaano kaseryoso ang lagay ni Wushuang.
Ang buong katawan, lalo na ang mukha nito, ay nakabenda. Ang benda ay nagsimula sa ibabang bahagi ng kaliwang baba, tumawid sa ilong, at umikot sa ulo nito.
Kahit na natatago ang mga sugat nito ng benda, halata naman na ang mukha nito ay malala ang natamong sugat.
Ang totoo, masyadong namamaga ang mukha niya kaya mahihirapan ang sinuman na makilala na si Wushuang ang nakahiga sa kama.
Kung hindi dahil sa pares ng mga mata na punung-puno ng galit na nakatingin kay Xinghe, hindi pa masisigurado ni Xinghe na siya ito.
"B*tch, pagbabayaran mo ito…" angil ni Wushuang na tila isa siyang sirang windpipe pagpasok na pagpasok ni Xinghe.
Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Oh, ikaw pala iyan, Xia Wushuang. Nabigla akong buhay ka pa."
"Ikaw na masamang mangkukulam!" Galit na si Wushuang. Kung hindi dahil sa kanyang pisikal na kondisyon, aatakihin niya si Xinghe. "Parurusahan ka ng Diyos sa pananakit mo ng ganito sa akin! Ikaw at ang pamilya mo ay tatamaan ng kidlat sa pagkakaroon ng malulupit na puso. Mamamatay ka kasama ng anak mo dahil iyon ang nararapat mong katapusan! Mamamatay kayong lahat sa isang nakakakilabot na kamatayan! Maghintay ka at makikita mo!"
"Manahimik ka!" Masungit na saway ni Xia Zhi, "Xia Wushuang, ikaw ang mayroong pusong malupit kaya kung anupaman, ikaw ang nararapat na magkaroon ng nakakakilabot na kamatayan!"
"Ako ang malupit? Masama si Xia Xinghe! Ako, si Xia Wushuang, ay sumusumpa na pagbabayarin kita hanggang may natitira pang hininga sa akin!" Ang galit ni Wushuang ay pumupuno sa maliit na silid, na tila sinasakal nito ang lahat ng naroroon.
Nawala ang ngiti ni Xinghe at lumapit sa tabi ni Wushuang. Ang mga mata na tumingin dito ay kasing ginaw ng taglamig.
"Sa tingin mo ay ako talaga ang responsable sa kalagayan mo ngayon?" Walang ekspresyon na tanong ni Xinghe.
Sinubukan ni Wushuang na makatayo pero hindi siya makakuha ng enerhiya mula sa ibabang parte ng kanyang katawan. Nagkasya na lamang siya na titigan ng masama si Xinghe habang nagsasalita ito, "Oo naman! Sino pa nga ba? Ikaw lang naman!"
"Ikinalulungkot kong sabihin ito sa kalagayan mo ngayon, pero kung isasantabi natin ang hindi natin pagkakaintindihan, sa tingin ko ay kailangan mong malaman ang katotohanan. Alam mo ba ang tunay na plano ni Chui Ming?"
"…" hindi sumagot si Wushuang pero napukaw ang kanyang interes.
Tumingin sa kanya si Xinghe at nagpatuloy sa isang boses na walang bahid ng emosyon, "Gagamitin ka ni Chui Ming para makaganti sa akin, ang pumatay ng dalawang ibon gamit ang isang bato. Ang totoo, lubhang interesante ang kanyang plano, gusto mo pa ba itong marinig?"
"Huwag kang magsinungaling! Ang nag-iisang may galit sa akin ay ikaw!" Lalong nabalisa si Wushuang. "Maaari ka ng tumigil sa paggawa ng kwento dahil sigurado ako na ikaw lamang ang may salarin sa likod ng aksidente ko!"
Hindi pinansin ni Xinghe ang pagpupumiglas ni Wushuang at nagpatuloy sa boses na tumaginting ng mas malinaw pa sa araw.
"Alam niya na magpapadala ka ng tao para patayin ako kaya mayroon din siyang ginawang plano. Pinapunta niya ang mga tauhan niya sa bahay ko bago ang sa iyo, patayin kami at hintaying dumating ang mga tauhan mo."
"Una, ang mga tauhan niya ay gagawa ng paraan na mawalan ako at ang pamilya ko ng malay, pagkatapos ay patayin si Black Three kapag dumating ito. Dahil dito ay makakagawa ito ng impresyon na ako ang pumatay kay Black Three. Kapag nadiin ako ng kasong pagpatay ay masisira ako at ang pangalan ng kumpanya ko kaya ang software namin ay hindi na maaaring makipagtulungan sa Xi Empire. Natural lamang na ang partnership ay mapupunta sa sumunod na nanalo, sa Chui Corps."
"Pagkatapos, uutusan niya ang mga tauhan niya na mag-iwan ng mga bakas para sa mga pulis na maikonekta si Black Three sa iyo at sa nanay mo. Ikaw na mismo ang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari matapos iyon."