webnovel

IPAPAKITA KO SA IYO ANG YABANG

Éditeur: LiberReverieGroup

Matatag na sinabi ng hepe, "Ipinapangako ko sa iyo na titingnan at iimbestigahan namin ang kasong libelo ni Xia Xinghe pero hindi namin siya ipipiit ngayon."

"O sige, hihintayin namin ang resulta ng inyong imbestigasyon," sagot ni Wushuang habang nagtatangis ang mga ngipin. Kailangan niyang makipagkompromiso ngayon pero sigurado siyang mapapanatili nila ang kaso.

Walang paraan para mapatunayan ni Xinghe ang kanyang pagkainosente, kaya kung hindi siya matatapos ni Wushuang ngayon, makakapaghintay siya. Hindi niya inaalintana kung kakabahan din ng bahagya si Xinghe ng medyo mas matagal.

Sigurado si Wushuang, na balang-araw, mahuhulog din sa kanyang mga kamay muli si Xinghe.

Kahit na may tulong mula kay Mubai, hindi maiaalis ni Xinghe ang sarili niya mula dito.

Walang awang tinitigan ni Wushuang si Xinghe. "Xia Xinghe, magpasalamat ka sa swerte mo ngayon. Pero huwag kang pakampante dahil hahuntingin kita hanggang sa dulo ng mundo!"

Kayabangan ang naramdaman ni Wushuang matapos niyang sabihin ang kanyang deklarasyon. Dahil nasa kanyang likuran si Chui Ming. Gagawin niya ang lahat para tulungan siya sa paghihiganti niya kay Xinghe.

Ano ang mayroon kay Xinghe?

Isa siyang diborsiyada, maaaring tulungan siya ni Mubai minsan pero hindi na lalabis pa ito dito.

Sa madaling salita, Xia Xinghe was dead meat! Wala siyang panama sa kanila!

Tila ba nababasa nito ang utak niya, patuya siyang sinabihan ni Xinghe, "Iyon ba? Xia Wushuang, mayroon akong isang bagay na kailangan kong sabihin sa iyo."

Napasimangot sa pagkalito si Wushuang. Ipinagpatuloy ni Xinghe, "Kung hindi mo ako mapapabagsak ngayon, ikaw naman ang pababagsakin bukas."

Nakaramdam ng panginginig sa puso si Wushuang sa hindi malamang dahilan.

Mabagal na lumakad palapit si Xinghe sa kanya, ang bawat hakbang nito ay nagpapakita ng ibayong tiwala sa sarili.

Pakiramdam ni Wushuang ay susuko siya sa katiyakang nakikita sa mga mata ni Xinghe at lalong tumindi ang kanyang kaba.

Tila ba nababasa ni Xinghe ang katapusan niya. Isa itong hindi maipaliwanag na takot na umakyat sa kanyang puso.

Pero, hindi ito ipinakita ni Wushuang sa kanyang mukha. Sa halip, tinitigan niya ng masama si Xinghe.

Ibinalik ni Xinghe ang masamang tingin sa kanya ngunit imbes na karahasan, ang mga mata ni Xinghe ay nagpapakita ng mala-haring kapangyarihan, na para bang hindi siya maaaring hawakan at mas mataas pa kay Wushuang.

Nanliit ang pakiramdam ni Wushuang at pakiramdam niya ay hiniya siya na mas mababa nga siya kaysa kay Xinghe.

Pinapangit nito ang kanyang kaanyuan.

"Xia Xinghe, ano ang plano mong gawin? Binabalaan kita, huwag kang masyadong mayabang!" Ang dalawang pangungusap na ito ang kumawala sa bibig ni Wushuang habang palapit si Xinghe. Walang nakakaalam na ang parteng ito ni Xinghe ang kinamumuhian niya ng husto. Ang isa na nagpaparamdam sa kanya na may kakulangan siya.

Gusto niyang dumihan si Xinghe literal man o hindi para maranasan at maramdaman ng babae kung ano ang pakiramdam ng pagiging basura sa buong buhay niya.

Ngunit, si Xinghe ay isang goal na hindi niya matalu-talo.

"Mayabang?" Pangahas na tawa ni Xinghe. Tulad ng isang chime na biglang tumunog sa gitna ng gabi, ang mga tawa niya ay malungkot na maganda. Pagtatapos niya, "Kung gayon ay buksan mong maigi ang iyong mga mata dahil mula sa oras na ito, ipapakita ko sa iyo ang mayabang!"

Sinabi na ni Xinghe ang kanyang sasabihin at tumalikod na ito para umalis.

Determinado na siyang ipakita sa kanila ang tunay na Xia Xinghe!

Ibabalik niya sa bawat isa sa kanila ang nararapat na kabayaran sa ginawa nila.

Ipapaalam niya sa kanilang lahat na si Xia Xinghe ay hindi isa na dapat binubully!

Lumabas na sa istasyon ng pulis si Xia Xinghe at hinabol naman siya ni Chang An.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, palaging magalang si Chang An kay Xinghe. Nagtanong siya, "Ms. Xia, maaari ko bang itanong kung saan ka pupunta? Kailangan mo ba ng masasakyan?"

Hindi na nagtanong pa si Xinghe kung bakit tinulungan siya nito at hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa.

Sa isang matiim na tingin, tumuro siya sa isang direksyon at matatag na sinabi, "Pupunta ako sa… Hacker Competition!"

Chapitre suivant